Sa aking pananaw, ang mga taong nakatulong sa paghubog sa mga ideolohiya at
paniniwala ni Rizal ay ang kanyang mga magulang na sila Teodora Alonso Realonda at Francisco Mercado. Ilan pa sa mga tao na nagkaroon din ng impluwensya kay Rizal ay ang kanyang kapatid na si Paciano, ang kanyang tagahangang si Andres Bonifacio, at ang kanyang kaibigan na Marcelo H. del Pilar. Ang kanyang kapatid na si Paciano ay ang siyang nag bukas ng mata ni Rizal sa mga pangyayaring nagpapahiwatig na mayroon ng kawalan ng katarungan sa mga Pilipino. Nag- simulang makita ni Rizal ang kawalan ng katarungan noong kinwento ni Paciano ang kanyang nasaksihang pag patay kila Padre Burgos, Gomez, at Zamora. Sila ay dinawit lamang sa isang pag- aalsa sa Cavite, ngunit wala naman silang ginawang mali. Ganon pa man, sila parin ay pinarusahan at pinatay ng dahil sa isang sala na hindi naman nila ginawa. Isa pa sa mga mahahalagang pangyayari na nagtulak kay Rizal upang magkaroon ng reporma at pambansang pagbabago sa Pilipinas ay nang kanyang masaksihan ang pag-dukot ng mga kastila sa kanyang ina at ikinulong ito ng dalawang taon. Ayon kay Rizal matagal ng mayroong galit ang mga prayle sa kanyang pamilya. Pinipilit daw ng mga prayle sabihin na silang mga Pilipino ay wala sa lugar. Kaya naman gusto ni Rizal na ipahayag ang hindi maamin ng mga kastila. Na silang mga kastila ang wala sa lugar sa kanilang mga bayan. Mahalaga din ang mga araw na nag-aral si Rizal sa University of Santo Tomas noong 1878, dahil ayon kay Rizal dito niya natutunan na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Katulad na lang ng ipagkumpara ng isang prayle ang kaibahan sa tangkad ng isang estudyanteng kastila, at isang estudyanteng Pilipino. Sinabi ng isa sa kanyang mga kaklase na ang kanilang pagiging mas matangkad kesa sa mga Pilipino ay simbolo lamang na sila ay nakaka-angat. Hindi natuwa si Rizal ng marinig niya ito, kaya naman nag-salita siya agad para ipahiwatig na hindi totoo ang kanilang sinasabi. Pagkatapos kong mapanood ang pelikula na Rizal, higit kong nakilala si Rizal bilang isang Pilipino. Isa sa mga hinangaan kong ginawa ni Rizal ay ang kanyang desisyon na hindi makampante sa mapayapa niyang buhay sa Europa. Kahit na mapayapa na ang kanyang buhay habang patuloy na nag-aaral ay hindi parin nakakalimutan ni Rizal ang tunay na rason kung bakit siya napunta sa lugar na yon. Hindi niya kailanman kinalimutan ang mga taong umaasa sa kanya, at sa tulong na kaya niyang ibigay. Ako ay humahanga rin sa decision ni Rizal na hindi gumamit ng dahas laban sa mga Kastila para lamang labanan ang mga eto. Isa sa mga hindi ko makakalimutang sinabi ni Rizal sa pelikula ay ang “Kung dadaloy man ang dugo, siguraduhin niyo munang handa na tayo.” Nakita ko kung paano ginamit ni Rizal ang kanyang katalinuhan laban sa mga Kastila. Hindi niya hinayaang ang kanyang galit ang mag-sabi ng kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi hiningi ni Rizal kailanman na maging mas mahigit sa mga Kastila, ang kanyang kahilingan lamang ay ang pagkakapantay pantay na turing sa mga Kastila at Pilipino. Sa aking palagay ay dapat parin nating pag-aralan ang buhay ni Rizal kasi ito ay magsisilbing paalala sa mga Pilipino na hindi naging madali para sa atin ang maging malaya. Sa panahon kasi ngayon, marami ng Pilipino ang nakakalimot ng mga sakripisyong ginawa ng mga tao dati. Mas mabibigyan ng kahulugan ang ating pagiging Pilipino kung patuloy natin aalalahanin na nagkaroon tayo ng bayani na hindi natakot lumaban para sa ating kalayaan..