Vous êtes sur la page 1sur 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Yunit 2 Aralin 12 Pagkamahabagin

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagan ng pakikipagkapwa-tao na may kaakibat na
paggalang at responsibilidad

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa pagpapasiya para sa
kapayapaan ng sarili at kapwa

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
3. Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng
kapwa
Code: EsP6PPP-IId-i-31
a. PAKSA: Aralin 14 Pagkamahabagin
b. Sanggunian: EsP - K to 12 CG d. 32
c. Kagamitan: powerpoint presention, metacards, permanent
marker at masking tape, larawan
d. Pagpapahalaga: Pagkamahabagin

II. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
Pagtitsek kung sinong liban sa klase.
Ipabasa ang panimula ng aralin.
Talakayin ang Mahalagang Kaisipan.

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipakita sa klase ang maikling video. Magkaroon ng talakayan
pagkatapos mapakinggan ito.
https://www.youtube.com/watch?v=zcruIov45bI
Itanong:

a. Anu-ano ang mga mabubuting ginawa ng tauhan sa “video


clip”?
b. Bakit tinulungan ng tao ang matanda sa pagtutulak ng kariton?
c. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin kung nakakita ka ng
isang matandang nagugutom sa kalye?
d. Anu ang mabuting epekto ng pagiging mahabagin?
e. Kung ikaw ang lalake sa video, ano pa ang pwede mong gawin
upang makapagpakita ng awa sa iyong kapwa.
f. Magkaroon ng talakayan sa mga sagot ng mga mag-aaral

(Magkaroon ng closure bawat araw)

Ikalawang araw

2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa
aralin?
3. Paano ito nakaimpluwensiya sa iyong sarili bilang miyembro ng
lipunang iyong ginagalawan?
c. Ibigay ang rubrics para sa gawain.
(Para sa guro)
Tandaan na ang rubrics ay magmumula sa pagsang-ayon ng mga
mag-aaral at guro sa paggagrado ng gawain.
Maaari rin naman ito ay galing sa guro ngunit dapat ay may
konsultasyon sa mag-aaral upang lalong mapaganda ang rubrics.
d. Pangkatin ang mag-aaral sa apat at ibigay ang mga alituntunin
na dapat nilang sundin.
Mga alituntunin:
1. Pumili ng tatayong lider ng grupo.
2. Bumunot ng sitwasyon o eksenang isasadula.
3. Ang bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto para sa
preparasyon at karagdagang tatlong minuto sa
presentasyon.
Tema:
“ Pagpapakita ng kahalagahan ng pagiging
mahabagin/maawain”

e. Magkaroon ng maikling paglalahat sa naipakitang gawain.

(closure)
Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.

(Pre-assigned task)
(Paalala sa Guro: Pipili ang guro ng mga mag-aaral na magiging aktor at
aktres na gaganap bilang batang pulubi, anak mayaman at guro.
Magkaroon ng isang senaryo tungkol sa kalagayan ng batang pulubi at
isang anak mayaman kung saan nakita ng batang anak mayaman ang
kalagayan ng kanyang kamag aral na mahirap sa buhay at kanya itong
tinulungan. Pagkaraan ng isang sandali linapitan sila ng guro at pinuri ang
pagkamahabagin ng batang anak mayaman.
a. Talakayin ang mga ginawa ng mga mag-aaral.
Itanong:
1. Kung kayo si __________? Gagawin din ba ninyo ang kanyang ginawa?
Bakit?
2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang magagawa mo upang maipakita ang
pagiging mahabagin o maawain?

b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin. Ipaulit ng dalawang beses


upang tumimo sa isipan ng mag-aaral. Matapos maipabasa ay tumawag na
mag-aaral na kung saan ay magbibigay siya ng kanya idelohiya batay sa
tandaan natin.

(closure)

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Itanong. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang


pagiging isang batang mahabagin?
b. Sa iyong journal, sumulat ng tatlo hanggang apat na
pangungusap sa iyong realisasyon o pag-unawa sa ating paksang
pinag-aralan.
c. Pagtalakay sa sagot ng mga mag-aaral.

(closure)

Ikalimang Araw
III. Pagtataya
5. Subukin Natin
1. Muling itanong ang nasa Isabuhay at tumawag ng ilang mag-
aaral upang magbahagi.
2. Ipabuo ang mga pahayag batay sa napag-aralan.
(closure)
IV. Takdang -aralin
Gumupit ng mga larawan mula sa mga magasin o diyaryo na
nagpapakita ng pagkamahabagin at gawing “collage”.

Repleksiyon:
Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos ng
aralin.

Inihanda nila:

Arllen Joy D. Angatan


Marichu V. Laporca
Nhor Emra P. Silongan
Febille J. Rivera
Arlene R. Mancio
Nasser C. Jasad
Salik M. Pusaka
Nilda M. Mejos
Marivic M. Amontos
Mariel B. Ubaub
Violeta M. Sta. Elena

Binigyang pansin nila:


_________________________________
_________________________________
_________________________________

Vous aimerez peut-être aussi