Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
I. Talasalitaan:
1. Tagapangasiwa = tagapamahala
2. Kinalinga = kinupkop
3. Pumanaw = namatay
4. Naglalakbay = nagbibyahe
5. Nagmumuni-muni = nag-isip-isip
6. Labi = bangkay
7. Nanlilibak = nangungutya
8. Pakundangan = kontrol
9. Nagdudulot = nagbibigay
10. Bulalo = pagkaing masabaw na kung saan ay sinisupsop ang laman ng buto
II. Tauhan:
Kapitan Tyago: namatay dahil sa paghithit nya ng opyo upang makalimutan ang kanyang mga problema
Don Primitivo: naniniwalang pareho sina Kapitan Tyago at San Pedro na mananalo sa pagsasabong sa
langit
Martin Aristorenas: ang sumalungat sa teorya ni Don Primitivo. Para sa kanya ay mayroon talagang
mananalo at matatalo.
III. Buod:
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad
ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at sa
mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi ito ni Padre Irene
para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio
dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan ukol sa kanya. Nakita raw ng mga
mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni
Kapitan.
Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho.
May nangaghaka namang hamunin ni Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o
magkakatalo mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang pagkatalo’y
kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka nagtanong nang malumanay: Sigulo
puede de contalata aliedo galela con kilisto, a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na
isusuot kay KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran niya ng P36.00.
Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang
kaluluwang nakita ng mga mongha. May yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay.
Lumang damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming kamanyang nang sinunog at gayundin ang
iwinisik na agua bendita.
Simula: Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang hinirang na tagapamahala at
tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kanyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, sa
Arsobispo, at sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap. Iminungkahi
ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00
pamana kay basilio dahil sa kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang
magpapaluwal sa sariling bulsa
Suliranin: Pinagtatalunan nila kung anong damit ang isusuot ni Kapitan Tyago sa burol nito
Tunggalian: ipinirisinta ni Kapitan Tinong ang kanyang sira-sirang damit-Pransiskano na nabili nya sa isang
prayle sa halagang tatlumput-anim na piso (P36.00) Handa raw nyang ibigay sa kaibigang ni minsan ay hindi
nya nadalaw noong nabubuhay pa. Ngunit tumutol ang sastre at dapat prak ang ipasuot dahil ito ang suot ng
kapitan nang magpakita sa mga mongha at ito ay laging naka prak kapag dumadalo noong araw sa mga
pagtitipon. Nagprisinta pa ang suki nitong mananahi na hindi sisingilin ng mahal kapag sa kanya ipinagawa ang
ipapabaong damit. Ngunit sa bandang huli, si Padre Irena pa rin ang nasunod. Isang lumang damit na lamang
ng matanda ang ipinasuot nito.
Kasukdulan: Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tyago. Dala nito ang kanyang sasabunging manok. Ang pisngi
ay nananambok sa nganga at nasa kanyang bibig ang opyo. Ang mga kasama ni Kapitan Tyago sa sabungan na
naroon ay pinag-usapan kung hahamunin ba kaya ni Kapitan Tyago si San Pedro at pagsasabunging ang
kanilang manok sa langit. Ngunit sabi ni Don Primitivo naniniwala syang pareho sina Kapitan Tyago at San
Pedro ang mananalo sa pagsasabong. Ito naman ay sinalungat ni Martin Aristorenas. Para sa kanya ay
mayroong mananalo at matatalo.
Kakalasan: Tatlong pari ang nagmisa. Marangal ang libing at nagkaroon pa ng mga response sa bahay at sa
daan patungo sa libingan. Ginanap ang lahat ng seremonyas. Maraming kamanyas ang sinunog at di biro-
birong agua bendita ang ipinandilig sa kabaong. Hindi rin mabilang ang mga awiting Latin tungkol sa patay ang
inawit, Marami rin ang sumakit ang ulo sa kakatugtog ng plegarya.
Wakas: Humanga ang lahat sa libing ni Kapitan Tyago. Ang kalaban naman ng Kapitan sa
pinakamasimbahin o kabanalan noon na si Donya Patrocinio ay ingit na inggit sa libing ni Kapitan Tyago at tila
nagnanais na ring mamatay at magkaroon ng libing na higit pa sa libing ni Kapitan Tyago.
V. Mga Tulong sa Pag-aaral
Ang huling habilin ay nabago na ayon sa nais ni Pare Irene. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan
Tiyago ay gawagawa ni Padre Irene. Sa ganitong paraan nagkamal o nagkaroon ng malaking lupa at
kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na mayaman ay
naging ulila maging sa pamana. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa
ang kanyang parte ng yaman.
Lubos ang paniniwala ng mga tao noon sa mga himala; isa sa mga bagay na idiniin sa isipan ng mga
mananampalataya.
Ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto,
ja? Cuando mia muele mia contalatista, ha? Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo,
mapagkakakitaan; walang bawal-bawal. Ito rin ay nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano
ay di dahil sa pananampalataya kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totoo ito sa
karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang
kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari
marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng sabungan sa langit, ha?
B.
PINAHAHALAGAHAN
NG MGA PILIPINO
ANG PAGIGING
KRISTIYANO.
VII. Maikling pagsusulit: (REMINDER TANGGALIN ANG MGA VISUAL AIDS SA BLACK/WHITEBOARD)