Vous êtes sur la page 1sur 11

RepublikangPilipinas

MINDANAO STATE UNIVERSITY


Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Aralin III : Ang mga bahagi ng Pananaliksik

Panimula:

Layunin:

Panimulang Ebalwasyon:

Mag-aral Tayo:

1
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

KABANATA I

Ang Suliranin at Ang Sandigan Nito

Panimula( magbigay ng kahulugan tapos halimbawa nito).

Ang nilalaman nakalagay dito ang lokal, internasyonal,

miyaok

a. Paglalahad ng suliranin(kahulugan ng paglalahad at

halimbawa nito).

b. Saklaw at limitasyon (kahulugan ng saklaw at limitasyon at

halimbawa nito).

c. Kahalagahan ng pag-aaral(kahulugan ng kahalagan ng pag-

aaral at halimbawa nito)

Ang pag-aaral ng panitikan sa bansa ay nagsisilbing

pagmamapa ng Pilipinas. Sa bawat pook at rehiyon, matatagpuan

ang mga natatanging anyong pampanitikan na nagtataglay ng

samot-saring kultura at kalinangan. Ito ay dahil sa ang sining ng

pagkatha ng bawat awtor ay nag-iiba-iba ayon sa kanilang

karanasan, kapaligiran at kasaysayan (Candelaria et al, 2010).

2
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Isa sa mga sangay ng panitikan na nagtataglay ng nasabing

mga katangian ang maikling kwento. Bilang panitikan, ito ay talaan

ng buhay (Arrogante,1983). Sa pamamagitan nitoy naibabahagi ng

awtor ang kanyang mga puna sa buhay at daigdig na kanyang

kinabibilangan sa masining na paraan.

Bilang katha rin, ang maikling kwento ay mayroong

kapangyarihan na magpagalaw sa mga taong naninirahan sa isang

tiyak na lipunan. Kung gagamitin bilang isang kasangkapan,

maaari itong maging lagusan ng isang ideyang nagpupumiglas

upang makawala. Ito ay sining ng karanasang pantaong natatangi

sa sangkatauhan (Salazar, 1995). Nailalahad din dito ang isang

maselang pangungusap sa buhay ng pangunahing tauhan (Pineda,

1979). Sa aklat ni Matute(1983), ipinaliwanag niya ang kahalagahan

ng paglalarawang-tauhan sa maikling katha. Ayon sa kanya, ang

mabisang paglalarawang-tauhan ay magagawa sa iba't-ibang

katauhan at magagawa sa iba't-ibang paraan. Dapat iwasan ang

pahapyaw na paglalarawang-katauhan o halos kawalan nito.

Dagdag pa niya, ang tao ay may mga katangian tulad ng iba, lalo na

sa pangkat na kanyang kinabibilangan at ginagalawan, ngunit may

3
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

mga katangian ding ikinaiiba sa lahat, kaya nga't siya ay siya at

hindi sila.

Ayon naman kay Baisa et.al (2005) ang tauhan ay likha ng

manunulat. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang

mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

Ayon kay Arrogante et.al, (2004) tinutukoy niya na may

dalawang katangian mayroon ang isang tauhan ang panloob at

pisikal na katangian. Ang panloob na katangian ay tumutukoy sa

ugali, pagsasalita, paggalaw at pagkilos ng tauhan samantalang ang

pisikal na katangian ay sa anyo,mukha, tindig,kutis ng tauhan.

Isa sa mga masisigasig na mangangatha ng kani-kanilang

panahon sina Liwayway Arceo (1990) at Brigido Batungbakal (1935).

Sa kanilang mga kwento ay mababasa ang ibat ibang kalagayang

pantao bunga ng kanilang karanasan at sariling pananaw sa buhay.

Ngunit kung tutuusin, mangilan-ngilan lamang magbabasa ng

Panitikang Filipino ang nakakaalam sa mga akda nila. Ilan lamang

din ang nakakaalam ng kanilang mga itinatampok na mga

pangunahing tauhan sa kanilang mga maikling katha. Kung may

nakakaalam man hindi nabibigyang pansin ang mga katangian

mayroon ang mga tauhang ito. Sa katunayan, bunga rin ng

4
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

pagdatal ng makabagong panitikan at babasahin, unti-unti nang

nabubura ang mga de-kalibreng kwento ng dalawang awtor.

Bunga ng ganitong pangyayari, isang malaking suliranin

ngayon ang muling pag-uugnay ng nakaraan sa kasalukuyan. Ang

mga isyung ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na muling

buklatin at suriin ang mga akda nina Arceo at Batungbakal upang

maghanap ng mga solusyong higit na kailangan sa pagbibigay

halaga sa pagkakaroon ng panlipunang kalinangan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may layuning matuklasan ang

pangunahing tauhan sa mga piling maikling kuwento nina

Liwayway Arceo at Brigido Batungbakal.

Pinagsikapan ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan

ang mga sumusunod na suliranin:

1. Malikom ang mga maikling kwento nina Liwayway Arceo at

Brigido Batungbakal

2. Matukoy ang mga pangunahing tauhan at ang uri nito.

3. Mailarawan ang mga pangunahing tauhan batay sa:

a. Panloob na katangian

5
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

b. Panlabas na katangian

4. Maihambing ang mga katangian ng mga pangunahing tauhan

mula sa maikling kwento nina Liwayway Arceo at Brigido C.

Batungbakal.

5. Matukoy ang implikasyong Sosyolohikal.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa paglilikom,

paglalarawan at pagtukoy ng mga katangian sa panlabas at panloob

ng mga pangunahing tauhan sa mga piling maikling kwento nina

Liwayway Arceo at Brigido Batungbakal. Sa panlabas na katangian

nakasentro lamang sa anyo,mukha,tindig at kilos samantalang ang

panloob ay sa ugali at gawi ng pangunahing tauhan. Magmumula

ang mga pangunahing tauhan sa mga maikling kwento nina

Liwayway Arceo at Brigido Batungbakal. Ang Pasiya, Labing-anim

na taong gulang, Mga bakas sa buhangin, Iro: Sabungero, Babae

para kay Liwayway at kay Batungbakal ay Nasa Binhi, Dios Ama,

Sanaysay ng Isang kwento, Karimlan sa Bukang Liwayway,

Kasintahan ni Soliman.

6
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Sa paghahambing, tutukuyin ang pagkakatulad at

pagkakaiba ng mga katangian ng pangunahing tauhan sa mga

piling katha ng dalawang awtor.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil may layunin itong

ipaalam sa mga mambabasa kung ano ang mga katangian mayroon

ang pangunahing tauhan sa mga piling maikling kwento nina

Liwayway Arceo at Brigido Batungbakal.

Para sa mga mag-aaral, mahalaga rin ang pag-aaral na ito

dahil makadaragdag ito ng kaalaman sa mga estudyanteng

interesado sa pagbabasa ng akdang Pilipino, partikular ang mga

akda nina Arceo at Batungbakal. Nakakadagdag rin ng kaalaman

na matuklasan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga

pangunahing tauhan ayon sa mga piling maikling katha ng

nasabing dalawang manunulat.

Para sa mga mananaliksik, mahalaga ang pag-aaral na ito

dahil mas mapapalawak pa ang kanilang kaalaman sa mga akdang

pampanitikan ng Pilipinas lalong-lalo na sa larangan ng maikling

kwento. Makakapagbigay din ito ng impormasyon upang magamit

sa propesyong pagtuturo sa hinaharap.

7
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Para sa ibang mananaliksik, mahalaga ang pag-aaral na ito

upang madagdagan ang kanilang impormasyon para sa kanilang

pag-aaral lalong lalo na sa may kaparehong paksa.

Para sa mga Guro, mahalaga ang pag-aaral na ito dahil

madagdagan ang kanilang kaalaman na maibabahagi nila sa

kanilang pagtuturo ng asignaturang panitikan. Sa pagtuturo ng

mga kabataan, madaling tukuyin ang interes at atensyon kung

sisimulan ng isang pangganyak na pagkukuwento at mabisang

pagtukoy sa mga tauhan ng kwento.

Katuturan ng mga Termino

Para mas mapalinaw ang pag-aaral na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binigyang kahulugan ng mga

mananaliksik.

Paglalarawan isang istratehiya ng pagsulat na gumigising sa mga

pandama tulad ng paningin,pandinig,pang-amoy,panlasa at

pakiramdam (Magracia et. al,2008).

Sa pag-aaral na ito ay ilalarawan ng mga mananaliksik ang

panlabas at panloob na katangian ng mga pangunahing tauhan.

8
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Paghahambing ginagamit ang paraang ito para magbigay-

linaw,magpasya at humikayat (Magracia et. al, 2008).

Sa pag-aaral na ito, inihambing ng mananaliksik ang mga

pangunahing tauhan sa mga kwento nina Liway Arceo at Brigido C.

Batungbakal.

Katangian tumutukoy sa kakayahan, kabutihan, kaaayusan,

kaugalian, abilidad o talino (Ferrer,2006).

Sa pag-aaral na ito, ang katangian, tumutukoy sa panlabas

at panloob na katangian tulad ng asal,kakayahan,pananamit at

pisikal na anyo.

Panloob na Katangian- tumutukoy sa ugali, pagsasalita, paggalaw

at pagkilos ng mga tauhan (Arrogante,et.al 2004).

Sa pag-aaral na ito ang panloob na katangian ay tumutukoy

sa ugali at gawi ng mga pangunahing tauhan.

Panlabas na Katangian tumutukoy sa anyo,mukha,tindig,kilos ng

mga tauhan (Arrogante,et.al2004).

Sa pag-aaral na ito ang panlabas na katangian ay tumutukoy

sa anyo, mukha, tindig at kilos ng mga pangunahing tauhan.

9
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Tauhan - ang mga tauhang may kaugnayan sa isa't-isa, ang

pangunahing tauhan at ang mga nasasangkot sa mga pangyayari

sa kwento ( Arrongante et. al, 2004 ).

Sa pag-aaral na ito, nakatuon sa mga tauhan kung saan ito

ang pagkukunan ng datos at susuriin.

Tauhang Bilog- isang tauhan may maraming saklaw ang

personalidad.Pagbabagu-bago ng katangian ayon sa

pangangailangan (Baisa et.al ,2005).

Sa pag-aaral, gagamitin ito upang matukoy ang uri ng

tauhan.

Tauhang Lapad tauhang nagtataglay ng iisang katangiang

madaling matukoy.Hindi nag-iiba ang katangian ng katauhang ito

simula hanggang wakas ng kuwento (Baisa et.al, 2005).

Sa pag-aaral na ito magagamit ang ganitong uri upang

mabigyan ng paglalarawan ang tauhan.

Maikling Kwento - Nailalahad dito ang isang maselang

pangungusap sa buhay ng pangunahing tauhan (Pineda, 2005).

Sa pag-aaral na ito, ang mga maikling kwento nina Liwayway

Arceo at Brigido Batungbakal ang ginamit ng mananaliksik.

10
RepublikangPilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Edukasyon
Brgy. Fatima, LungsodngHeneral Santos (082) 302-9608
__________________________________________________________________

Implikasyong Sosyolohikal isang pahiwatig kung saan tinitignan

ang kahalagahan at kaugnayan ng mga panlipunang institusyon

tulad ng simbahan, pamilya, paaralan at iba pa sa sitwasyon at

oportunidad sa mga mamamayan nito(Villafuerte,2000).

Sa pag-aaral na ito, ito ang implikasyong gagamitin sa pag-

aaral upang malaman ang kaugnayan ng mga tauhan sa lipunan.

11

Vous aimerez peut-être aussi