Vous êtes sur la page 1sur 2

 Ano ang Kulturang Utang?

Ang Kultura ng Utang ay isang kulturang nakabase


sa relasyon ng mga tao, at kung paano sila mas nahihikayat mangutang sa
pamilya at mga kaibigan dahil rito. Mayroong dalawang klase ng utang: utang
sa pera, at utang ng loob. Mahilig ang mga Pilipino mangutang sa pamilya at
kaibigan – alam mo bang 61.9% ang nangungutang sa kakilala, at 2% lang
ang nangungutang sa mga bangko? Bakit andaming nangungutang sa
kakilala? Sa pangungutang sa kakilala, mas maluwag ang usapan –
kadalasang, walang set na time na bayaran ito. Madalas, nagiging pay when
able. Kadalasan, nagkakalimutan na lamang ang nangutang at nagpautang.
Minsan, tumatakas ang nangutang, o minsan nahihiya naman yung
nagpautang na singilin siya. Bakit nagkakahiyaan? Sa kulturang Pilipino,
nagpapautang ang mga tao dahil gusto nila makita yung kaibigan/kapamilya
nila magtagumpay at umahon sa kanilang sitwasyon. Kapag sinisingil nila,
ang nagiging dating ay hindi ka tunay na kaibigan/kapamilya, at dapat
maging mas maintindihin ka dahil magkakilala kayo. Bakit mahalagang
malaman ang Kultura ng Utang? Sa pangungutang sa pamilya at kaibigan,
madalas nagkakaroon ng komplikasyon sa pagbayad. Minsan hindi
nababayaran ang utang, o ang mas malala –nasisira ang relasyon ng mga
magkakaibigan at magkapamilya.

 Pagkakataon Na Nakakasama at Nakakabuti Ang Mangutang Posted on June


27, 2014 by arthur Hindi nga ba kailangang mangutang ng mga mayayaman?
Isa ba ito sa mga dahilan kaya gusto mo yumaman? Totoong may mga
mayayaman na hindi nangungutang. Pero sa katunayan, mas malakas
mangutang ang karamihan sa mga mayayaman. Gaya ng ipinaliwanag ko sa
Ikawalong Utos ng Pera Palaguin, maaaring palaguin ang yaman sa
pamamagitan ng “Leverage” na tinatawag rin bilang “magandang uri ng
utang.” Kung lubog ka sa utang at hindi mo kayang magbayad, posibleng
dinulot ito ng maling paghawak ng personal na pera. Kung sa tingin mo ay
nagsimula ito sa isang gastos na dinulot ng hindi inaasahang pangyayari (o
emergency), usisain ang dahilan na iyon. Matatawag ba talaga iyon bilang
“hindi inaasahang pangyayari” o “emergency”? Kung pambayad ng tuition
ang dahilan (gaya ng nangyayari sa marami), tandaan na ang tuition ay hindi
maituturing bilang “hindi inaasahang pangyayari.” Pinag-iipunan mo ito
dapat bilang bahagi ng buwanang budget. Kung dulot ito ng health
emergency, napaghandaan mo na iyon dapat kahit papaano sa pamamagitan
ng isang uri ng medical health insurance. Kung umutang ka dahil nawalan ka
ng trabaho, tandaan nakapaghanda ka na dapat ng emergency fund na
katumbas ng anim na buwan ng kita.
Kung umutang ka para bumili ng kotse o bahay at sa kalaunan ay natuklasan
mo na hindi mo pala iyon kayang bayaran, ibig sabihin ay hindi mo inalisa
nang husto ang iyong pinansiyal na kondisyon sa kasalukuyan at sa
hinaharap. Nagdadala dapat ng pera sa iyong bulsa ang utang. Kung
nagbabayad ka sa iyong mga loan, dapat lamang na nagdudulot ang mga loan
na iyon ng karagdagang kongkretong pag-aari sa iyong kamay. Kung
kakailanganin mong maglabas ng pera para bayaran ang iyong mga utang
kahit na wala ka namang nakukuhang benepisyo bilang kapalit, ibig sabihin
lang nito na nababawasan ang iyong ipon o ang iyong kasalukuyang kita para
mabayaran ang mga bagay na binili mo. Karaniwang hindi maganda ang
ganitong klaseng pangungutang. Kung napakayaman mo talaga, hindi
masama na mabawasan ng kaunti ang limpak-limpak mong pera dahil sa
maling uri ng pangungutang. Pero siyempre, hindi ganito ang kaso sa
karamihan ng mga Pilipino.

Vous aimerez peut-être aussi