(Ang edukasyon ay hindi lang puro aral. Araw-araw itong nangyayari).
ARAW-ARAW ANG PAGKATUTO
Sa unang impresyon ko tungkol sa edukasyon, inisip ko na ang edukasyon ay ang pagtututo galing sa mga libro, pati na rin ang paghusga at karunungan, pag-aaral nang mabuti, kailangan para sa magandang kinabukasan, at iba pa. O kaya naman kailangan ng mataas na grado upang lalo pang matuto, saliksikin ang iba pang bagay na natutunan natin, pati na rin na kailangang matalino daw ako para sa ikinabubuti sa aking sarili at sa kapwa. Ngunit, habang lumilipas na ang panahon, unti-unting nag-iiba ang aking pananaw dito. Hindi naman na "Bakit ako nag-aaral? Eh meron naman dyang ibang bagay", na babale-wala ko na lang ang pag-aaral ko. Bagkus, natutunan ko na hindi ko kailangang magsayang ng oras para lang sa mataas na grado, dahil magiging sayang naman ito pagdating na sa katotohanan. Dahil dun, napansin ko rin sa sarili ko na bata pa rin talaga ako, kahit hanggang ngayon. Kung ganon ang naging pananaw ko, bakit? Naumpisahan ito nung baitang 7 ako, subalit bago yan, unahin ko muna kung ano talaga ang pananaw ko nung bata pa talaga ako. Iniisip ko lagi sa sarili ko na mag-aaral ako nang mabuti para sa mataas na grado, at magiging "teacher's pet" ako. Ang katotohanan? Nagiging mapagmataas ako na hindi ko na alam na nasasaktan ko pala ang mga kapwa. Doon ako nagkaroon ng depresyon simula nun hanggang hayskul, samantalang nag-iiba rin ang aking pananaw, na hindi lahat ng buhay ay edukasyon at pag-aaral. Mahirap talaga ang buhay na ganun, na puro aral lang. Kaya simula dating baitang 7, nagiging ganap na ko sa ibang sitwasyon na hindi ko alam na kaya ko, datapwat parang dati lang naman ulit. Sapagkat ganoon ako, madami rin naiinis sa akin na hindi ko alam, pero patuloy pa rin ako nagiging miron hanggang baitang 9, na sa wakas, lumabas na rin ang loob at ligaya ko. Basta upang maging matagumpay ako at tulungan ang iba at para sa sarili ko, dapat ang aking pananaw ay kasama rin ang katotohanan na hindi lang pag-aaral ang nasa buhay. Ang pinakamahalaga ay maghanda para sa reyalidad na haharapin. Hindi ko naman sinasabi na ang edukasyon ay nagpapasira ng mga utak ng mga estudyante dahil sa hirap nito. Kung kinaya nila ang hirap na hindi nila naranasan dati, doon sila tatagumpay.