Vous êtes sur la page 1sur 3

ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.

Basic Education Department


FILIPINO 8 Bb. Frances Angelica May R. Seguido, LPT

GURO

PANGALAN: _______________________________________________ MARKA:_____________

PANGKAT AT TAON: ___________________________________________ PETSA:______________

PANGKALAHATANG PANUTO:

Ang pagbubura, alterasyon, at pangongopya ay mahigpit na ipinagbabawal.

I. Multiple Choice
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kinasusulatan ng usapan ng mga tauhan na may ibat ibang anyo batay sa
inilarawan ng dibuhista.
A. lobo ng usapan B. kahon ng salaysay C. kuwadro D. larawang guhit
ng mga tauhan
2. Itoy naglalaman ng isang tagpo sa kwento o frame.
A. lobo ng usapan B. kuwadro C. kahon ng salaysay D. pamagat
3. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kwento.
A. kontemporaneong dagli B. komiks C. pelikula D. kuwento
4. Tumutukoy sa kagalingan ng paglikha ng pelikula partikular sa “visual effects” nito,
pag-iilaw, at kahusayan sa pagkuha ng anggulo bawat eksena.
A. paksa B. titulo C. sinematograpi D. cinema
5. Sila ang nagbibigay buhay sa bawat eksena at ang gumaganap ng partikular na papel
sa isang pelikula.
A. tauhan B. musika C. mang-aawit D. direktor
6. Binubuo ito ng mga gumagalaw ng mga larawan at tunog na lumilikha ng kapaligiran
at mga karanasang malapit sa katutuhanan.
A. musika B. pelikula C. cinema D. larawan
7. Tumutukoy sa maikling salaysay o banghay sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari mula simula, gitna, at wakas ng isang pelikula.
A. maikling kwento B. maikling dula C. maikling kanta D. maikling buod
8. Ang tunog na nagbibigay diin ng bawat emosyon na ipinakikita sa pelikula.
A. musika B. sinematograpi C. paksa D. tema
9. Tumutukoy sa titulo ng pelikulang binigyang buhay.
A. tema B. pamagat C. pelikula D. mensahe
10. Ito ang kabuuang aral o leksyon na dala ng pelikula sa mga manonood.
A. tema B. pamagat C. mensahe D. musika
11. Isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
maihatid ang salaysay o kuwento.
A. maikling kuwento B. komiks C. pelikula D. karton
12. Bahagi ng komiks na sinusulatan ng mga maikling salaysay tungkol sa tagpo.
A. Pamagat B. kahon ng salaysay C. lobo ng usapan D. kuwadro
13. Ang dalawang taong kilala sa ating bansa sa pagsusulat ng komiks.
A. Rizal at Bonifacio B. Francisco Baltazar at Jose Corazon De Jesus
C. Ramon Roces at John Cruz D. Mars Ravelo at Elena M. Patron
14. Siya ang nagtatag ng apat na komiks dito sa ating bansa pagkatapos ng digmaan sa
pagitan mga Pilipino at Amerikano.
A. Ponciano Sevilla B. Don Ramon Roces C. Russana Roces D. Anton Cruz
15. Sinasabing “Gintong Panahon ng Pelikula” at nagsimulang umusbong mula sa
pinakatradisyunal hanggang sa pinakamodernong kalinangan.
A. Dekada ‘50 B. Dekada ‘70 C. Dekada ‘80 D. Panahon ng himagsikan

II. Kaanyuan ng Pang-uri


Panuto: Salungguhitan ang pang-uri sa bawat bilang. Pagkatapos, tukuyin kung payak,
maylapi, inuulit, o tambalan ang mga pang-uring sinalungguhitan.
_________1. Mabato ang lupang kanyang sinasaka.
_________2. Pabago-bago ang klima ngayon kaya nahihirapan ang mga tao.
ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.
Basic Education Department
_________3. Naging malamig ang damdamin niya sa isyu.
_________4. Sinabihan ni Donya Konching na hampaslupa ang batang nanlilimos sa
kanya.
_________5. Ang lungkot-lungkot ng kinasapitan ng kanyang mag-ina.
_________6. Si Mel ay hinahangaan sa ganda ng kanyang ugali.
_________7. Seryoso ba ang mga gobyerno sa hinaing ng mga magsasaka?
_________8. Kapit-bisig ang mga mag-aaral sa kanilang “performance task”.
_________9. Nilalayuan ng mga kaibigan si Joy palagi dahil sa pangit niyang ugali.

III. Paggamit ng pang-abay na pang-agam sa pagpapahayag ng pag-aalinlangan o


pag-aatubili.
Panuto: Gamitin ang pang-abay na ibinigay sa bawat bilang sa pag-papahayag ng
pag-aalinlangan.
1. (siguro) ____________________________________________________________
2. (wari) ____________________________________________________________
3. (baka) ____________________________________________________________
4. (pag nagkataon) ______________________________________________________
5. (tila) ____________________________________________________________
6. (marahil) ____________________________________________________________

IV. Paggawa ng Komiks Istrip


Panuto: Gumawa ng sariling komiks na naglalaman ng katawa-tawa o madramang mga
pangyayari sa iyong paligid. Gawing orihinal ang kwento. 20 puntos

Vous aimerez peut-être aussi