Vous êtes sur la page 1sur 33

Aralin 3.

2: Ang Broadcast Media: Mekanismo


ng Pagbabago at Pag-unlad ng
Kulturang Pilipino

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong:


Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan
sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula
noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na
ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.

Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang paboritong
awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo mula sa PAGASA?
Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang malaman ang mga kaabang-
abang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y malaman ang mahahalagang balita
sa nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang broadcast media.

Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap


ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at telebisyon sa pagpapaigting ng
kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa? Ang kasagutan sa
mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa pamamagitan ng mga gawain sa araling ito.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito


Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa:

Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

A. Panitikan: Komentaryong Panradyo/


Dokumentaryong Pantelebisyon

B. Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s


Konsepto
ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong
Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal
III. Mga Inaasahang Kasanayan
Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa
araling ito:
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Aralin Pag-unawa sa Napakinggan
Broadcast Media Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood
mekanismo  Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at
Ng personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig
Pagbabago  Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha
At (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng
Pag-unlad nagsasalita at ng nakikinig/nanonood
Ng  Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling
Kulturang interes ng nagsasalita
Pilipino  Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa
teksto o diskursong napakinggan/napanood
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang napakinggang mga
pahayag, mensahe at teksto

Pag-unawa sa Binasa
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto
sa pamamagitan ng pagkilala sa:
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
  Napagsasama-sama ang magkakasalungat na mga ideya
 Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak
na bahagi nito

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring


pagbasa sa teksto
 Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng:

- paksa/tema
- layon
- gamit ng mga salita

Pagsasalita
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/pag-
aatubili/pasubali

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin

Pagsulat
Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng
isang dokumentaryong panradyo
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon
  Nakabubuo ng maayos na balangkas
 Nababanggit nang wasto ang may akda, personalidad,
organisasyong nagbibigay kredibilidad sa mga
 kaisipang ipinapahayag
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto
 ng pananaw
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala
ng kaugnayang lohikal
Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal
na Filipino pasalita man o pasulat

Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon

Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at


kredibilidad

Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa


hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon

Pananaliksik
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang
pinagkukunang sanggunian

Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa


isinagawang pananaliksik

Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian


sa aklatan/internet

IV. Konseptuwal na Balangkas

Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito

Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago


at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino

RADYO TELEBISYON

Panitikan: Panitikan:
Komentaryong Dokumentaryong
Panradyo Pantelebisyon
Wika: Wika:
Mga Ekspresyong Mga Ekspresyong
Nagpapakilala ng Nagpapakilala ng
Konsepto ng Pananaw Kaugnayang Lohikal

Dokumentaryong Panradyo/
Dokumentaryong Pantelebisyon
Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan na natin
ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman!
V. Panimulang Pagtataya
Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong
malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa
pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos upang maibigay
ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat
bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili.

2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa


katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.

3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan


man o sa nayon.

4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami.

5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon.

T E L E B I S Y O N M V

L M N H I E A Y O A U M

E J O S H I D I E T S U

L I R A B A L I T A I S

E C A C R I S T Y S K A

O M A R I C A R R O A K

D O K U M E N T A R Y O

Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Nais


kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa
patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara na!
VI. Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung


oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast
media.

GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko!

Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas,


at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang
programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo pinanonood o
pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit.

Paboritong Palabas sa Telebisyon:


_________________________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:


_________________________________
_________________________________
_________________________________

Paboritong programa sa
Radyo:
___________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:


____________________
___________________

Mula sa gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang


pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang
ating kultura at panitikan? Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa
pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating
lipunan?
GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan!

Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating
tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais
mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang
huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang
mga kaisipang iyong natutuhan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Broadcast Media: Mekanismo ng


Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang

Ano ang Ano ang NAIS kong Paano ko ito Ano ang aking
MATUTUTUHAN? NATUTUHAN?
ALAM MALAMAN?
ko na?

Talaga namang mayroon kang pagnanais na matuto! Binabati kita!


Ipagpatuloy mo ang ganyang gawi upang ikaw ay magtagumpay! Sa katapusan ng
araling ito, inaasahang makikibahagi ka sa paglikha ng iskrip ng isang
komentaryong panradyo o kaya naman sa paglikha ng isang dokumentaryong
pantelebisyon. Huwag kang mag-alala. Matututuhan mo ang iba’t ibang mahalagang
kaalaman upang maging handa ka sa pagsasagawa ng mga gawaing ito.

Paunlarin

Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin


ang radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na
naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas
malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang gampanin ng
radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.
GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit
ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa
gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong
sagutang papel. Gayahin ang pormat.

nagpapahatid ng
mga panawagan
naghahatid ng
musika
nagpapalabas ng
pelikula

nagpalabas ng
variety show
nagpapalabas
ng teledrama

nagpapakilala ng
isang produkto

nakikinig ng
naghahatid ng mga mga awit
talakayan/pulso ng bayan

nagbibigay ng
naghahatid ng
opinyon kaugnay
napapanahong
ng isang paksa
balita

Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong nakuha! Ipagpatuloy mo ang iyong sigla
sa pagsagot! Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa
pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano
makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw.
Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo
upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.

Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang
naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap
panitikang popular? Ipaliwanag.

Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon naman nais kong punan mo
ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin
lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.
Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang
anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.

K W H L
Ano ang alam Ano ang nais Paano mo Ano ang iyong
mo na? mong malaman? makikita ang nais natutuhan/
mong naunawaan?
maunawaan?

Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga


komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung
tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill” bilang
pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang
programang panradyo na komentaryo ang lapat.

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.


KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION

BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at
Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay
Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang
mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t
dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong
‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan
sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil
magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative
LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-
Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay


at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Gabay na Tanong

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang
mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon

Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang
nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa
bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena
Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang
hakbang upang makagawa ng isang mahusay at
epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng
isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo

Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa
loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5


http://www.interaksyon.com/article
/42031 /teodoro-l--locsin-jr---why-
theyre-afraid-of-foi

tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630-
s14674/
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-
to-92-3-news-fm-online/

Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo


sa anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na
kuwentuhang media.
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin
mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:
1) Pamagat ng paksang tinalakay;
2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan?


2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga
komentarista?
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG


PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN
  Magsaliksik ng mga impormasyon
 Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa
 mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat
 Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

KUWENTUHANG MEDIA

Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa


okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum
na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at
analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating
bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona.

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina


Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for
communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak
(chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani
Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel
Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz,
dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa


tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at
sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang
kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong
sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks


nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang
dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay
Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa
ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well,
maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para
tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang
Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na


sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o
masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o
sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na
ookupa at manduduro sa atin.

Mga Gabay na Tanong

1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong


iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?

2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang
maging susi sa paglalahad ng mga detalye?

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang


salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?
GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto,


punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel.

Mga
nagpapahayag ng
impormasyon

Mga pahayag ng
mga personalidad

Sariling pananaw

GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng


iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na”konsepto ng
pananaw.”

Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga salitang


tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog.
Gawin sa sagutang papel.
Ugnay-Wika
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang
lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na
Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang


dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala
ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o
paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang


Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/


ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man
ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa
sa lugar na ito.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad
ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng
pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod
na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari


iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip
ka nang husto.
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa
kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal
ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino. GAWAIN
8: RADYOMENTARYONG MAKABAGO

Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling


ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.

K
W
H
L

Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, nais ko naman
na iyong bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa.
Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo ang
mga bagay na iyong natutuhan.

Sa huli, gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang napapanahong


isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at Kalagayan ng Edukasyon sa
Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan.

1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng


iyong sariling pananaw.

2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

Subukin mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip mong


mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa iyong
naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na.
Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay
inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyo
bilang pagbibigay-pugay sa isang “award winning radio broadcaster/
komentarista” na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kanyang ika-60,
kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club.
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

Pamantayan Napakahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula Kabuuang


4 3 2 1 Marka
Masaklaw na Komprehensibo Masaklaw, Makabuluhan at May
paglalahad ng at makabuluhan makabuluhan at napapanahon ang makabuluhan at
napapanahong ang napapanahon ang mga impormasyong napapanahong
impormasyon napapanahong mga inilalahad sa mga
mga impormasyong materyal alinsunod impormasyong
impormasyong inilalahad sa sa paksang inilahad sa
inilalahad sa materyal itinatampok ngunit materyal ukol sa
materyal alinsunod sa may mga detalyeng paksang
alinsunod sa paksang hindi nailahad na itinatampok
paksang itinatampok. higit na ngunit limitado
itinatampok. makatutulong sa ang mga ito.
pagtatanghal

Masining at Natatangi ang Masining at Masining at maingat Masining na


maingat na paggamit ng maingat na na nagamit ang wika ginamit ang wika
paggamit ng wika ng nagamit ang wika ng kabataan sa ng kabataan sa
wika kabataan nang ng kabataan sa karamihan ng karamihan ng
higit pa sa kabuuang pahayag sa pahayag sa
inaasahang pagpapahayag sa nabuong materyal. nabuong
pamamaraan sa nabuong materyal. materyal ngunit
materyal. hindi maingat
ang paggamit.
Mahusay na Tipong Taglay ang lahat Taglay ang mga Naipamalas sa
aspetong propesyonal ang ng kailangang susing elemento sa materyal ang
teknikal pagkakagawa sa elemento sa mabisang pagbuo minimal na antas
materyal dahil sa mabisang pagbuo ng materyal at ng pagtatagpi-
husay ng ng materyal. naipamalas ang tagpi ng
pagtatagpi-tagpi Naipapamalas angkop na teknikal elemento at
ng mga ang kahusayan sa na pagganap. teknikal na
elemento nito. teknikal na pagganap.
pagganap.
Pagkapraktikal Ang mga Malinaw at kapaki- Makabuluhan ang May mga
ng inilahad na pakinabang para karamihan sa rekomendasyong
rekomendasyo rekomendasyon sa lahat ang inilahad na inilahad ngunit
n ay inilahad na rekomendasyon. hindi malinaw
nagmumungkahi rekomendasyon. ang
ng kaisipang inimumungkahin
pangmatagalan g mga kaisipan.
sa kamalayan ng
madla
Kabuuang Marka

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano
nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.

SAGOT:
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________.
Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng iyong
pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast
media. Ngayon naman, ating aalamin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa isa
pang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng


broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng
bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing
kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood
ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga
sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa
mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga
teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng


telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na
anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa
mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng
mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng
dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na
sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra
Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang


gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?

Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging
isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat
galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung
paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa
telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan.

GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas!

Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng


pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo?
Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.
Weekend XXX
Getaway

TV Patrol Talentadong
Pinoy

ART Angel Rated K

Matanglawin TV Patrol

Umagang Kay i - Witness


Ganda

Tween Hearts

Mahusay mong nakilala ang mga larawan, tunay ngang ikaw ay isang
aktibong kabataan at mulat sa kamalayan ng mga pangyayari sa iyong paligid.

GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon

Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang


pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD


GAWAIN 3.2.k: Telembistiga

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod


na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila.

INVESTIGATIVE
STORYLINE S. O. C. O.
DOCUMENTARIES

KRUSADA REEL TIME

REPORTER’S
NOTEBOOK

Alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay detalye sa
mga larawan sa itaas. Oras na upang ipagpatuloy mo ang pag-unawa at pag-aaral
ng araling ito.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?


2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit?
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa?
4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang
malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan.

Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na ikaw ay
nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast media tulad ng
telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa susunod pang mga
gawain. Nais kong bigyang-pansin mo ang bahaging ito ng aralin. Malaki ang
maitutulong nito upang higit mong maunawaan ang kaugnayan ng naunang mga
gawain sa mga susunod pa.
GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang


dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na
matatagpuan sa youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related.Kung wala nama’y
basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim”


ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing
kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang
dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong
pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung

paanong dapat ito’y pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon ng mga


guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng
mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong
sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim
ng kanilang mga landas ay patuloy silang
nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang
kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago


ang aking naunang mga pangarap sa buhay.

Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin


ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan
ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at
maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit
na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng


lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa
akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass
Communication.

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga
bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit
kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit
ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng
mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto
ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan
ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Mga Gabay na tanong:

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang


dokumentaryo?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong


lipunan?

3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam
kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay


maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang
sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang
impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali,
kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan
ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.

Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na maisakatuparan


ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo.
BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT
TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO
NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin


*Kilalanin ang taong kakapanayamin
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
  
Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam
  
Teknik sa Pakikipanayam
 
Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm
  
Teknik sa Pakikipanayam
 
Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG
PANAYAM *Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm
 
Pagkatapos ng Panayam

GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan

Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay
na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa
pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina
nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong
sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon.

Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may


malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?”

MGA PATUNAY
MGA KATANGGAP-
MGA NAUNA NG NALAMAN
NALAMAN AT TANGGAP NA
NANG AT PAGLALAHAT
NATUKLASAN MGA
NALAMAN NATUKLASAN
KONDISYON

GAWAIN 3.2.n: Telementaryo

Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong


napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo
ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________.

2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng


pagkain.

3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________.

4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,


_________________________________________.

5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng


dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim,” __________________________.

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong


napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresiyong
nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon
hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang
lohikal.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


Ugnay-Wika
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o
pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at
resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari.


Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng


relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na
ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto.
(nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman
natuto siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta;


may hinto
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan
at resulta)
natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may

hinto
nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)
natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t


ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat,
dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang
naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman,
dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o


naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang
mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon.
(Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang (pu + layunin + paraan


husto, nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos
ng
Layunin)
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa (paraan + pu + layunin)
ganoo’y matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o


nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa


mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)


nakatapos siya ng kaniyang kurso.

Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito.


Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan


Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o
salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan
nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon +


bunga)

sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon +


bunga)

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat


nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-


ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat
nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag,
sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari
kung isasagawa ang kondisyon.

GAWAIN 3.2.o: Sinematotohanang Kaganapan


Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal,
sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

kaisipan kaisipan

kaisipan

kaisipan kaisipan

kaisipan

Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo


ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan?

2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa?

3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng


mga kaganapan sa iyong lipunan?

Binabati kita, alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at
pagbibigay-detalye sa mga larawan. Oras na upang ang mga natutuhan mo sa mga
gawain sa araling ito ay mabigyan mo ng pagtataya.
GAWAIN 3.2.p: DokPantele
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan.
Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo.

Sitwasyon:

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong

lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng

Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang

Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may

layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa

pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong

itatanghal ay dapat a) gumamit ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga

ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo

ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad

mo.

Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at telebisyon, at


natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa
araling ito. Para makatiyak ako, gawin mong muli ang sumusunod na gawain.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na gawain


upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na
nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat
ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa
mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong
natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung
paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating
araw-araw na pamumuhay.

BROADCAST MEDIA

RADYO TELEBISYON

 pagbibigay ng impormasyon
 pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon
  pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin
 paglalatag ng mga solusyon sa
 mga pangunahing suliranin
 aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na
mga suliranin (serbisyo publiko)

Buuin ang pahayag

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na

pamumuhay

sapagkat____________________________________________

Ilipat
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan
sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi
nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga
kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak
kong matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam
kong nabatid mo rin ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid
ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng
kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at
talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan.

Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay


naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip


para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging
bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan


mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at
komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang
impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o
isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang
mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo –
ang KABOSES.

Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong


Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na
makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang
opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa
KABOSES Station Channel
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong
panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:

  Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba?

  Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot?

  Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad?


 Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad?

Katangiang Pang-Multimedia

Gumamit ng mga Gumamit ng Gumamit ng Di- gumamit ng multimedia


grapiko, video, multimedia upang multimedia upang upang maisagawa ang
tunog, at iba pang maisagawa ang maisagawa ang Presentasyon
multimedia na presentasyon. presentasyon,
makatutulong Sumunod sa batas ngunit may mga
upang higit na kaugnay ng pagkakataong
maging copyright sa nalalayo sa tema.
makabuluhan ang paggamit ng Sumunod sa batas
presentasyon. multimedia kaugnay ng
Sumunod sa batas features. copyright sa
kaugnay ng paggamit ng
copyright sa multimedia
paggamit ng features.
multimedia
features.

Pagiging Malikhain
Ang presentasyon Ang presentasyon Sinubukang Walang ginamit na
ay ginamitan ng ay ginamitan ng gamitan ng kakaibang mga likhang
kakaibang mga kakaibang mga kakaibang mga sining upang mahikayat ang
likhang sining likhang sining likhang sining mga manonood.
upang mahikayat upang mahikayat upang mahikayat
ang mga ang mga ang mga
manonood, manonood. manonood.
makadaragdag sa
pagpapalabas ng
layunin at tema ng
paksa.

Pagtatanghal
Pinaghandaang Pinaghandaang May mga ilang Di-napaghandaan ang
mabuti ang bawat mabuti ang bawat pagkakataong pagsasalita at pagganap.
linya at malinaw linya at malinaw kinabahan habang
na binigkas ang na binigkas ang nagsasalita.
bawat salita. bawat salita.
Naipakita ang
kabuluhan ng
paksa at tema
nito.
Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at
maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric
na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong
pantelebisyon sa naunang mga gawain.

Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:


Rubrik para sa Multimedia Presentation
Pinakamahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula
4 3 2 1

Nilalaman: Layunin

Ang presentasyon ay Ang presentasyon May tiyak na paksa Di malinaw na


may tiyak na layunin o ay may tiyak na ang presentasyon naipakita ang paksa
tema. Ang lahat ng paksa, at may ngunit ilang bahagi at ang karamihan sa
ipinakita rito ay may kaugnayan ang lamang ang bahagi ay walang
tiyak na kaugnayan sa mga ipinakita rito nagpakita ng malinaw na
layunin at lubhang sa paksa. kaugnayan sa kaugnayan sa tema.
makabuluhan. paksa.

Nilalaman: Kongklusyon

Ginamit ko ang aking Nakapaghinuha Sa tulong ng iba, Di naging madali


natutuhan at mga dati ako nang maayos nakapaghinuha ang paghinuha ko
ng kaalaman upang na kongklusyon akong isang ng kongklusyon.
mailahad ang aking mula sa mga datos magandang
pag-unawa sa mga na nakalap. kongklusyon.
datos na nakalap.

Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa Aralin 3.2.
Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga kaalaman at nalinang na
kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito.
VII. Pangwakas na Pagtataya

Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang
isinasaad.

1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kaniyang


paligid sa pamamagitan ng _____________________________________.
2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo,
______________________________________________________________
___________________.
3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay
___________________________________________________________.
Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na para sa
huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol sa
dokumentaryong pampelikula.

Vous aimerez peut-être aussi