Vous êtes sur la page 1sur 5

Florante at Laura ni Francisco Baltazar

Ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas (na kilala din bilang Francisco
Baltazar) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang
Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:

"Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa


madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang
panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong
Tagálog."

Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido


(corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang
paring Rekolekto at pilologo.

Ayon kay Epifanio de los Santos (isang mananalaysay), nalimbag ang unang
edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50 taong gulang na si Francisco
Baltazar ng panahong iyon. Noong 1906, nalimbag naman ang “Kung Sino ang
Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasa sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni
Victor Baltazar, anak ni Francisco Baltazar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.

may akda Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa


wikang Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga korido noong
ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni Baltasar sa mga
mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon kay Epifanio de los Santos) na yari sa
palay na ipinagbibili tuwing may misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat
isa. Natatanging ang Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang
nakapagtabi ng mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na
Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina ni T. H. Pardo
de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870 at ang gawa noong
1875.
Patungkol

Ang Florante at Laura ay isang aklat na isinulat sa awit ni Francisco Balagtas. Ito
ay nangangahulugang ang mga taludtod nito ay naglalaman ng 12 pantig, habang ang
mga saknong naman nito ay naglalaman ng 4 na taludtod. Nagsisimula ang salaysay
nito mula sa isang binatang naghihirap na nakagapos sa isang puno ng higera,
hanggang sa isang masayang pagtatapos at pagkamatay ng Konde Adolfo, ang
pangunahing kontrabida sa salaysay.

Ang awit ay pinanahon sa bandang ika-15 siglo, ang panahon ng pananakop


ng Imperyong Otomano sa Kaharian ng Albanya. At isa sa mga katangian nito ang
paggamit ng mga makalumang salita sa Tagalog, at ang pag-aalis ng letrang "i" sa ilang
mga pandiwa, paghihiwalay ng pang-akop mula sa inaangkupan nitong mga salita, at
pagdaragdag ng mga salitang karaniwang hindi ginagagamit, katulad ng dagdag na
pantangi, upang mapagkasya sa 12 pantig.

Lahat ng pagtutukoy sa "Diyos" ay tumutukoy sa diyos ng kristiyanismo maliban


na lamang kung ipinahayag.

Mga Tauhan

Florante - Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura. Anak ni Duke Briseo
siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang namataan ni
Florante bago siya sumabak sa isang digmaan nang ang bayan ng kanyang inang si
Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano.Mula sa kagitnaan
hanggang sa bandang katapusan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga leon nang
siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.

Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing
kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno at pareho silang nagmula sa Albanya.
Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho.
Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas
matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang pinakasikat
na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit
habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni
Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-
dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis
sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.

Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng


kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa
kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya,
at karamihan ng mga bahagi ng awit ay isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang
idolo ni Florante bilang pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay
hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo. Sa
katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging
sultan.

Prinsesa Laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring
Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos
na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa
unang pagkakakita pa lamang.Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa
kanyang pag-aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.

Menandro - Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din


ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga
nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang
paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa
para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni
Florante sa pakikibaka.

Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab.
At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa
pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako at
tumakas sa araw ng kasal.

Mga iba pang tauhan

Duke Briseo - Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante at naglilingkod bilang
sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang
bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng
Haring Linceo.

Prinsesa Floresca - Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan
ng Krotona, at maaagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas
pabalik ng Albanya.

Antenor - Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at


Menandro.

Menalipo - Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa


isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang
kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa
kay Florante.

Konde Sileno - Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay
marangal.

Haring Linseo - Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura.
Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol
sa pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao
ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng
mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas
namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
Sultan Ali-Adab - Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni
Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si
Aladin ang kanyang anak dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya ngunit ang totoong
dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi
natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang
Sultan isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng
kasal, ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang
kailanman ay hindi niya mababalikan.

Osmalik - Si Osmalik ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa


ilalim ng utos ni Aladin.

Miramolin - Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.


"o nangag-aalay ng mabangon suob sa dakilang altar ni kupidong Diyos sa dusa ko'y
kayo ang nakatatarok noong mangulila sa laura kong irog!"

Vous aimerez peut-être aussi