Vous êtes sur la page 1sur 2

Febrero 5, 2014

Banghay sa Pagtuturo
Filipino III Lavoisier

I. Layunin
I.I. Natitiyak sa mga bahagi ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-
uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan.

II. Paksa: A. Kabanata XXXV – Ang Bali-Balita p. 155-180, Noli Me Tangere


B. Larawan
C. Paggalang sa Karapatan ng Iba – Balyus Pokus

III. Gawain sa Pagkatuto:


1. Pagganyak:
Ano kaya sa palagay ninyo ang mangyayari kung kayo ay malalagay sa katayuan ni
Ibarra?

2. Paglalahad:
Sa kabanatang ito malalaman natin kung ang pangyayari’y maaring maganap sa
kasalukuyan.

3. Talakayan
1. Anu-ano ang mga kuro-kuro at usap-usapan ng mga sumusunod tungkol sa
nangyari kay Ibarra at Padre Damaso.

Mga kabataan – mga matatandang babae


Mga matandang lalaki - mga taong bukid

2. Sa palitang kuro nina Don Felipo, Tenyente Mayor at Kapitan ng bayan ano ang
inyong masasabi.
3. Ipaliwanag ang mga kasagwaang nangyayari noong panahon ng mga Kastila.

4. Paghahambing
Ugali ng mga prayle noong panahon ng mga Kastila sa mga pari sa kasalukuyang
panahon.

5. Paglalahat
Gaano ang mga pagmamalabis na natitikman ng mga Pilipino noon sa panahon ng
Kastila.

6. Pagapaphalaga:
Paano pinatunayan ni Ibarra ang pagiging mabuti niyang anak?

IV. Pagtataya: Pasalita


- Sa pagppalitang-kuro ng mga sinasabi noon sa lipunan, ang mga sinasabi ba nila’y may
katotohanan, kung baabatay sa ugali, asal at hilig ng mga Pilipino at prayle nang mga
panahon yaon? Paano mo naman ito inugnay sa kasalukuyang panahon? Ipaliwanag.
V. Takdang- Aralin:
Humanda sa Maikling Pagsusulit.

Vous aimerez peut-être aussi