Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap
sa mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Ayon naman kina Manuel at Medel(1976), ang pananaliksik ay prosesong
pangangalap ng mga impormasyon o datos upang malutas ang isang particular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan.
Ayon naman kina Calderon at Gonzales (1993):
Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a
purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life.
Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal,
disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito.
Sulating Pananaliksik
Kahalagahan ng Pagsulat ng Papel sa Pananaliksik. Ang isang pananaliksik na
papel ay isang komprehensibong sanaysay na kinakailangang isumite ng mga mag- aaral sa pagtatapos ng kanilang akademikong semestre.
Tinatalakay ng atas na ito na subukan ang pag-unawa ng mag-aaral sa isang
akademikong kurso mula sa lahat ng mga anggulo nito. ... Ang isang papel sa pananaliksik ay sumusubok sa pag-aaral ng mag-aaral sa kurso.
Pagsalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at illustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanya kanyang isipan.