Vous êtes sur la page 1sur 12

Florante at Laura

Scene 1 (ang kabataan ni Florante)

NARATOR: si florante ay bugtong na anak nina Prinsesa Floresca at Duke Briseo. Ang butihing
prinsesa ay anak ng hari ng krotona at ang mabait na duke ay siyang salamin sa karunungan sa buong
albanya. Nang sanggol pa lamang si Florante ay ...

MENALIPO: haa.. isang Buwtre! iyan ang nararapat sa iyo halimaw.

FLORESCA: anong nangyayari at..

MENALIPO: princessa floresca ang...

FLORESCA: ang aking anak.. mabuti’y nasa mabuti kang kalagayan anak. salamat na lamang nandito ka
menalipo kundi’y malamang napahamak na ang aking anak. Halika’t dalin natin siya sakanyang ama.

NARATOR: sapaglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na upang tumuklas ng kanyang
karunungan napagtanto ng kanyang ama na si Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas..

FLORANTE: ama.narito po pala kayo, at napansin ko ang iyong pagkabalisa..

DUKE BRISEO: florante anak, anak, napag isip isip ko napapanahon na upang tumuklas ka ng
karunungan. Ikaw anak ay ipadadala namin sa Atenas, ang lungsod ng karunungan. Ang Atenas ay
bantog sa mahuhusay na guro, isa na rito ay si antenor na siya mong magiging guro.

FLORANTE: pano po ang aking ina? Diyata’t mawawalay ako sa kanya.

DUKE BRISEO: batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit kung tayo’y patatangay ng
kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay hindi mo matatagpuan ang tagumpay....... Iyan ang dahilan kung
kaya’t dapat nating pagtiisan ang lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating pawalang
kabuhulan.

NARATOR: makalipas ang ilang araw naghanda si Florante patungo sa Atenas....

FLORANTE: makakaasa po kayo ina. Sige... paalam po........ Scene 2 (Atenas,


atenas,pagkikipagkaibigan)

ANTERNOR:Nagagalak ako sa iyong pagdating, Florante

FLORANTE: gayun din po ang sumasapuso ko maestro.

NARATOR: isang buwan na ang lumipas subalit hindi humiwalay ang kalungkutan sa kanya, kahit
minsan...... pinayuhan siya ng kanyang guro na makipagkaibigan at sinabi pa niyang maykakabayan siya
dito. Nagpakilala si Florante sa kanyang mga kamag aral at di niya akalain na doon pala niya ang
magiging pinakamatalik niyang kaibigan.

FLORANTE: mula ngayon ay kaibigan niyo akong lahat. Ako si Florante.

MENANDRO: asahan mong magiging matalik mo akong katoto!

ANTENOR: Wala yata si Adolfo?

MENANDRO: Nariyan lamang po at marami raw siyang ginagawa.

ANTENOR: o Adolfo... Siya nga pala si Florante, Adolfo, ang kababayan mo sa Albanya at anak ni
Konde Sileno.

ADOLFO: Ikinagagalak kitang makilala, ako si Adolfo.

NARATOR: Mula noon ay naging masaya na si Florante. Madali silang nagkapalagayan ng loob ni
Menandro. Ilang pahahon pa ang lumipas.

FLORANTE: Ako’y naliligayahan pagka’t ang ating pagkakaibigan ay nagdudulot sa akin ng sigla at
sasiyahan.

MENANDRO: Ako ma’y nabihag ng iyong magandang kalooban Florante.

FLORANTE: Menandro nais kong sa pagbabalik ko sa amin ay makakasama kista!

MENANDRO: Sakaling ako’y palaring makakarating sa Albanya, asahan mong di upang humanap ng
katanyagan kundi upang huwag na tayong magkahiwalay!

Scene 3: dula dulaan lang hindi totohanan

NARATOR: At di nagkabula ang kanilang sapantaha pagkalipas pa ng ilang taon ay si Florante na nga
kinikillalang pinakamarunong sa paaralan. Ang pangalan niya’y naging bulaklak ng dila ng mga tao.

ADOLFO: (sa isip lamang) Hindi!!! Hindi ko maaaring palagpasin ang pag-agaw mo sa aking karangalan!
Isa lamang sa amin ni Florante ay dapat na salubunging bangkay sa Albanya!

NARATOR: At pagkalipas ng ilang buwan ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng kasayahan.

ANTENOR: ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay ni Reyna Yokasta.
Florante, papel ni Etyokles ang gagampanan mo. Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni
Menandro.
NARATOR: patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay adolfo na noon ay.....

ADOLFO: nalalapit na ang araws mo Florante!!

NARATOR: isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi dalawin ng antok laging
sumasaisip niya ang maiitim na balak kay Florante.

ADOLFO: bukas magiging ganap ang aking paghihiganti! Bukas.

NARATOR: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng
kasaysayan si Florante.

MGA TAO: mabuhay si Florante! Mabuhay.

ADOLFO: magpakabusog kana sa puri Florante at katapusan mo na.

ANTENOR: magsisimula na ang ating dula kaya lahat ay pumwesto na.

NARATOR; at sakalagitnaan ng kanilang pagtatanghal...

ADOLFO: MAGPAKATATAG KA NA AT ITO NA ANG KATAPUSAN MO

NARATOR: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal na ikaw’y kumilala;t kapatid mo ako kay Epidong
Bunga,” ang nawika ni Adolfo ay.....

ADOLFO: ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay! Umm Umm!...... Mamatay ka!.

MENANDRO: bitiwan mo iyan! Traidor, taksil.

ANTERNOR: anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong
kababayan?

MENANDRO: isa kang baliw Adolfo!

ADOLFO: kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!

KAMAG-ARAL: isa kang habang, ulupong at sakim!.. Patayin si Adolfo. Patayin ang sukab!

NARATOR: hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa Albanya.

ADOLFO: sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante titiyakin ko!
NARATOR: ANg buong Atenas ay nagilalas sa katampalasan ni Adolfo.

ANTENOR: hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na layunin, ang masama ay ang
tamuhin ang katuparan na niyon sa kapinsalaan ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na
pumatay sa kanyang kapatid na si Abel ng dahil sa inggit, paano nga kayang hindi magkakaroon ng
isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa kanyang sariling kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa ni
Menandro, ito’y isang magandang halimbawa ng pagkabayani.

FLORANTE: paano kaya kita magagantihan Menandro, kundi sa iyo ay isa na akong malamig na
bangkay!

MENANDRO: iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong mag pasalamat sa dakilang
lumkha! Ang lahat ay utang lamang sa diyos ako’y kasangkapan lamang niya upang iligtas kasa
kapahamakan!

MENANDRO: Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi

FLORANTE: sa palagay ko’y hindi ako makakauwi ng hindi ka kasama

MENANDRO: kung sumama kaya ako’y ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng
ama mong Duke?

FLORANTE: aba’y syempre ipapakilala kita.

Scene 4: ang Pagbabalik ni Florante

MENSAHERO: ipagapatawad niyo po ang aking pang aabala. may sulat po galing kay Duke Briseo ng
Albanya para kay Florante. narito ang liham... : iyan ang katotohan anak, pumanaw na ang iyong ina.
Hindi ko na ito ipinaalam sa iyo noon upang huwag masira ang iyong pag-aaral. Ang iyong AmaDuke
Briseo

FLORANTE: wala na ang mahal kong ina. O mahabaging langit

ANTENOR: lakasan mo ang iyong loob Florante

MENANDRO: nakikiramay ako sa kalungkutan mo. Florante

NARATOR: napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang ina.....

FLORANTE: ina, bakit hindi mo na ako hinintay. Hindi ba’t sinabi ko sa iyong ako’y magbabalik upang
handugan ka ng aking tagumapay.

MENANDRO: huwag masayadong malumbay Florante, hindi makakatulong sa katawa mo ang


kalungkutan.

FLORANTE: salamat sa iyong paalala Menandro, isa kang dakilang kaibigan

NARATOR: nakaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.

FLORANTE: pinauuwi na po ako mahal kong guro, nasa daungan na raw po ang sasakyan

ANTENOR: florante sa pag babalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon kang isang kalaban, ang
higanti ni Adolfo ay pakaingatan mo. At kung ikaw ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka pero wag kang
magpapahalata, lagi mong ihanda ang iyon sandata.

FLORANTE: salamat po sa iyong paggunita, siyanga pala Menandro, di ba sasama ka sa akin?

MENANDRO: ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.

NARATOR: hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon din ay pumayag na sumama
si Menandro kay Florante, ilang saglit pa sa daungan.

NARATOR: at ng sila’y makarating sa kaharian ng Albanya ay....

KAWAL: Duke Briseo narito po ang iyong anak na si Florante

FLORANTE: ama ko. Hindi ko akalain na ganito kapait ang ating pagkikitang muli.

DUKE BRISEO: anak ko sinubok tayo ng tadhana.

FLORANTE: marahil nga ama. Ama may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si
MENANDRO.

MENANDRO: ang aking kaliitan ay handang maglingkod a inyo

DUKE BRISEO: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan, nagtitiwala ako sa iyo
Menandro. Bilang araw ay makagaganti rin kami sa iyo.

KAWAL: Duke narito na po ang sugo.

SUGO: galing na po ako sa palasyo ni Haring Linceo na siyang nagsabi na narito kayo. Aalis na po ako.

FLORANTE: ano ang sinabi ama ko?

DUKE BRISEO: ito’y galing sa iyong ninuno na siyang Monarko sa Krotona, kailangan niya ang tulong ni
Haring Linceo. Nakubkob ng mga kaaway na Moro ang Krotona sa pamumuno ng kilabot na si
Heneral...

FLORANTE: Heneral Osmalik!

MENANDRO: ano ang pasya niyo mahal na Duke? Scene 5: Nanganganib ang Krotona

NARATOR: hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya sila sa palasyo ni Haring
Linceo at ng magkaharap sila ay...

HARING LINCEO: mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay nangangailangan ng ating
tulong. O duke... sino ang binatang kasama mo? Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero,
ang aking napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko’t reyno

DUKE BRISEO: siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas. Si Florante na
inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang na isang basalyo’t na alagad.

FLORANTE: haring poon, pag-utusan po ninyo ako.

HARING LINCEO: mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking
hukbo, Florante.

LAURA: narito pala kayo, mahal kong ama.

HARING LINCEO: o laura anak ko

NARATOR: sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay nakaumpok nila sa pag-uusap na
iyon kakaibang damdamin ang nadama ni Florante. Halos litung lito at di tuwid mag salita si Florante
at laging sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay gayun di ang nadarama ni Laura.

FLORANTE: napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig na ba ito.

LAURA: kay kisig na binata, sino kaya siya?

NARATOR: nang matapos ang kanilang pulong, umuwi na sila Florante.

NARATOR: di mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan at hindi pa rin siya
nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig sa kanyang minamahal nasi Laura. Ng minsang hindi sinasadyang
magkita ang dalawang nag iibigan ay..........

FLORANTE: anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako’y humihinga pa sa
mga ssandaling ito.

LAURA: nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.
FLORANTE: hindi iyon ang dahilan laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kita’y
makilala.

LAURA: kung gayon kinalulungkot ko ang una nating pagkikita.

FLORANTE: hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan ko’y sanhi ng aking damdaming inuukol
sa iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na
ikaw ay aking iniibig Laura!....... Laura iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay nais kong bago ako
magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang isinamo ko.

LAURA: hindi ko nais na lumisan kang malungkot, Florante.

FLORANTE: kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa
daigdig.

LAURA; florante, lumakad ka na at umaasa kang patnunubayan ka ng aking mga dalanigin.

FLORANTE; ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay, paalam. Scene 6: ang
digmaan

LAURA: diyos na mahabagin huwag mo pong itulot na mapahamak si florante. Patnubayan niyo po siya
ng iyong mapagpalang kamay.

NARATOR: kinabukasan, ang hukbong patungo sa Krotona ay handang-handa na

NARATOR: ang mga kawal at si Florante kasama si Menandro ay tumungo na sa Krotona.

FLORANTE: iyan ang Krotona Menandro, kailangang magsipaghanda na tayo.

MENANDRO: gawin nating bigla ang pagsalkay upang malito ang mga kalaban.

NARATOR: at gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.

FLORANTE :Sugod mga Kasama!

NARATOR: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi matutuhan
ang gagawin. Nakipaglaban ang lahat hanggang magtapat sina Florante at Osmalik.

Mga kawal : Haaaa.....

HENERAL OSMALIK: kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.
FLORANTE: ikaw pala ang sinasabi Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo.

Mga kawal : Haaaa.....

FLORANTE: ito ang nababagay sa iyo haaaa. Ito na ang wakas mo, buhong. Uummm. Sayang na
heneral.

MENANDRO: nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante!...... Isang kilabot na girero Florante,
nagapi mo ang bantog na Heneral ng mga Moro.

FLORANTE: ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo.

6~ TAO: mabuhay. Mabuhay ang tagapagligtas.

Scene 7:

NARATOR: iniisip niya ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ng......

FLORANTE: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay
nasa itaas ng palasyo ng Albanya.

MENANDRO: nasasakop ngayon ng moro ang Albanya. Pinasok nila habang tayo’y nasa Krotona.

KAWAL NG (A): tila may kasama silang babae, Heneral.

FLORANTE: hindi ko gaanong maaniga..... diyos ko.... si..... Laura, siya nga.

MENANDRO: si Laura nga Florante

FLORANTE: mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo... haaaa.... Laura, aking Laura. Ano ang nangyari
at?...

LAURA: florante, salamat at ako’y nailigtas nyo sa tiyak na kamatayan. Ang buong kaharian ay nasa
kamay ng mga Moro ang aking Ama at si Duke Briseo ay kasalukuyang nakakulong.

FLORANTE: wag kang mag alala, ngayon din ay sasalakayin namin ang palasyo! Mga kawal, mga
kaibigan tayo’y maghanda. Tayo’y lulusob ngayon sa palasyo upang gupuin ang mga Moro. Lumusob na
tayo. Haaa.....

NARATOR: walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga kaaway ay parang
dinaanan ng salot . kabi kabila ang mga bangkay na Moro. At pag katapos rin nu’y agad agad nilang
pinasok ang palasyo upang ilabas sa piitan ang Hari at Ama.
FLORANTE: Ama, hari nasaktan po ba kayo,

DUKE BRISEO: Florante, anak ko. maayos naman kami ng hari

HARI: salamat at inabot nyo kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling hirangin kang Heneral ng aking
Hukbo. Ikaw nga mandirigma na dumalaw sa aking panaginip.

NARATOR: Subalit may isang di natutuwa si Adolfo at.....

ADOLFO: talagang sakanya na humaling ang hangal na hari. Kung mayroon mang anay na sumisira ng
kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira sa inyong lahat.

NARATOR: ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking kapanalunan.


Labing pitong kaharian ang gumalang at sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas,
muling sinalakay ang Albanya, pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa
kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya sina
Florante pagkatapos ng laban ng may dumaring na liham galing kay Linceo.

Scene 8: ang taksil

KAWAL NG (A): Heneral may liham po galing Kay Haring Linceo.

FLORANTE: salamat.

MENANDRO: ano ang sabi Florante.

FLORANTE: pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi
muna ako sa Albanya. Aalis na ako.

MENANDRO: nakakapagtaka naman yata. Hindi pinasama ang mga Hukbo.

NARATOR: nakarating na si Florante sa Albanya ngunit....

FLORANTE: ano ang ibig sabihin nito, hindi nyo ba ako kilala.

KAWAL NG (A): ikinalulungkot namin Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa amin ng Hari.

NARATOR: at sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na bilanguan at dito
niya nabatid na.

ADOLFO: magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kwarto. Maganda ba?

FLORANTE: Adolfo? bakit.. pano’t.. Bakit na sa iyo ang sentrong Korona. Taksil ka. Pano mo nagawa
iyan sa sarili mong bayan. Nasan ang hari at ang aking ama?

ADOLFO: Florante... florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking bitag. Alam mo pinugutan ko
lang naman ang iyong ama at ang hangal na Hari. Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya.
Mga walang utak..

FLORANTE: pakawalan mo ako dito, buhong Florante. pagbabayaran mo ito ng mahal Adolfo. Ngunit
hindi ko lubos na maisip kung paano naging Hari ang isang duwag.

NARATOR: pagkalipas ng labing walong araw ay inilabas siya sa piitan at:.....

FLORANTE: saan niyo ako dadalhin?

KAWAL NG (A): ikaw ay isang billango at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim na gubat.

FLORANTE: at kailan pa siya nagkaroon ng kapangyarihag humatol.

KAWAL NG (A): gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya
si Prinsesa Laura.

FLORANTE: ano... kailangan niyo ako! Patutunayan ko na di karapatdapat mamuno si Adolfo. At di rin
pakakasal si Laura sa Duwag niyong Hari.

KAWAL NG (A): huli ka na. Wala ka ng magagawa at sa palagay ko ito na ang ito na ang iyong
katapusan.

Scene 9: gubat na mapanglaw

NARATOR: inilabas na ng piitan si Florante at idinala na siya sa madilim na gubat at iginapos sa puno
ng higera. At si Florante ay iniwan sa gubat.

FLORANTE: diyos ko, anong uri ng kalupitan ang parusang ito.

NARATOR: parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong libingan na ang tanging
maririnig ay huni ng ibon at mumunting hayop. Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang
ama ay wala na, si Menandro ay walang kaalam alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa
kapangyarihan ng malupit na Konde.

FLORANTE: laura, o aking laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito’y wala akong makitang
pag-asa.

NARATOR: lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. isang pikit man ay di makatulog.
Sa kabila ng nanghihinang katawan ay pinipilit paring makatakas subalit wala siyang magawa.....
Samantala sa kabilang panig isag girero ang ....

ALADIN: napakadilim ng gubat na ito. Dito muna ako magpapalipas ng pagod. (leon)

FLORANTE: ahhhh. Saklolo.

ALADIN: sino kaya iyon! Humuhingi ng tulong. Sandali lang.... nasapanganib siya. (espada laban)

FLORANTE: si...sino ka? Ang kasuotan mo’y nagpapahiwatig ng Moro!

ALADIN: huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong Moro na kaaway ng iyong
lahi, subalit ngunit sa pagkakataong ito’y tao rin ako na may puso at damdamin.

FLORANTE: sasalamat sa pagligtas mo sa akin.

ALADIN: walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na ligtas na pook. Kaibigan
may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na. Alam kung gutom na gutom kana.

FLORANTE: maraming salamat.

NARATOR: naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at
nakatulog.

ALADIN: huwag kang mag alala kaibigan, babantayan kita magdamag!

NARATOR: sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante


hanggang ito’y magising.

FLORANTE: hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasalamatan.

ALADIN: kaibigan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito ka.

FLORANTE: kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula
sa kamusmusan.

NARATOR: isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata hanggang lumaki, ang mga
nangyari sa kanya, at kung paano siya nakapunta sa gubat.

FLORANTE: at sa tuwing maaalala ko si Laura ay halos mawalan ako ng diwa.

ALADIN: masalimuot pala ang pinagdaanan ng iyong buhay, Florante.

FLOARANTE: at sa maraming digmaan sinuungan ko’u isa na si Heneral Osmalik sa aking nagapi, na
ayon sa Balita ay siyang pangalawa sa tapang ni Aladin!

ALADIN: huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dag dag.

FLORANTE: at ayon pa nga sa balita ay walang kasing bangis si Aladin.

ALADIN: yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.

FLORANTE: ikaliligaya kong mabatid kaibigan.

ALADIN: florante ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay.... ako.

FLORANTE: i........ ikaw?

ALADIN: ako nga florante si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.

FLORANTE: Diyata’t ang kaharap ko’y ang kilabot na mandirigma ng Persiya.

ALADIN: ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang
umagaw sa mahal kong si Flerida.

NARATOR: isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay Florante. pati narin ang
dahilan ng alitan nilang mag ama. Samantala sa kabilang banda sa etolya....

Vous aimerez peut-être aussi