Vous êtes sur la page 1sur 3

Hugot Job Interview

Assistant: Good morning Maa'm!

Emilia: Kanina pa ba naghihintay ang mga applicants?

Assistant: Yes Maa'm. Kanina pa po!

Emelia: Sige magpapasok ka na!

APPLICANT #1 (Neselle)

Q: Tell me a little about yourself?

Q: Gaano muna kakilala ang kompanya namin?

Gaano kakilala? Sobrang kilala ko siya. Simula pagkabata kami na ang magkasama. Naglalaro ng bahay-
bahayan, nagtatakbuhan at higit sa lahat nagtataguan. Nagtataguan ng feelings. Ang sakit kasi hanggang
ngayon, hindi parin niya ramdam ang pag-ibig ko. Dahil sa tago ng tago, ayon nakahanap ng iba. Habang
ako naghihintay parin na makita niya kahit alam kong may mahal na siyang iba.

Tanggap ka na!

Talaga po. Thank you Maa'm.

APPLICANT #2 (Ruffa Mae)

Q: Tell me a little about yourself?

Q: Ano ba ang special skills meron ka?

(Skills.... Talent...)

Ano nga ba talaga ang pangarap mo sa buhay?

Pangarap! Pangarap kong iwanan niya ang present niya, balikan ako at magsama kami habang buhay. Kasi
sa totoo lang ako naman ang unang minahal niya. Unang naging buhay niya. Unang naging sponsor niya.
Unang taong nagpasaya sa kanya. Kung hindi lang sa kalandian ng babaeng iyon sana magkasama parin
kami ngayon. Ngunit kapag natupad itong pangarap ko, gagawin ko ang lahat upang manatili siya sa piling
ko kahit ipagsisigawan na ng mundo na sadyang tanga ako.

APPLICANT #3 (Alcotte Mae)

Q: Tell me something about yourself?

Q: Ano ba ang problema sa unang kompanya na pinasukan mo at umalis ka?


Problema! Ako walang problema. Pero siya? Meron. Meron. Babaero. Maloloko. Sa mga girls na
nakikinig, huwag umasa dahil lahat ng mga lalaki paasa. Huwag ninyo akong tularan. Matapos ligawan,
mag-aawayan, pagsasawaan at ang masakit IIWANAN!

APPLICANT #4 (Nicka)

Excuse Ma'am, tumawag po si Sir Diego. Sa baba lang daw po siya maghihintay.

Maghihintay! Sa mga long distance relationship jan o di kaya papunta palang sa long distance
relationship, huwag kayong maniniwala sa katagang "Maghihitay!" Hintay kamo, Ngek Ngek mo, one
week pa nga lang na di magkasama ayon may kasama nang iba. Boys, ang mga babae hindi iyan isang
gamit na kapag namisplace mo lang, may kapalit. Pero kapag nakita mo na ulit, ayon malaki ang gamit.

APPLICANT #5 (Niño)

Q: Tell me something about yourself?

Q: Ano ang iyong dahilan bakit iniwan mo ang iyong kasalukuyang work at nag-apply ka sa company
namin?

Bakit iniwan? Nagtatanong ka sa dahilan kung bakit ko siya iniwan? Kasi ayoko ko nang magtanga-
tangahan. Nagkukunwaring walang nakita na may kasamang iba, pero nakatatatak na sa isip na sa park
sila nagkikita. Nagkukunwaring masaya sa piling niya kahit deep inside, masakit na. Tigil na! Ayoko ko na!
Mabuti pang iwanan siya. Baka sakaling marealize niya, ako lang talaga mahal niya.

APPLICANT #6 (Chin and Iverson)

Q: Ano special skills mo?

Kung lahat nag nag-aaply nawawalan ng pag-asa sa pag-ibig, at hinugutan ang sarili, ako iba. Kaya kong
pahangin ang lahat na umibig gamit ang katangang

Ngiti. Kaysarap sulyapan ang mukha mong may ngiti. Damdamin abot langit, buhay kinikiliti. Makita lang
giliw iyong magandang ngiti, nagagamot na ang puso kong sawi.

Kamay. Hawakan mo giliw, aking kamay. Sabay natin tahakin buhay na puno ng lakbay. Magsasama
habang-buhay. Sa hirap at ginhawa, di maghihiwalay.

Mata. Unang sulyap palang sa iyong mga mata. Para bang nagniningning na mga tala sa umaga. Hindi
maiwasan, sa iyo ay matulala. Mahal, pakinggan itong aking tula, na sa iyo ay alay nawa.

LAST SCENE:

Assistant: Maa'm may naghahanap po sa inyo?.

Lily: Papasukin mo?

--------------------------
Kate: Ano Emelia nagulat ka?

Lily: Akala ko patay kana Ivy.

Kate: Patay na si Ivy Aguas... Pero si Lily Cruz, buhay na buhay pa. And Im not wearing black because
black is out. Gold is in. And like gold, I AM INDESTRUCTABLE! Kaya matakot kana Emelia, total wala ka
naman experience sa kompanyang ito.

Emelia: Experience! Napakalawak na ng experience ko sa pagmamahal. We've been years. Minsan na


akong pinaiyak. Minsan na akong niloko. Muntik na nga rin akong iwan. Pero ang worst experience sa
lahat, nanatili parin akong tanga. Alam mo nang nanligaw na ng iba. Nakipagchat sa ex niya. Still stay
strong parin, kahit deep inside masakit na! Hindi pa nakontento. Nakipaglandi pa sa kaibigan mo.
Nagsinungaling pa ng ilang beses sayo. Ano pa sunod? Sabihin mo para matapos na itong katangahan ko!
Dahil hanggang ngayon nagmamahal parin ang puso ko, sigaw parin pangalan mo, naghihintay na baka
sakaling bumalik and dating ikaw, ang dating mahal ko.

Ano masaya ka na Lily Cruz?

Kate: Masaya. Never akong naging masaya sa piling niya. Bakit? Sino ba ang liligaya sa tuwing monthsary
niyo, nakakalimot siya? Sa tuwing online ka, may kachat siyang iba. Sa tuwing malungkot ka, masaya siya.
Sino ba ang sasaya sa ginawa niya? Dinahilan pa na strict ang parents niya at hiniwalayan ka kahit ang
totoo may niligawan na siyang iba.

Vous aimerez peut-être aussi