Vous êtes sur la page 1sur 6

Kasaysayan ng Panitikan sa Daigdig

Sinaunang Panahon

1. Panahon ng Pabula ni Esopo


2. Nagsimula sa Mesopotamia
3. Impluwensiya ng panitikan oriental sa panitikang kanluranin

Matandang Panahon

1. Kasabay ng pagsilang ng Panitikang Griyego


2. Panahon ng mga Tulang Pasalaysay (Homer)
3. Panahon ng mga Awit ng Papuri at Pag-ibig ( Sappho)

Panggitnang Panahon

1. Pagbagsak ng Panitikang Griyego- Romano (nasakop ng mga Goth ang Roma)


2. Panahon ng mga Kwentong pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga Kabalyero
(King Arthur)
3. Panahon ng mga kuwento tungkol sa Troubadours at Trouverses (tagalikha ng awit ng
pag-ibig ng monarkiya)
4. Rebelyon sa Panitikan ( Pagsulat ng kani-kanilang wika)

 Beowulf ng Inglatera
 Awit ni Rolando ng Francia
 Awit ng Nibelungs ng Alemanya
 Divina Comedia ni Dante Alighieri

Panahon ng Muling Pagsilang

1. Pagbalik ng impluwensiya ng Panitikang Griyego-Romano


2. Pagtatamo ng kaalaman sa iba’t ibang anyo ng panitikan

 Soneto ni Petrach
 Maikling Kuwento ni Boccaccios (Decameron)
 Sanaysay ni Michael Montagne (France)
 Tulang may Malayang Taludturan Ni Christopher Marlows

3. Paggamit ng malawak na paksa ( Francis Bacon)


4. Gintong Panahon ng Panitikang Kastila ( Don Quixote ni Cervantes)

Panahon ng Kaliwanagan

1. Panahon ng makabagong klasismo sa panitikan


2. Pagtatamo ng makatarungang kaisipan (logical thinking)
3. Pagpapahalaga sa kagandahang taglay ng makabagong agham

EDUKASYON AT TEORYANG PAMPANITKAN


1. MAHATMA GANDHI

 Kailangang buksan natin ang ating mga bintana para sa kultura ng daigdig subalit
hindi natin dapat pabayaang malunod tayo ng kulturang iyon.
2. PANGANGAILANGAN
3. PAGPAPAKAHULUGAN

 PANITIKAN- isang organisado at makasining na anyo ng pagpapahayag ng tao sa


pamamagitan ng makabuluhang salita, sa berso man o tuluyan na nagpapagalaw ng
imahinasyon at guniguni

 EDUKASYON – isang proseso ng pagbubuo ng pagkaunawa, karunungan at


kasanayan sa pamamagitan ng pagtuturo at mga karanasan.

 EDUKASYONG PAMPANITIKAN – pagtuturo ng panitakan upang matamo ang mga


karunungan at kasanayan upang mapahalagahan , magamit at makalikha.

 TEORYA – ito ay pormulasyon ng mga palilinawing mga prinsipyo , mga tiyak na


penomina, paniniwala o ideya upang makalikha ng isang sistematikong paraan ng
pagpapaliwanag.

 TEORYANG PAMPANITIKAN – pagbabalangkas ng mga prinsipyo na makatutulong sa


pagpapaliwanag ng panitikan.

4. ANG GURO AT ANG PANITIKAN

5. ANG GURO AT ANG TEORYANG PAMPANITIKAN

KLASISMO

Nagsimula noong sumilang ang sibilisasyong Gresya noong ika-800 hanggang ika -400 bago
isilang si Kristo. Kumalat sa pamamagitan na rin ng pagkalat ng panlasa at pananaw kultural
mula sa Gresya at Roma.

Mula sa itaas pababa ang pananaw ng klasismo. Mataas ang uri ng nasa itaas at Mababa ang
nasa ibaba.

Ayon kay Plato, “pilosopong hari ang dapat na mamuno sa bayan, isang taong bukod sa malakas
ay matalino pa.”

Ang tanyag at dakilang pangyayaring kinasasangkutan ng mga bantog na tao ang nararapat na
paksain.

Karaniwang ginagawang paksa ang mga likha ng Diyos at ang kanilang pakikipag-ugnayan sa tao
at ang mga puwersa ng kalikasan, dulot ito ng paniniwala na ang mga taong mararangal ay
malalapit sa Diyos.
ROMANTISISMO

Nananalig sa Diyos, sa katwiran, sa agham, sa eksperimento at sa obserbasyong emperiko.


Naniniwala na ang karanasan ng tao ay hindi lamang nakabatay sa katwiran kundi sa maraming
iba pa; mabuti ang material na mundong ito ngunit ang kabutihang iyon ay kailangang
madama.

Pagpapahalaga sa kalikasan , nakaraan, mga institusyong Panlipunan at kaisipan.

Ang sining ay dapat na malapit na malapit sa kalikasan; kapag ang kalikasan ay wala ng
kakayahang magbigay ng kasiyahan, ang imahinasyon ang siyang likha ng kalikasang magbibigay
ng kasiyahan.

REALISMO

Sumilang noong ika- 19 na siglo , lumitaw sa panahon ng Rebolusyong Industriyal; ng liberalism


o, ng estetika at pilosopiya.

Yugto ng himagsikang burges- demokratiko na naging dahilan ng pagbabago ng kalagayan sa


buhay ng mga mamamayan sa Europa

PANANAW REALISMO

- Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan


- Nagbibigay diin sa pagsasalaysay ng makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng
mga bagay, mga tao, at lipunan.
- Ang tauhan sa isang akda ay dapat na maipakitang nagbabago nang walang tigil kung
hindi man sa kanyang pisikal na anyo ay sa sikolohikal, intelektuwal, ispiritwal o
emosyonal.
- Malakas na salik ang kapaligiran, ang kalikasan, ang ugnayan ng tao sa pagbabago at
pag-unlad mismo ng tao.

PORMALISMO

 Isinilang bilang paniniwala noong 1910 at nanaluklok noong Dekada ’50 at ‘60
 Ang teksto o akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan
 Nasa porma o kaanyuan ng kasiningan ng isang akda
 Kailangang magkasama ang porma at nilalaman upang magkaroon ng kahulugan ang
isang akda
 May mga element ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa nito ay walang
kabuluhan kung hindi kaugnay ng iba pang element o kabuuan ng akda.

o Hindi pagtalakay sa anumang bagay na labas sa akda maliban sa pagiging teksto


nito
o Pagbibigay atensyon sa mga salita ( vocabulary building)
o Pagsusuri sa kabisaan ng akda batay sa maayos na pagkakaugnay –ugnay ng mga
element nito
o Pagkilala sa kaibahan ng lengwaheng pampanitikan sa pang-araw-araw na salita
ng tao.

EKSISTENTSYALISMO

 Isinilang pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig


 Naabot ang rurok ng tagumpay bilang tanggap na teoryang pampanitikan noong ikaanim
na dekada ngika -19 dantaon sa pangunguna ni Jean Paul Sarte ng France

o Ang bawat tao ay Malaya, responsible at indibidwal – walang maaring umako sa


buhay ng may buhay, wala man siyang kinalaman sa kanyang pagsilang, siya
lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang kanyang
buhay.
o Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan niya sa lipunan
at mundo
o Dapat mabuhay ang bawat tao bilang isang tao, may kamatayan, walang
makakagawa nito maliban sa kanyang sarili, bawat problema niya ay kanya
lamang
o Sa konsepto ng relihiyon, mga eksistesyalista na naniniwala na mayroong Diyos;
o Maaring may Diyos nga ngunit hindi kayang kilalanin ng tao; walang diyos.
o Nakatuon sa manunulat – kung papaano niya nilikha ang kanyang akda
o Nakatuon sa buhay ng mga taong katha lamang
o Walang sistema ; hindi de- kahon
o Walang pakiaalam sa kanyang lipunan ang manunulat

NATURALISMO

 Kumalat noong huling dekada ng ika- 9 na siglo at sa unang mga taong ng ika -20 siglo

o Mula sa prinsipyo at pamamaraan ng likas na agham at sa mga pananaw ni


Dawin tungkol sa kalikasan
o Nagbibigay-diin sa namana at pisikal na katangiang likas ng tao kaysa katangiang
moral o rasyunal.
o Pesimista ang tao sa simula pa lamang
o May dahilan ang mga ambisyon , katapangan at katotohanan.

 Ang manunulat ay hindi lamang tagamasid na nagbabala ng mga di-karaniwang


pangyayari subalit isang may batayang pagsubok ng kanyang tauhan upang makita rito
ang mga kaalaman tungkol sa emosyon ng tao

 Karaniwang sa mga akda ay may simpleng tauhan na may di-mapigil na damdamin kilos
at gawi ng karakter
 Pag-iisa-isa ng mga mahahalagang detalye na may kinalaman sa siko ng pangyayari sa
karakter

 Ang pakikipagsapalaran upang mabuhay at ang Epekto ng kapaligiran sa


pakikipagsapalaran

ISTRAKTURALISMO

 Nagsimulang makilala sa panitikan bilang isang teorya noong 1955 sa pamamagitan ng


Tristes, Tropiques (malulungkot na bansang maiinit ) ni Clause Levi- Strauss
 Itinanghal sa ikaanim at ikapitong dekada ng nakaraang dantaon

o Ang panitikan ay parang wika- hindi ito masasabing may indibidwal kundi likha
ng lipunan,
o Ang hubog at hugis ng wika at panitikan ang istruktura ng pulitika at ekonomiya

 Pagtutol hindi lamang sa gamit ng wika kundi na rin sa kamayang


Panlipunan
 Ang teorya ay angkop lamang sa pagpapaliwanag sa mga kahalagahang
Panlipunan na nakabaon sa wika.
 Pinakaangkop na gamiting teorya sa pagpapaliwanag at Pagsusuri sa mga
panitikang –bayan (folk literature)
 Kailangang iakma ang hugis at anyo ng literature sa hugis at anyo
ng literaturang alam na ng mga mag-aaral
 Pagsusuri sa mga salita sa akda batay sa kaangkupan nito sa
lipunan
 Pagpapaliwanag sa mga kahalagahang Panlipunan (social values)

DEKONSTRUKSYON

 Unang ginamit ni Jacques Derrida bilang teoryang pampanitkan sa kanyang obrang De La


Grammatologie na nailathala sa Pransya noong 1967
 Kakambal ito ng Istrukturalismo

o Binibigyang diin ang kamalayang ng manunulat at mambabasa bilang mga


produkto ng nasusulat na panlupunang diskors
o Ang akda ay produkto ng isang tiyak na may-akda na tagapag-ingat ng isang
tradisyong pang-intelektuwal at pampanitikan
o Binubusisi nito ang paghubog/pagkakabuhog ng kamalayang Panlipunan ng
kamalayang Panlipunan.

IMAHISMO

 Nagsimulang magkahugis sa Inglatera noong 1914. Nagkahugis nang tuluyan noong


1915 sa pamamagitan ng mga koleksyon ng tulang pinamagatang Some Imagist Poets na
inilathala nina Aldintong at Lowell ng Estados Unidos
o Pagtiwalag sa tradisyon ng pangangaral at pang-aliw bilang akdang pansining
o Ang makata ay lumikha dahil sa halagang katutubo sa paglikha at hindi para sa
anuman

 Malaya ang makatang pumili ng anumang paksang nais niyang talakayin


sa tula
 Pangkaraninwan ang wika o salitang ginagamit ng makata. Angkop at
tiyak ang bawat salita at hindi gumaamit ng mga salitang tila palamuti
lamang.
 Iniiwasan ang pagkakalat o kalabuan sa pamamagitan ng sinasadyang
konsentrasyon.

HUMANISMO

 Nagsimula noong ika-14 na dantaon pagkamatay ni Kristo


 Panahon din ng makabagong pagtuklas, ito . ito ang panahon ng pagkakatuklas ni
Columbus sa Amerika (1451-1506) at ni Fernando Magellan sa Pilipinas(1521)
o Wala nang hihigit pang kawili-wiling paksa sa tao
o Ang Diyos ay nagiging makabuluhan sa daigdig dahil sa tao sapagkat kung walang
to sa daigdig walang makakaisip ng anuman sa Diyos
o Hindi sinasabing higit na dakila ang tao Diyos, ipinopokus lamang nito sa daigdig
ang tao kahit na ang daigdig ay nakasentro sa Diyos
o Pinahahalagahan ang kalayaan ng kaisipa; ang ganap na kalinangan ngisang
henyo; mga natatanging talino at kakayahang ng tao at ang kalikasan ng tao.
o Tinitingala ang katangi-tanging indibidwal
o Higit na binibigyan ng panasin ang konkreto kaysa sa abstrak
o Sinikap na mapagtuunan ng pansi ang malaking papael ng pakamamamayan,-
ang tungkulin ng mamamayan sa kasalukuyan at hinaharap ng kani-kanilang
pamayanan at bansa

 Ang naging pangunahing paksain ay ang tao- ang kanyang mga saloobin
at damdamin
 Naging mahalagang uri ng akda ang talambuhay
 Nahilig ang mga mambabasa sa akdang mala-epiko

Vous aimerez peut-être aussi