Vous êtes sur la page 1sur 2

Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto

1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari,
bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at
inilalahad nang buong linaw at kaisahan

Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan ng
mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto ay
tumutugon sa tanong na bakit.

Halimbawa: mga editoryal

3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.

Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay

Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.

Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng
hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng wastong
pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga tanong na
paano at kailan.
8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays ng
mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.

9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad
na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at inilalahad.

Vous aimerez peut-être aussi