Vous êtes sur la page 1sur 11

Mga kabataang sumasabak sa 'premarital sex,' dumadami

Lumitaw sa isang pag-aaral na dumadami ang mga kabataan na nakikipagtalik sa ka-


partner na hindi pa nila asawa. Napag-alaman din apat sa bawat 100 kabataan ang
nakipagtalik umano sa taong nakilala lang nila sa internet o naging text mate.

Sa ulat ni Rida Reyes sa GMA News TV's "State Of The Nation" nitong Huwebes,
sinabing sakop ng pag-aaral na 2013 Young Adult Fertility and Sexuality Study o
YAFS 4 na ginawa ng UP Population Institute at Demographic Research and
Development Foundation, ang mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

Sa pag-aaral na ginawa nitong 2013, lumitaw na isa sa bawat tatlong kabataang Pinoy
ang sumasabak sa premarital sex. Katumbas umano ito ng 6.2 milyon kabataang Pinoy
na kumakatawan sa 32 porsiyento, na mas mataas sa naitalang 23.2 porsiyento noong
2012.

Nakakabahala din umano na karamihan sa mga umaming sumasabak sa premarital sex


ay walang proteksiyon kapag nakikipagtalik na ang resulta at pagbubuntis ng wala sa
plano at posibleng pagkakaroon ng sexually transmitted diseases o STD.

Llumabas din sa pag-aaral na mas marami ngayon ang paraan ng sexual activities ng
mga kabataan na casual sex o pagtatalik ng walang emotional attachment at
nadadagdagan din pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Ayon kay Josefina Natividad, director, UP Population Institute, dahil sa modernong


teknolohiya ang nagkakaroon ng paraan ang mga kabataan na may makakilala.

Sa ganitong pagkakataon, sinabing mahalaga umano ang magiging papel ng mga


magulang at maging ng buong komunidad na ginagalawan ng isang kabataan.

"May mga vulnerabilities dito tapos hindi naman handa ang mga magulang na pag-
usapan ang mga bagay tungkol sa sekswalidad. Sana naman maging handa ang mga
bata natin para dito," ayon kay Michael Tan, anthropologist.

Bagaman nababahala rin, tiniyak naman ni Dr. Rosalie Paje, Family Health Office,
DOH, na patuloy ang ginagawa nilang kampanya para tumugon sa naturang usapin. --
FRJimenez, GMA News
Suspek sa pang-aabuso sa isang babae, nakilala sa naiwang ID

Isang lalaking suspek sa panggagahasa at pananaksak sa isang babae ang tinutugis ngayon ng mga
awtoridad sa Davao City. Nakilala ang suspek dahil sa naiwan umano nitong mga gamit sa
pagmamadaling makatakas.

Sa ulat ni GMA-Davao Marlon Palma Gil sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, ikinuwento ng
31-anyos na biktima na isang lalaki ang nagpasakay sa kanya sa motorsiklo sa pangakong ihahatid siya sa
kanyang bahay.

Ngunit dinala umano siya sa isang itinatayong gusali at pinagbantaang papatayin kung hindi susunod sa
kagustuhan nitong pakikipagtalik.

Nang sakalin siya ng suspek, sinabi ng biktima ng nakuha niya ang patalim na lagi niyang dala at
nasaksak ang suspek. Pero gumanti umano ang suspek na armado rin ng patalim at sinaksak ang biktima.

Mapalad naman ang biktima na may nakarinig na mga residente sa lugar sa kanyang pagsisigaw at
rumesponde. Gayunpaman, wala na ang suspek nang dumating ang mga sumaklolo ngayon naiwan nito
ang ilang gamit gaya ng pantalon, sapatos at wallet na may lamang identification card.

Ayon sa biktima, ang larawan sa ID ang taong sumaksak at gumahasa umano sa kanya.

Patuloy ang paghahanap ng mga pulis sa suspek, habang nagpapagaling na ang babae sa tinamong saksak.
- FRJ, GMA News
Pari timbog sa tangkang pang-aabuso sa dalagita
MANILA (UPDATE) - Timbog ang isang pari matapos umano itong magtangkang mang-abuso ng isang
menor de edad na babae sa Marikina City.

Arestado si Msgr. Arnel Fuentes Lagarejos, 55, sa isang entrapment operation ng pulisya at Department
of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes matapos itong mahuli na papasok sa isang
motel.
Ayon sa ulat ng Eastern Police District, kinausap umano ng pari ang isang menor de edad rin na bugaw
gamit ang social media upang makuha ang 13-anyos na dalagita.

Nakipagkasundo si Lagarejos na makipagkita sa bugaw at sa dalagita sa Blue Wave Mall sa Sumulong


Highway, Barangay Sto. Nino sa Marikina City ngunit nagsumbong umano ang ina ng 13-anyos na
dalagita kaya ikinasa ang entrapment operation.

Nakasakay sa isang berdeng Ford Explorer na may plakang TGO 350 ang pari at papasok sana sa isang
motel nang mahuli ng mga awtoridad.

Nagtangka pa diumano ang pari na bumunot ng baril nang huhulihin na, ngunit nadikitan ito ng pulis kaya
hindi na natuloy.

Paliwanag pa ng pulisya, ang grupo sana ng bugaw ang nais nilang mahuli ngunit nagulat na lamang sila
nang malaman na sangkot dito ang pari.

Si Lagarejos ay nakadestino sa Marikina City at Rizal at naging dating presidente ng isang Katolikong
paaralan. Kilala rin ang pari bilang isa sa mga lumalaban sa pagpapatupad ng Reproductive Health law.

Nasa ilalim naman na ng kustodiya ng DSWD ang 13-anyos na dalagita at ang bugaw. Tumanggi naman
na magbigay ng pahayag ang ina ng dalagita.

Nitong Sabado ng hapon, sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in
Persons Act ang pari.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng Diocese of Antipolo, sinabi ni Obispo Francisco de Leon na


hangga't maari ay iwasan ang pagpapakalat at pagbibigay ng komento sa insidente.

"We appeal for all the faithful to pray that the truth may come out."

Iimbestigahan din ng simbahan ang nangyari habang nirerespeto rin nila ang magiging proseso na
naaayon sa batas.--may ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
EDITORYAL – Karahasan sa mga kababaihan

NGAYONG linggong ito ay ipinagdiriwang ang International Day for the Elimination of
Violence Against Women. Matindi na ang mga nangyayaring karahasan sa mga
kababaihan na nagdudulot ng mga malalagim na pagkamatay. Batay sa pinaka-latest
survey, ang karahasan sa mga kababaihan ay isa sa apat na dahilan ng kanilang
kamatayan. Una ang sakit, ikalawa ang gutom at ikatlo ang giyera. At sa maniwala at sa
hindi mas marami pa ang namamatay na kababaihan dahil sa karahasan kaysa sa giyera.

Dito sa Pilipinas, hindi na lingid ang maraming kaso ng domestic violence kung saan
maraming kababaihan ang namamatay. May mga babaing karumal-dumal kung patayin.
At tila ang nangyayaring ito ay nagiging karaniwan na lamang ngayon. At
nakapagtatakang walang ginagawa ang gobyerno para lubusang maprotektahan ang mga
kababaihan. Wala rin naman makuhang hustisya sa mga babaing walang awang pinatay o
kaya ay ginahasa at nilabag ang karapatan.

Ang pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence Against Women
ay eksaktong-eksakto naman sa nangyaring pangre-rape ng anim na sundalong
Amerikano sa Subic noong November 1. Ang biktima, isang 22-anyos na college
graduate mula sa Davao ay ginahasa sa isang rented van. Ang preliminary investigation
ng kaso ay nakatakdang gawin ngayong araw na ito. Marami ang nangangamba na
walang kahinatnan ang kaso laban sa anim na Kano. Wala ring hustisyang makakamtan
ang nilapastangang Pinay kagaya ng ibang kaso ng pangre-rape sa mga Pinay.

Kawawa ang mga Pinay na patuloy na nakalalasap ng pagmamaltrato at pang-aabuso.


Gaano karami ang mga Pinay domestic helpers na nakaranas nang pagmamaltrato sa
kanilang amo habang nagtatrabaho sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, United Arab
Emirates. Hong Kong, Singapore at iba pang bansa. Marami sa mga DH ang ginagahasa,
pinaplantsa ang mukha, at hindi pinakakain sa kabila na kayod kalabaw ang pagtatrabaho.
May mga Pinay na sa pagnanais takasan ang maniac at malupit na amo ay tumatalon sa
bintana. Mas piniling mamatay kaysa magahasa ng among maniac.

Tungkulin ng gobyerno na tulungan ang mga kababaihan. Wakasan ang pagmamaltrato,


pang-aabuso, pagpapahirap sa kanila. Protektahan ang mga kababaihan at alisin sa
kanilang balikat ang mabigat na krus na kanilang pasan.
Pang-aabuso sa kababaihan, dapat tuldukan na—De Lima

Nanawagan si dating Justice secretary at ngayo’y Liberal Party senatorial bet


Leila de Lima na tigilan na ang pang-aabuso sa kababaihan, kaugnay ng
paggunita sa Women’s Month ngayong Marso.

Batay sa mga estadistika, ang kababaihan ang may pinakamalaking bilang ng


inabuso at inaapi sa lipunan.

Aniya, isa sa sampung babae ang biktima ng pang-aabusong seksuwal at


marami sa hanay ng mga ito ang hindi dokumentado, dahil sa kahihiyan o
takot.

“While law enforcement and prosecution services have worked double time
in bringing justice, there is still a need to strengthen measures to make a
major impact against criminality,” ayon kay De Lima.

Naniniwala din si De Lima na malaking tulong ang mga repormang kanyang


nagawa sa mahigit limang taon niyang panunungkulan bilang kalihim ng
Department of Justice (DoJ).

Aniya, ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa pang-aabuso sa


kababaihan at pagmumulat sa kanilang mga karapatan ang isa sa mga
nakikita niyang solusyon para mapigilan ito. (Leonel Abasola)
Problemang hinaharap
NAPAKAHUSAY na inilarawan ni Maria Lachica, isang Pilipinang ina na
naninirahan ngayon sa Jersey City, New Jersey, USA, ang ganitong
sitwasyon. Dalawa ang anak ni Gng. Lachica at noong nasa Pilipinas pa sila,
inienrol niya ang bunsong anak na babae sa isang paaralang itinatag ng mga
bagong gradweyt ng UP (Community Learning Center) na di-tradisyonal ang
konsepto ng pagtuturo. Ayon kay Gng. Lachica, ang kanyang anak na isa na
ring batambatang ina ngayon ay lumaking mahusay sa aspetong akademiko,
emosyonal, sosyal at ispiritwal sapagkat:

“Nang nasa edad na ang mga bata at nakita ng kani-lang mga guro na may
kamalayan na sila sa sekswalidad, inanyayahan ng mga guro kaming mga
magulang sa isang forum upang ipaalam na bibigyan nila ng sex education
ang aming mga anak. Masayang tinanggap ng nakararami sa amin ang
programa. Tanggapin natin, mas maraming magulang ang hindi kumportable
at hindi rin handa sa tamang pagtuturo ng sex sa kanilang anak. Kaya naman
magkatulong na gumawa ng paraan ang mga guro at magulang na maisagawa
ang maselang bagay na ito. Natutuhan ng mga bata ang makatoto-ha-nang
impormas­yon tungkol sa sex nang walang malisya. Kailanma’y hindi
tinuruan ng guro ang mga bata kung paano gumamit ng kontraseptibo ngunit
mas natuto sila tungkol sa katoto-hanan ng sex at kabanalan ng sekswa-lidad.
Naniwala ang mga guro na kailangang malaman ng mga bata ang mga
impormasyon para hindi sila makipag-sex hangga’t hindi sila handa.
Ipinabahala naman ng mga guro sa mga magulang, batay sa kanilang sariling
pananalig, ang pagtuturo sa kanilang mga anak tungkol sa maaring kalabasan
ng pre-marital sex. Iba-iba ang paniniwala ng mga magulang tungkol sa pre-
marital sex kaya nadama ng mga guro na limitado lamang ang kanilang papel
sa pagtuturo ng mga makatotohanang impormasyon tungkol sa sekswalidad.

Habang lumalaki ang aking anak, mas marami siyang natutuhan tungkol sa
sekswalidad sa tulong ng mga turo ng Sim-bahang Katolika. At sinasabi ko sa
inyo, ang anak ko’y may na­pakagandang pana-naw at pag-unawa sa
paksang ito na gusto niyang ibahagi sa kan-yang anak na lalaki at iba pang
magiging anak sa tamang pana­hon.”
Kaya nga sa halip na magpagamit ng mga ipinagpipilitang banya-gang
modyul sa sex education ang mga ta-gagawa natin ng mga polisiyang pang-
edu-kasyon, nararapat si-lang tumingin sa sari-ling bakuran at mag-saalang-
alang ng mga local na pamamaraan. Hindi lahat ng mga inangkat na bagay
ay makabubuti sa atin. Totoo, sa Portland, Maine, USA na ang mga paaralan
ay may sex education sa kuri-kulum, ibinalita kama-kailan na ang State
School Board ay bu-motong magbigay ng birth control sa kanilang mga
estudyante dahil maraming batang ba-bae (edad 11-13) na nasa middle school
ang nakitang aktibo sa sex. Sa kanilang pagboto, idinahilan ng Board na
hindi nila gustong ma-sira ang kinabukasan ng kanilang mga estud-yante
dahil sa maa-gang pagbubuntis.
Tugunan ang mas malalim na ugat ng HIV sa mga kabataan

Mga Kapanalig, ayon sa Department of Health o DOH, bawat araw ay may


tinatayang 29 na bagong kaso ng HIV ang naitatala sa ating bansa. Ang HIV
o human immunodeficiency virus ay isang virus na sanhi ng acquired
immunodeficiency syndrome o AIDS, isang kundisyon kung saan humihina
ang kakayahan ng katawan ng isang tao na labanan ang mga sakit at
impeksyon.

Ang nakababahala, 8 sa bawat 10 Pilipinong may HIV ay mga kabataang


nasa pagitan ng 15 at 24 na taóng gulang. Epidemya na ngang maituturing
ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng HIV dito sa Pilipinas, lalo pa’t pabata
nang pabata ang edad ng mga tinatamaan nito. Ang hindi paggamit ng
proteksyon sa pagtatalik o pakikipag-sex ang sinasabing pangunahing sanhi
ng paglaganap ng HIV sa mga kabataan, kaya’t ang naisip na solusyon ng
DOH ay ang pamumudmod ng condom sa mga mag-aaral sa high school.

Ngunit ang isyung pangkalusugan na ito ay hindi lamang tungkol sa hindi


paggamit ng condom. Ang problema ay nakaugat sa mga pananaw ng ating
mga kabataan tungkol sa kanilang katawan, sekswalidad, at pakikipag-
relasyon.

Marami sa atin ang mabilis magtaas ng kilay o naiiskandalo sa tuwing


nakaririnig tayo ng mga balita o kuwento tungkol sa mga kabataang may
karanasan na sa pakikipagtalik. Huwag na po nating ikaila ang katotohanang
maraming kabataan ngayon ang nahihimok na gawin ang mga bagay na, para
sa marami, ay hindi nila dapat ginagawa—gaya ng pakikipagtalik sa murang
edad. Delikado naman po talaga ang ganitong pag-eeksperimento ng mga
kabataan sa kanilang katawan dahil maaari silang kapitan ng sexually
transmitted infections (gaya ng HIV/AIDS) o kaya naman ay magbunga ng
hindi planadong pagbubuntis na peligroso sa mga kabataang babae.

Ngunit maaaring hindi lubusang nauunawaan ng mga kabataan—maging ng


mga nakatatanda—ang malalim na kahulugan ng pakikipagtalik, lalo na sa
konteksto ng ating pananampalataya. Ang pakikipagtalik ay isang gawaing
inilalaan lamang sa mga mag-asawa. Hindi ito isang bagay na ginagawa
upang pawiin ang tawag ng laman. Ang sexual act ay isang pagpapahayag ng
pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa, at ito ay may kaakibat na kabukasan
sa pagkakaroon ng supling o procreation. Ang pakikipagtalik ay ang
pakikilahok nating mga tao sa patuloy na gawain ng paglikha ng ating Diyos,
kaya’t ito ay dapat na pinahahalagahan.

Nakalulungkot na hindi ganito ang pagtingin ng mga kabataan ngayon sa sex.


Sa datos mula sa 2013 Young Adults Fertility and Sexuality Survey, isa sa
bawat tatlong kabataang edad 15 hanggang 24 ay nakipagtalik na nang hindi
pa ikinakasal. Ito po ang tinatawag nating premarital sex. Walang layuning
makalikha ng buhay ang premarital sex dahil ito ay kadalasang ginagawa
upang ipakita ang lakas o kapangyarihan sa isang relasyon, upang pag-
eksperimentuhan ang sekswalidad, o upang maging “in” sa barkada.

Ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, tayo ay nasa isang lipunang
namamayani ang kani-kaniyang pagpapakahulugan sa pag-ibig at sekwalidad,
gayundin ang pagpapatingkad sa mabababaw na aspeto ng mga ito sa halip na
ang kanilang malalim na halaga o fundamental values. Dahil dito, kailangan
nating ipahayag at patotohanan na ang tunay na pag-ibig ay ang pagbibigay
ng buong sarili at pagiging matapat sa taong minamahal—a full and total gift
of persons.

Marami pang kailangan gawin sa larangan ng sexuality education para sa


ating mga kabataan. Ito ay dapat na pagtulungan ng mga magulang, paaralan,
ng media, at maging ng Simbahan. Hindi lang ito tungkol sa pagtuturo ng
mga pisikal o sekswal na pagbabago sa katawan ng isang tao. Itinuturo rin
dapat ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, responsableng pakikipag-relasyon,
ang panganib ng premarital sex, at ang kahalagahan ng kasal, pagtataya, at
katapatan.
2 babae, magkahiwalay na naging biktima umano ng panghahalay sa
Bulacan at Laguna

Sa harap ng inilabas na datos ng Philippine National Police na bumaba na ang


insidente ng panggagahasa sa bansa, isang 16-anyos na babae sa Bulacan at
isang 22-anyos na babae sa Laguna ang nadagdag naman sa listahan ng mga
babaeng pinagsamantalahan.

Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa GMA News "Balita Pilipinas" nitong


Huwebes, napaiyak ang 16-anyos na biktima na itinago sa pangalang Melissa
nang makaharap sa presinto ng Pandi, Bulacan ang suspek na si Albert
Barsenas.

Base sa imbestigasyon, nakipag-inuman umano ang dalagita sa kaniyang mga


kaibigan at nang malasing ay nakitulog sa tanggapan ng grupong Kadamay.

Naalimpungatan ang biktima nang maramdamang pinagsasamantalahan na


umano siya ni Barsenas, na kaniyang naitulak kaya nakahingi ng tulong sa
kaibigan.

Nadakip naman ang suspek at nabugbog bago dinala sa himpilan ng pulisya


kung saan niya pinabulaanan ang paratang ng biktima.

Sa Cabuyao, Laguna, inakusahan naman ng 22-anyos na babae ang ama ng


kaniyang kaklase na humalay sa kaniya matapos din malasing.

Kuwento ng biktima na itinago sa pangalang "Jenny," na inimbitahan umano


siya sa bahay ng kaniyang kaklase dahil may handaan.

Matapos makainom, niyaya raw siya ng suspek na si Christopher Cruz, 39-


anyos, na maghatid ng pauwing kaibigan. Pero sa daan, nawalan daw ng
malay ang biktima dahil na rin sa kalasingan.

Natagpuan ang biktima sa isang bakanteng lote na mag-isa ng mga barangay


tanod.
Bukod sa mga sugat, lumitaw sa pagsusuri ng medico legal ng pulisya na
may "fresh laceration" sa maselang bahagi ng katawan ang biktima.

Itinanggi naman ng suspek ang bintang ng biktima.

Una rito, sinabi ng PNP na unti-unti nang bumababa ang rape incidents sa
bansa. Mula sa 4,850 cases noong January hanggang August 2016,
nabawasan ito at naging 4,650 mula January hanggang August ngayong taon.

Ang pagbaba ng rape incident ay ginagamit na indikasyon ng PNP na


nananalo umano ang kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

Hindi naman ipinaliwanag sa datos kung may kinalaman nga sa droga ang
mga suspek sa lahat ng mga kaso ng panggagahasa. —Jamil Santos/FRJ/KG,
GMA News

Vous aimerez peut-être aussi