Vous êtes sur la page 1sur 4

Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo.

Magaling siyang
tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang
kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na
mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native
Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day.

Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng


Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang
pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging
isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y 20 taong gulang
pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din
siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.

Si Levi Celerio (1910-2002), isang lirisista at kompositor, ay Pambansang Alagad ng


Sining sa Musika nang Pilipinas. Bilang isang kompositor, nakasulat siya ng higit sa 4000 na mga awit sa
Tagalog. Ang ilan sa mga ito ay salin mula sa mga banyagang kanta o mga bernakular
na awit, ngunit ang karamihan dito ay kanyang mga orihinal na obra.

Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang
natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang
ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega.

Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na


siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito
ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991.

Sa larong tennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa


isa sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto.

Dating nabansagang “Ballerina of the People”, kilala si Lisa Macuja-Elizalde bilang


isang tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama sa mga
patimpalak na ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang ballerina at
artist ang Order of International Friendship (na ginawad ni Russian President
Vladimir Putin noong 2001), Ten Outstanding Young Persons of the World (1997), at
ang Special Prize for Artistry by the House of Diaghilev (1992)

Nagsimulang naging makulay ang daigdig ni Leonardo Sarao nang siya ay 12 taong
gulang. Sa murang gulang, huminto siya ng pag-aaral upang makatulong sa kanyang
mga magulang. Siya ang panganay sa walong magkakapatid. Siya ang naging kutsero
at panday sa isang talyer. Nang lumaon ay nagsanay siya sa paggawa ng katawan ng dyipni. Sa simula,
lima lamang ang kanyang manggagawa sa talyer, ngunit ngayon, umaabot na sa 400 ang kanyang mga
manggagawa. Noong una, isang dyipni lamang ang nagagawa sa isang araw. Sa ngayon, apat na yunit na
ang natatapos nila.Bukod sa Sarao Motors, si Leonardo Sarao ay pangulo ng Liberation Transportation
Corp. Sarao Development Corp; Las Pinas Lending Corp. at Sarao Broadcasting Network DWTM 89.9.

Si Lea Salonga-Chien (ipinanganak Pebrero 22, 1971) ay isang Pilipinang mang-aawit at aktres na naging
bantog dahil sa kanyang pagganap sa musikal na Miss Saigon, kung saan siya ay nagwagi ng Olivier, Tony,
Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Awards, ang kauna-unahang nanalo sa iba’t ibang
international awards para sa iisang pagganap.

Si Nora “Guy” Aunor (ipinanganak bilang Maria Leonora Teresa Cabaltera Aunor noong 21 Mayo 1953)
[1] ay isang mang-aawit na Pilipino, artista at producer na tinaguriang Superstar.
Naging artista din siya sa maraming palabas sa entablado sa telebisyon at mga concert.
Siya ang unang artistang babae na nagwagi ng International Best Actress Award sa
Cairo International Film Festival para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story” Siya
ay ang nag-iisang artistang babae ng pelikula na napabilang sa 100 Centennial Honor
for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the Philippines noong 1999. Naging
asawa niya si Christopher de Leon at dalawang beses pang ikinasal ngunit sa kalunan,
naghiwalay ang dalawa.

Takdang Aralin
sa
Edukasyon sa Pagpapakatao
(E.S.P)

Ipinasa ni :

Allysa Nicole G. Alegado

VI - Diosdado Macapagal

Vous aimerez peut-être aussi