Vous êtes sur la page 1sur 6

Ang Agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad

ngunit ang planong ito ay pinananatiling sikreto. Ang paggawa ng agenda ay


maaaring sinasabi lamang sa bawat miyembro ng grupo o pwede rin namang
gumawa ng balangkas.

Ang mga halimbawa ng agenda ay:


*Pagpaplano ng isang kompanya na mapaunlad ang kanilang negosyo.
*Pagpaplano ng isang eskwelahan kung paano dadami ang estudyante.
*pagpaplano ng isang grupo ng estudyante kung paano tatapusin ang kanilang
pananaliksik.
*Pagpaplano ng isang pamilya kung paano uunlad ang kanilang buhay.
*Pagpaplano ng isang grupo ng kabataan kung paano ang mangyayari sa
gaganaping pagkikita.

Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang


pagpupulong. Maaaring magpulong para magplano (planning), magbigay
impormasyon (information dissemination), kumonsulta (ask for advice),
maglutas ng problema (solve problems) o magtasa (evaluate).

Adyenda ng Pagpupulong
Lokasyon: Mababang Paaralan ng Malabon
Petsa: Ika-27 ng Oktubre taong 2017
Oras: 3:00 n.h.
Tagapangasiwa: Punong Guro Letty Pascual

I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng Dumalo
III. Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda

1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween


a) Skedyul ng klase
b) Balangkas ng programa
c) Listahan ng mga magpeperform
2. Pagpaplano sa pagdiriwang ng Pasko
a) Palamuti sa eskwelahan
b) Petsa ng Christmas Party
IV. Karagdagang Impormasyon
V. Pangwakas na Salita
Replektibong Sanaysay
Para sa isang estudyante napakahirap na
mag-aral ng iba’t ibang paksa sa isang semestre
ngunit kahit na ganoon alam ko na pursigido ang
bawat estudyante na matutunan ang itinuturo sa
kanila ng kanilang mga guro dahil alam nila
na makakatulong ito para sa kanilang kinabukasan.

Ang Pagsulat ay isang uri ng sining, dito natin


makikita kung ano nga ba ang nais ipahatid at ipasabi ng isang may-akda sa
ibang tao. Napakalaking tulong ng pagsulat lalo na sa pang-akademiko dahil ito ang
magiging tulay mo para mapatunayan na tama ang iyong sinasabi at mapanindigan
mo ang iyong sinusulat.

Katulad na lang halimbawa ng Bionote, isa itong uri ng akademikong sulatin na


kung saan makikita natin ang mga karangalan na natanggap ng isang tao sa buong
buhay niya. At pati na rin ang Memorandum, dito sa sulatin na toh natutunan ko na
ginagamit ito upang malaman ng isang tao kung ano nga ba ang pwedeng talakayin at
mangyari sa isang pagpupulong na magaganap. Ang akademikong sulatin ay may iba’t
ibang katangian batay na rin sa uri ng sulatin na iyong ginagawa at ang madalas na
nagagamit sa akademikong sulatin ay ang Obhetibo, Pormal,
Maliwanag at Orginasado, May paninindigan at Pananagutan .

Isa sa mga nagustuhan ko sa akademikong sulatin ay ang Posisyong Papel ,


dahil dito makikita natin na kailangan ay puro tama ang iyong sinasabi na kailangang
tanggapin ng nakararami at higit sa lahat ay mabigyang katarungan ang mga opinyon
mo sa ibang tao.Ang Akademikong Sulatin ay isang uri ng sulatin na kung saan
naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon mapa-personal man o
pang-akademiko ito.

Ang Pictorial Essay naman ay isang uri ng sulatin na kung saan dito makikita no
ang maraming mga larawan kaysa sa mga salita. Para sa akin malaki ang naitutulong
ng pictorial essay sa atin dahil sa pamamagitan nito maaari kang makagawa ng isang
paksa na kung saan pwede mo itong idepende sa nangyayari sa tunay na buhay. At
kahit marami ang larawan sa sulatin na ito ay may malaking tulong ito upang ipabatid
sa nakararami ang gusto mong sabihin at iparating ang larawan na iyong ginamit ang
siyang magiging tulay o sagot sa tanong na naiisip ng nagbabasa ng iyong paksang
sinulat.

Ang Lakbay Sanaysay naman ay isang uri ng sulatin upang maitala ng isang tao
ang kanyang mga naranasan sa paglalakbay. Dito ay may kailangang sundin na
hakbang upang hindi ka magkamali at mahirapan sa iyong gagawin na sulatin, sa
sulatin na ito ay may pinakaimportante ka dapat na malaman at ito ay kung ano nga
ba ang naging REALISASYON mo sa iyong paglalakbay.

Ngunit kahit ano mang uri ito ng pagsulat ang pinakaimportante ay


ang natutunan mo sa bawat sulatin na iyong ginagawa, kahit puro pagmamahal lang o
puro pang akademiko ang nakasulat diyan ang mahalaga ay ang nilalaman nito at ang
gusto mong sabihin sa ibang tao. Ang pagsulat ay nakakatulong sa lahat ng aspeto at
sa lahat ng tao dahil ito ang nagiging daan mo para malaman mo ang iba pang
impormasyon na dapat mong malaman. Kaya huwag nating baliwalain ang pagsulat
dahil may malaking tulong ito sa ating lahat.
LAKBAY SANAYSAY : Baguio Trip
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta
sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin.
Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang
tinatangkilik ng mga turista, mapadayuhan
man na galing ibang bansa o yung mga taong
doon na mismo sa lugar na yon lumaki at nagkaisip. Hindi ko ginagawa ito
upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung
saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon.

At bakit nga ba ito tinatangkilik at dinadayo ng


mga turista. Masayamg gawin ito pag kasama mo ang
mga mahal mo sa buhay lalong lalo na
ang PAMILYA. Dahil ang pamilya ay isang
pinakamahalaga at magandang regalo sa atin ng
Panginoong Hesukristo, ang pamilya ang siyang

masasandalan mo sa oras na ikaw ay may


problema.

Isa sa napuntahan ko kasama ang aking


pamilya ay ang lugar na Baguio. Ang Baguio ay isa
sa mga sikat na lugar dito sa Pilipinas lalong lalo
na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer
Capital of the Philippines hindi dahil mainit dito
ngunit dahil napakalamig dito lalong lalo na kapag
bumagsak ang temperatura dito kapag sumasapit na ang kapaskuhan. Talaga
namang dinadayo ito ng maramimg tao dahil para sa kanila dito masarap
ipagdiwang ang KAPASKUHAN kasama ang iyong mga mahal sa buhay.

Ngunit hindi namin ito pinuntahan noong


panahon ng kapaskuhan bagkus noong unang
araw ng Enero taong 2015. Dahil pagkatapos
naming ipagdiwang ang BAGONG TAON ay
nagsimula na kaming gumayak mula Pampanga
hanggang sa makarating kami sa Baguio. Pumunta
kami doon dahil doon nais ng aking pinsan na
ipagdiwang ang kanyang ikapitong kaarawan. At
dahil FIRST TIME naming magpipinsan na pumunta doon kung kaya’t mas
lalo kaming naexcite na makarating na doon.

Isa sa mga pinuntahan namin sa Baguio ay


ang Burnham Park na kung saan dito kamI gumala
ng ilang oras, dito sa lugar na ito ay matatagpuan
ang isang Dancing Fountain at isang parang ilog na
kung saan pwede kang mamangka at maglibot –
libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay
angBotanical Garden, dito sa lugar na ito ay may mga matatandang Igorot na
kung saan pwede ka sa kanilang magpakuha ng litrato na kasama sila. Dito mo
makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang
kanilang pananamit. At nagpunta rin kami sa Mines View ,ngunit kahit malayo
at maraming tao doon at WORTH IT naman dahil maganda at talaga namang
nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng view na iyong nakikita.

At ang huli naming pinuntahan sa Baguio, at


ang huling araw na rin namin doon ay
ang Strawberry Farm. Dito mo matitikman ang
masasarap na strawberry na tinatawag din
na Preyas. Sa loob ng tatlong araw namin sa
Baguio ay marami akong nalaman sa lugar na
iyonat dito ko rin nalaman kung bakit nga ito
tinatangkilik ng mga turista.

REALISASYON :

Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong


kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa
inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na
masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong
kakalimutan ang iyong Pamilya dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat
ng problemang iyong kahaharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi
pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding hindi ka
pa rin nila pababayaan at kakalimutan bagkus ay mamahalin ka pa nila ng
lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa
mga Biyayang ating natanggap galing sa kanya.
PICTORIAL ESSAY : Hakbang Tungo sa PAGBABAGO
Kung iisipin may isang KATOTOHANAN na hindi
natin napapansin na ang lahat ay nagsisimula sa isang
munting hakbang. HAKBANG na kung saan ang iyong
mga sariling mga paa ang siyang magdadala tungo sa
iyong kinabukasan. Kung saan ito ang magiging daan
mo para ikaw ay magbabago. At kapag ikaw ay natuto
ng humakbang at makapaglakad, ikaw na mismo ang
gagawa ng iyong kapalaran. Ang pagbabago o
hakbang na tinatawag katulad lang yan ng paglalakad, kailangan mo
munang matutong humakbang at nasa sa iyo na kung nanaisin mong
matutong magbago o hindi .

Sabi nga nila kapag natuto na tayong maglakad,


tayo na mismo ang gumagawa ng
sariling KAPALARAN natin. Tayo ay nangangarap na
ng mataas, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang
makamtan ang kanilang pangarap katulad na lang ng
mga taong nasa lansangan. Sila ay ang mga taong
alam mong malabong makamiy ang kanilang
pangarap dahil wala silang pera, kung kaya’t natuto
silang magnakaw ng mga gamit na hindi kanila. Makikita mo na walang
pake ang kanilang mga magulang dahil sila pa mismo ang naguutos na
gumawa ng masama. Kahit gusto nilang magbago wala silang magawa.

Ngunit saan nga ba nagsisimula


ang PAGBABAGO ? Sabi nila ang pagbabago ay
nagsisimula sa bahay, dahil ang bahay ay
nagbabago depende kung ano ang gustong disenyo
ng isang may – ari. Dahil pwedeng kapag walang
pagbabago sa loob ng bahay maaari ring wala na
ring pagbabago sa ating bansa. Dahil dito mo
makikita na sa loob ng bahay na ito ay ang iba’t ibang KLASE ng tao.
Nakadepende sa iyo kung ikaw ay magbabago walang pakialam ang ibang
tao kung magbago ka man o hindi at hindi sila ang dahilan kung bakiy ka
magbabago, kagustuhan mo ito at hindi nila. At kapag walang pagbabago
maaaring madala nila ang ugaling nakikita nila sa loob ng bahay kapag sila
ay nasa labas ng bahay na at nakikisalamuha sa ibang tao.

At isa sa dahilan ng pagbabago ay


ang PAMILYA , dahil sila ang lagi mong
nakakasalamuha araw – araw kung kaya’t kung
ano ang nakikita natain sa kanila ay maaaring
madala natin ito hanggang paglaki mo. Ang
pagbabago ay makikita natin sa
ating MAGULANG dahil sila ang unang nakaranas
ng pagbabago, kung kaya’t alam nila kung
magiging maganda ba ang ating pagbabago o hindi. Katulad na lang
halimbawa ng pagkuha ng mga bagay na hindi sa atin. Dahil nakalakihan
na natin ito kung kaya’t mahihirapan na tayong magbago dahil nasanay na
tayong ganito ang ating ginagawa.

Kung kaya’t ang mga batang basa


lansangan na nakagawa ng masama ay
dinadala sa DSWD, upang sila ay tulungan
makapagbago at maitama ang maling
kanilang nagawa. Ang mga nangangasiwa
sa DSWD ang pwedeng maging ehemplo ng
mga kabataan na nandoon upang magbago
ang mga ito. Sila ay HANDANG tumulong sa
mga batang nakagawana ng mga kasalanan
basta’t may handang tumulong sa kanila na magbago ay maaari silang
magbago dahil alam nilang ito ang nararapat lalo na kung ito ay para sa
pagbabago.

At kapag sila ay nakapagbago na,


maaaring matupad na nila ang kanilang
pangarap. At maaari ring makapasok na sila
sa paaralan para sila ay matuto kung ano ang
tama at paano ba sila matututo, ito ang
magiging simula ng kanilang Panibagong
Buhay dahil alam na nila na tama na ang
kanilang ginagawa at pwede na silang
mangarap ng mataas dahil sila ay nakapagbago na kung saan nagsimula sa
pagiging palaboy at magnanakaw nagtapos sa mabuting bata at ngayon ay
nag – aaral na upang makapagtapos hanggang kolehiyo.

At kapag nakapagbago na
ang ISANG bata , maaari na silang
maging malaya katulad ng
isang IBONG MALAYA. At ang batang
masayang naglalakad patungo sa
paaralan dahil alam nila
na NAKAMTAN na nila ang gusto nila
at ito ay pagbabago. Walang masama
kung ikaw ay magbago lalo na kung ito
ay para sa KABUTIHAN .

Vous aimerez peut-être aussi