Vous êtes sur la page 1sur 1

Sample Dito sa Laguna RTO

Program Title: Dito sa Laguna


Episode Title: (Write the episode title.)
Producers: (Write the name of your group. If its a class project, write the class section)
Duration: 30 minuto
Intended Audience: Ang mga nanay at tatay sa Los Baos

Rationale

Noong 2011, mga 11 milyong batang Pilipino ang ulila at nakatira sa ibat-ibang institusyon upang
makahanap ng mag-aampon sa kanila. Isang video tungkol sa kalagayan ng batang ito ang ipalalabas. Ito
ay isang 30-minuto na documentary na para sa mga taga- Los Baos. Ineenganyo silang pag-isipan kung
paano makatutulong sa mga kabataang ito. Sa video na ito, ipakikilala rin sa publiko ang Foster Care Act
of 2012, ang mga layunin at kabuluhan nito, at kung paanong ang ating gobyerno at ibat-ibang
organisasyon ay kumikilos para sa mga batang ulila sa Pilipinas. Magkakaroon dito ng ibat-ibang
panayam sa mga eksperto mula DSWD at maging mga panayam kasama ang mga batang
nangangailangan.

Treatment

Tagalog ang magiging lenggwahe sa gagawing video. Magsisimula ito sa pagpapakita ng mga video clips
kung saan may mga batang naaalagaan nang maayos ng kanilang mga magulanghinahatid sa paaralan,
sinasamahan kumain sa hapag-kainan, at pinapayagang makipaglaro sa kanilang mga kaibigan.
Mayroong kalmadong musika ito sa background. Pagkatapos ay lalabas na ang panayam mula sa
eksperto ng DSWD. Dito sa panayam ipaliliwanag ang Foster Care Act of 2012 at kung paano ito
ipinatutupad.

Pagkatapos ay ipakikita na ang mga video clips ng mga batang ulila na naglalaro sa isang orphanage.
Pagkatapos nito ay lalabas na ang panayam kasama ang Madreng nag-aalaga sa kanila. Magpapalabas
muli ng mga video clip ng mga bata, at pagkatapos ay may mensaheng lalabas na nagsasabing, Para sa
mga nais tumulong, tumawag lamang sa 639-1234 at hanapin si Sister Mila. Ipalalabas din ang mga
cellphone numbers ng mga opisyal sa DSWD na maaaring kontakin upang makatulong.

Objectives

Pagkatapos panoorin ang palabas, ang manonood ay dapat na:

1. Makapagsabi ng isang rason kung bakit kailangang tulungan ang mga batang ulila;
2. Kilalanin ang batas na tinalakay sa video; at
3. Maisulat ang numero na dapat tawagan upang makatulong.

Vous aimerez peut-être aussi