Vous êtes sur la page 1sur 3

Ang epektibong guro ay malikhain.

Ang kanyang klase ay masigla, kawili-wili, at laging may


bagong gawain. Hindi lamang ang magpunla at magkintal ng impormasyon o prinsipyo ang
hangarin, kundi higit sa lahat, ang ninanais ay matulungan ang mag-aaral na mapabuti ang buhay.
(Richards (1992)

Nasusukat ang pagiging epektibo ng isang guro sa gawain, kaasalan, at saloobin ng kanyang
tinuturuan. Ito ang resulta ng kanyang mga gawain sa klase. Ito ang batas ng edukasyon.
Hendricks (1998)

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay


ng mga mag-aaral. Ang kanyang impluwensiya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng
mga mag-aaral ay hindi lamang matatawaran kailanman. Bilang pangunahing magulang, siya ang
magsisilbing uhay sa pagpapalago at pagpapayabong ng anumang kakayahan mayroon ang mag-
aaral. Papham (1980)

MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING GURO


Walang Itinatangi

Minamahal ng mga mag-aaral ang guro na pantay-pantay ang pagtingin sa kanila. Lahat ng
mga mag-aaral ay itinuturing niyang pantay-pantay anuman ang kalagayan nito sa lipunan. Kung
may nag-away wala siyang dapat na panigan bagkus pareho niyang pagsasabihan. Madaling
maramdaman ng mga mag-aaral kung ang guro ay may paborito sa klase.

May Positibong Pag-uugali

Lalong tumataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral kung ang guro ay nagpapakita ng
magandang pag-uugali sa kanila. Ang pagbibigay rekognisyon kung nakapagbibigay ng tamang
kasagutan at hindi namamahiya ng mga mag-aaral sa tuwing sila ay may maling kasagutan ay
makatutulong lalo upang Makita ng mga mag-aaral ang kanilang direksyon.

May Kahandaan
Ang gurong may malawak na kaalaman sa paksang itinuturo at ang kakayahan nito na iugnay
sa iba pang larangan ang paksa ay isang halimbawa ng mahusay na guro. Nasasagot niya ang
bawat katanungan ng kanyang mga mag-aaral.

May Haplos-Personal
Madaling madisiplina ng guro ang klaseng malapit sa kanya. Upang maging malapit ang
klase sa guro, nararapat na kilalalanin niya nang mabuti ang bawat mag-aaral, tawagin sa pangalan,
marunong ngumiti, inaalama ang nararamdaman, opinion at interes ng mga mag-aaral.

Masayahin

Hindi malilimutan ng mga mag-aaral ang gurong laging may dalang ngiti sa klase. Anumang
hirap na dala ng mag-aaral ay kagyat na gumagaang kung masayahin ang isang guro.
Malikhain

Nakahihikayat sa mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral kung maaliwalas ang silid-aralan.


Bida ang gurong may iba’t ibang paraan sa pagganyak upang ihanda ang klase sa gagawing pag-
aaral.

Marunong Tumanggap ng Pagkakamali

Apektado ang klase kung ang guro ay nagkakamali. Sa pagkakataong ito, mas nagiging
modelo ng kababaang loob ang guro kung tinatanggap niya nang buong puso ang nagawa niyang
pagkakamali at may sinseridad ang paghingi niya ng paumanhin sa klase.

Mapagpatawad

Kalugud-lugod ang guro na mahaba ang pasensiya. Mabilis niyang naitatama at


napapatawad ang mga pagkakamaling nagawa ng mga mag-aaral. Hindi niya pinepersonal ang
mga pagkakamaling nagawa bagkus ay binibigyan niya ng pagkakataong makapagpaliwanag ang
mag-aaral. Sa ganitong pagkakataon, tinutulungan niyang magbago tungo sa ikabubuti ng mga
mag-aaral.

May Respeto

Samu’t saring mag-aaral ang nakakasalamuha ng guro sa bawat taon. Iba’t ibang ugali,
katangian, abilidad at paniniwala. Dapat iginagalang ng guro ang bawat mag-aaral. Ang gurong may
respeto sa mga mag-aaral ay sensitibo sa nararamdaman ng mga bata.

May Mataas na Ekspektasyon

Kadalasan, ang mga mag-aaral ay walang tiwala sa kanilang kakayahan. Kung ang guro ay
may paniniwala sa kakayahan ng bawat isa, lalong magiging buo ang hangarin ng mga mag-aaral
na makapagtamo ng mataas na marka kaysa sa inaasahan. May mataas na pamantayan ang guro
na siyang nakahahamon sa mga mag-aaral.

Mapagmahal

Ang gurong maalalahanin ay tunay na kinalulugdan. Humahanap siya ng pagkakataon upang


mabisita ang mag-aaral na nagkakasakit. Marunong siyang dumamay sa mga pagkakataong
nanlulumo ang mag-aaral.

Ipinadaramang Kabilang ang Bawat Mag-aaral

Kapamilya at kapuso isang guro na nagpapakita ng interes sa bawat mag-aaral. Nagagawan


ng paraan ng guro na maging kabilang ang bawat isa sa talakayan.
Mga Dapat Iwasan ng Guro

Kung may magagandang katangiang dapat taglayin ng isang guro, may mga katangian ding hindi
dapat taglayin. Inisa-isa ni Manalo (2002) ang mga katangiang nararapat na iwasan at hindi dapat
taglayin ng isang guro. Sa kanyang arikulong Terrorism in the Classroom, tinalakay ni Manalo ang
mga sumusunod:

Pang-aabuso sa Kapangyarihan

Ang isang terorista ay mahilig na magkontrol ng tao, palautos, mapagparusa, palasigaw, at


mahirap pakibagayan. Ganito ang gurong madalas na manakot, magparusa at palasigaw.boring at
hindi masining
Ang kawalan ng buhay ng guro ay ikinatatamad ng mga mag-aaral. Paulit-ulit na istratehiya,
metodo na ginagamit at ang kawalan ng kahandaan.

Berbal at Di-berbal na Pang-aabuso

Ang pagiging sarkastiko ng guro, pagbibigay bansag sa mga mag-aaral, pamamahiya, pagmumura
at paninigaw at palatandaan na ang guro ay isang terorista sa klase. Ang iba pa ay ang pagtaas ng
kilay, pagsimangot at iba pang ekspresyon na nagdudulot ng trauma sa mga mag-aaral.

Negatibong persepsyon at hindi makatwirang pag-iisip

Ang pagbibigay ng hindi makatwirang pag-iisip sapagkat ang isang tao ay kabilang sa isang grupo o
pangkat ay pangit na katangian ng isang guro.

Paglikha ng takot sa asignatura


Masaya ang guro at pakiramdam niya na magaling siyang guro kapag kalahati sa klase niya ang
bumagsak.

Vous aimerez peut-être aussi