Vous êtes sur la page 1sur 1

ANG AKING TULANG PANGKALIKASAN

Ako ay may tula para sa kalikasan

Pero pwede rin naman sa sangkatauhan

Dahil itong ating magandang kaharian

Nawawasak na dahil sa ating kagagawan

Kung ating pagmamasdan itong ating bansa

Malalaman nating tayo ay pinagpala

Lalo na kung susuriin at aaralin

Mga tanging yaman na likas sa atin

Mga yamang ginagamit sa kabuhayan

Malapit ng magwakas at magkamatayan

Di man lang napapansin, ni, maunawaan

Lahat ng nga bagay ay mayroong hangganan

Kung kayat sana'y bago mahuli ang lahat

Tayo ng mga nilikha ay magsimulat

at kaya sana ay aking mahikayat, maanyayahan

Gawa nitong aking tulang pangkalikasan

Vous aimerez peut-être aussi