Vous êtes sur la page 1sur 1

Puno:

Ang mga punongkahoy na bagong tanim ay nangangailangan ng tubig sa tag‐araw. Ang tubig ay dapat
laging dinidilig nang marahan.

Minsan o dalawang beses bawa’t linggo, gumamit ng garden hose na naka‐set sa mabagal na tulo nang
30 minuto. Upang subukan ang tamang pagdilig, hukayin ang lupa ng 2 pulgada magmula sa balat ng
lupa. Ang lupang ito ay dapat medyo basa, nguni’t hindi talagang basa.

Putulan ang mga bagong punongkahoy upang bumuo ng malakas na istraktura at upang tanggalin ang
patay, sira, maysakit, nagkabagtas‐ bagtas, at kumikiskis na mga sanga. Gagawin nitong mas ligtas at
mas malusog ang inyong punongkahoy kapag ito’y mas matanda na.

Huwag putulin ang tuktok ng punongkahoy! Ito ay magiging sanhi ng pagkawala ng tatag at kaligtasan ng
punongkahoy. Ang pagpuputol ng tuktok ay hindi uubra sa pagpapanatiling maliit ang inyong
punongkahoy, at ang pangangalaga nito ay magiging mas mahirap at magastos.

Maaring ikuwadro ng punongkahoy ang inyong tanawin at nakakadagdag sa kanyang kagandahan. Ang
matinding pagpuputol ay magiging sanhi ng mabilis na pagtubo at paglago nito, at maaring ikamamatay
ng punongkahoy sa bandang huli.

Ang tubig ay mahalaga para sa lahat ng punongkahoy kapag mainit. Kahit magugulang
na punongkahoy ay maaring mangangailangang tubigan nang mabuti minsan o dalawang beses
sa isang buwan sa mainit na katigangan. Tubigan ng marahan at kung saan ang mga ugat—hindi
sa katawan.

Tanggalin ang mga nanlulusob na tanim. Ang English ivy ay isang damong tumutubo paakyat
sa punongkahoy at maaring ikamamatay nito. Tanggalin ang ivy o putulin ang ivy nang pabilog
sa palibot ng pundasyon ng punongkahoy.

Tubig:

Magtipid ng tubig. Isara ang gripo kapag hindi ginagamit.


Huwag gumamit ng dinamita o lason sa pangingisda.
Gumamit ng lambat na may katamtamang laki lamang ang butas sa pangingisda
Ayusin o palitan agad ang sirang gripo.
Itapon ang mga basura sa mga daluyan ng tubig
Huwag isumbong ang mga pabrikang nagtatapon ng nakakalasong kemikal sa dagat at ilog.
Magtapon ng plastik, langis, at dumi ng hayop at tao sa ilog at dagat.
Sirain ang mga korales, bakawan at mga halamang-dagat.

Hayop:
1. Sapat at Masustansiyang pagkain.
2. May malinis na tubig
3. Pagbibigay ng nararapat na gamot at bitamina.
4. May Maayos at Ligtas na Tirahan
a. Ang kulungan ay dapat na nakaangat sa lupa.
b. Nasisikatan ng araw.
c. May lilim na panangga sa sobrang init at ulan.
d. May preskong simoy ng hangin.

Vous aimerez peut-être aussi