Vous êtes sur la page 1sur 1

Huwad na gamot

Nagbabala ang kagawaran ng Kalusugan tungkol sa


kumakalat na mga huwad na gamot. Hinuha ng mga may
kapangyarihan na ito’y kagagawan ng isang sindikato. Bunga nito
kumikilos ang mga awtoridad at pinagtutuunan ng pansin ng mga
mamamayan ang bagay na ito.
Sinasabing ang mga gamot na naturan ay nakamamatay at
ikinakalat ng mga sindikato sa Metro Manila sa ibang lalawigan.
Ayon pa sa balita, isang negosyanteng dayuhan ang
nakikipag-ugnayan sa mga opisyal at may-ari ng mga botika
upang maipagbili ang mga laos na gamot.
Nararapat na malansag agad ng mga awtoridad ang
sindikatong ito bago makagawang malaking pinsala sa mga
mamamayan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang nagkakalat ng mga huwad na gamot?


2. Sino ang tinutukoy na nakikipag-ugnayan sa mga opisyal at
may-ari ng mga botika?
3. Ano ang ibinababala ng Kagawaran ng Kalusugan?
4. Bakit nagbabala ang kagawaran ng Kalusugan tungkol sa
kumakalat na huwad na gamot?
5. Sa inyong palagay, tama ba ang kinikilos ng Kagawaran?
Pangatwiran ang iyong sagot.

Vous aimerez peut-être aussi