Vous êtes sur la page 1sur 6

Ariel John M.

Esmeralda

I. Tekstong pang-agham panglipunan

Ang agham panlipunan ay nagsusuri sa pag uugnay ng tao at ng kapaligiran. Ito ay


nababatay sa pag aaral mula sa antropolohiya,arkeolohiya, ekonomiks, pulitika,
pamahalaan, sikolohiya, sosyolohiya. Nasa anyong teknikal ang presentasyon ng
mga teksto. Mahabang panahon ng pag babasa ang ginugugol sa araling ito.
maingat n pag babasa at pagkalap ng impormasyon ay kailangan. Ang pag titipon ng
datos sa pamamagitan ng obserbasyon at tanong ay panimulang hakbang.
Pagsusuri sa datos at pagbuo ng konklusyon ang kasunod.

Halimbawa:

Ang sosyolohiya ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at mga proseso na


binibigkis at hinihiwalay ang mga tao di lamang bilang mga indibiduwal kundi bilang
kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon.
Tinatawag ito sa isang kahulugan sa tipikong aklat na ang pag-aaral sa mga buhay
panlipunan ng mga tao, grupo, at lipunan. Interesado ang sosyolohiya sa ating pag-
uugali bilang nilalang na marunong makisama; sa ganitong paraan sinasakop ng
nagustuhang larangan sa sosyolohiya mula sa pagsusuri ng maiikling pakikitungo sa
pagitan ng di magkakilalang indibiduwal sa daan hanggang sa pag-aaral ng proseso
ng pandaigdigang lipunan.

Ang ekonomika o ekonomiks (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay


ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.
II. Tekstong panghumanidades

Ang mga araling nauukol sa tao mga araling pantao (Ingles: Humanities,"pagkatao,"
o The Humanities , "mga pagkatao" ngtao) ay mga disiplinang akademikona nag-aaral
sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ngmalawakang
pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo);dahil sa
tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding Humanidades
o Umanidades - mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamitsa mgalikas
na aghamat mgaagham panlipunan.Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may
kaugnayan sa humanidades ang mgapag-aaral ng mgasinauna at makabagong mga
wika,panitikan,kasaysayan,pilosopiya,pananampalataya,biswal na
sining(napagmamasdang sining), at mga sining naisinasagawa ( performing arts, kung
saan kasama angmusika.) Karagdagan dito angmga paksang paminsan-minsan
nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng antropolohiya, at mga pag-aaral pampook
( area studies), bagaman itinuturing ang mgaito bilang mga agham panlipunan.
Tinatawag na mga humanista o "maka-pantao" (ibamula sa salitangmakatao) ang
mga dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao. Sasining, kasama rito
angpagpipintaatpaglililok, maging ang
mgapagtatanghalsateatro,mgasayaw,panitikan, atsining pangwika.Naging popular
ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng Renaissance ("muling pagsilang",
"pagbabalik", o "muling pagkabuhay" ng mga pag-aaral ng mgaklasiko o sinaunang
kalinangan at sining), isang panahon kung kailan nakahiligan ngmga mamamayan ang
pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao".Samakatuwid, matatawag din ang
pag-aaral na ito bilang mga araling hinggil sasangkatauhan , pag-aaral ng (likas
na) pagkatao (ng tao), o pag-aaral ng pagigingtao (ng tao).

Naganap ang panahon ng "Muling Pagsilang" saEuropa, nagsimula saItalya, mula ika-
14 hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka opananda sa
transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna)patungong
makabago o modernong panahon

Halimbawa:

Musika

Ang tugtugin o musika , kadalasan na isangsining/libangan, ay


isangkabuuangpanlipunang katotohananna nagkaiiba ang mga kahulugan ayon
sakapanahunan atkultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito
saingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa
pagitan ngmusika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na
nagpapahiwatigna, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi
palagingdumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa.... Sa
lahatng pangyayari, wala ni isa At intercultural unibersal na kaisipan na nagbibigaykahulugan
kung ano ang musika.

Halimbawa ng produkto ng Musika?

"Malaya"

Pasensya na, kung papatulugin na muna

Ang pusong napagod kakahintay

Kaya sa natitirang segundong kayakap ka

Maaari bang magkunwaring akin ka pa

Mangangarap hanggang sa pagbalik

Mangangarap pa rin kahit masakit


Baka sakaling makita kitang muli

Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi

Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin

Baka sakaling maibalik

Malaya ka na, Malaya

Isusuko na ang sandata aatras na sa laban

Di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita

Mahirap nang labanan mga espada ng orasan

Kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan

Mangangarap hanggang sa pagbalik

Mangangarap pa rin kahit masakit

Baka sakaling makita kitang muli

Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi

Kung di pipilitin ang di pa para sa'kin

Baka sakaling maibalik


Malaya ka na, Malaya

III. Tekstong pangpropesyonal

Ito ay ang pag-aaral sa mga bagay o ebidensya ,proseso kung saan ito nag mula.

Karaniwang Taglay ng Tekstong Propesyonal


1) Hindi maligoy ang paksa
2) Komprehensibo ang pagkakalahad
3) Maayos at organisado and pagkakasunod-sunod ng mga ideya
4) Mayaman sa mga impormasyon

Halimbawa:

Ang panggagamot o medisina ay sangay ng agham pangkalusugan na tungkol sa


panunumbalik at pagpapatuloy ng kalusugan at kagalingan. Sa isang malawak na
kahulugan, ito ang agham sa pagiwas at paggamot sa mga sakit. Gayon man,
kadalasang tumutukoy ito sa mga gawain ng mga manggagamot at siruhano.
agham), at isang paglalapat ng kaalaman (propesyong panggagamot) ang
panggagamot. Iniugnay sa mga iba't ibang natatanging sangay ng agham ng
panggagamot ang mga katumbas na mga natatanging propesyong panggagamot na
patungkol sa isang partikular na bahagi ng katawan o sakit. Tumutukoy ang agham
ng panggagamot sa bahagi ng kaalaman na tungkol sa mga sistema ng katawan at
sakit, samantala tumutukoy ang propesyon ng paggagamot sa kayariang lipunan ng
mga grupo ng mga tao na pormal na nagsanay upang ilapat ang kaalamang iyon para
gamutin ang mga sakit.
IV. Tekstong pang-agham, matematika at panteknolohiya

Ang tekstong ito ay patungkol sa mga teknolohiyang -nakakatulong sa pang-araw-


araw na gawain ng mga tao upang mapadali.
Ang mga teksto sa uring ito ng babasahing pang-akademik ay mga tekstong non-
fiction. Kadalasan ang estilo ng pagtatalakay ay sa paraang paglalahad,
paglalarawan o pangangatwiran.

Halimbawa:

Ang matematika o sipnayan (Aleman: Mathematik, Pranses: mathématiques, Ingles


: mathematics, Kastila, Portuges: matemática) ang pag-aaral
ng kantidad, espasyo, estraktura at pagbabago. Ang mga matematiko na nag-aaral
ng matematika ay naghahanap ng mga paterno (patterns) at isinasa-pormula ang mga
bagong konhektura. Ang mga matematika ay lumulutas
ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal
na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga
matematiko sa balidad nito. Ang pagsasaliksik na kinakailangan upang lumutas ng
mga problemang matematikal ay maaaring tumagal ng mga taon o kahit mga siglo ng
patuloy na pagsisiyasat. Gayunpaman, ang mga matematikal na pagpapatunay ay
mas hindi pormal at nakakapagod kesa sa mga patunay sa matematikal na lohika.
Simula ng pasimulang akda ni Guiseppe Peano, David Hilbert at iba pa sa
mga aksiomatikong mga sistema sa huli ng ika-19 na siglo, naging kaugalian na
tingnan ang pagsasaliksik matematikal na nagtatatag ng katotohanan sa
pamamagitan ng mahigpit na deduksiyon mula sa angkop na napiling
mga aksioma at depinisyon. Kapag ang mga matematikal na istrakturang ito ay
mabuting mga modelo ng tunay na penomena, kung gayon ang pangangatwirang
matematikal ay kalimitang makapagbibigay ng kabatiran o mga prediksiyon.

Vous aimerez peut-être aussi