Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Lumalim ang mga kunot sa noo ni Mang Atong. Madaling-araw lumulusob ang mga iyon habang masarap
ang kaniyang tulog. Pinaalala niya kay Aling Bebang na gisingin siya nang mas maaga kinabukasan.
Inakala ni Mang Atong na mas maaga na siyang gumising ngayon. Tiyak na aabutan niya ang tropa ng mga
Tipaklong na gutom na gutom. Tahimik at malalim ang idlip ng mga pananim. Dahan-dahan siyang
naglakad papuntang gulayan habang nagmamanman.
Hindi natulog si Mang Atong nang gabing iyon. Walang mintis ang kanyang patibong. Habang kumakain
ng sariwang kangkong, nahuli si Tipaklong. Takbuhan naman ang mga kasamang kampon.
“Maawa ka na, magugutom ako dito. Huwag mo akong ikulong.” Talagang gugutumin kita.
Itatali ko pa ang iyong mga paa. Mula ngayon ay hindi ka na makatatalon,
Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na rin ang tali ng iyong mga paa. Pero magtrabaho ka,
kapalit ng pagkain at pagtira.”
Pinakain siya ni Mang Atong ng kanin at galunggong. Isinama siya sa gulayan pagkatapos.
Binungkal niya ang lupa at dinilig ang mga halaman. Tumutulong si Tipaklong kay Mang Atong araw-araw
mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong, Sigarilyas at Okra. Kapag oras ng pahin nagkakantahan
sila habang naggigitara siya.
Minsan silang inabutang ganoon ni Mang Atong. Sa isang kumpas, huminto ang lahat. Nakahanda sila sa
galit na akala. Ngunit, ngumiti iyon at nagsabing “Magaling ka palang tumugtog. Kung magtatagal ka pa,
ibibili kita ng gitara.”
Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’ sumipag pa siyang lalo. Amoy ng pambihira niyang ilong
ang mga kulisap, malapit man o malayo. Kita ng pambihira niyang mga mata ang mga nagtatago, sa mga
dahon man o sa puno. Kaya, lalo pang bumilog at lumusog ang mga alaga niya.
Isang umaga, nagtataka si Tipaklong. Sinalubong siya ni Talong na nagsusumbong. Inabutan niya si
Ampalaya na nagdadadamba.
Kinain ng isang dosenang higad ang murang mga dahon ni Ampalaya. Nagtatago pala sila sa puno ng
akasya. Nangako si Tipaklong. “Mahuhulog sila sa aking patibong.”
Naghukay si Tipaklong sa di kalayuan sa malagong baging ni Ampalaya. Nilagyan niya ito ng murang mga
talbos. Paborito ito ng masisibang higad. Naamoy nila agad ang katakam-takam na bango.
Nagmamadali silang bumaba sa puno ng akasya at nag-uunahan sa pagkain. Hindi nila napapansin ang
nagyayari sa paligid nila. Binubuhusan na ng tubig ni Tipaklong ang hukay na palibot.
Nang maubos na ang mga talbos at mabusog ay dahan-dahan silang kumilos. Nakita nilang paligid na sila
ng tubig at hindi makatawid. Nagmamakaawa sila kay Tipaklong. Nangako silang hindi na muling babalik
doon kung tutulungan silang makaalis.
Una-unahan ang mga higad na tumawid sa tulay na siit. Isang yarda ang ngiti ni Ampalaya nang makita
niya ang huling higad na pausad-usad. Nagpasalamat siya kay Tipaklong.Mula noon, lalong dumami ang
mga bulaklak niyang dilaw at bumilog ang kanyang mga bunga.
Lalong gumanda ang halamanan at gulayan nina Mang Atong at Aling Bebang. Napansin ito ng mga
taganayon ng Palong-Palong. Nagtataka rin sila kung bakit lalo pang sumipag at lumakas ang mag-asawa.
Naging bukambibig tuloy sa nayon. Gamot sa panghihina at pagtanda ang pag-aalaga ng halaman.
“Labis-labis na ang pagsisilbi mo sa aming hardin. Maaari ka nang umuwi kung ibig mo,”malungkot ang
tinig ni Mang Atong.
“Athindi sapat ang pasasalamat namin sa pambihira mong sipag,” dagdag ni Aling Bebang.
“Hindiko gustong umuwi. Ito lang ang aking tahanan,”malungkot ang tinig ni Tipaklong. “Huhusayan ko
pa ang pag-aalaga sa mga halaman. Pagkain ko’ysige bawasan.”Nalungkot ang mga nakikinig na halaman.
“Itonaang tahanan mo, kung gayon,”masayang tugon ng mag-asawa. Pareho rin ang pagkain ni Tipaklong.
Dadagdagan pa ang oras ng pahinga kung kailangan niya. Tumalon nang tumalon sa tuwa si Tipaklong.
Mula noon kapag may nagtatanong, “Ano hong abono ang ipinaiinom ninyo sa halaman, Mang Atong?”