Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang Mabuting Samaritano

May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga
tulisan, kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan
doon ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihs at nagpatuloy sa
kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng
kanyamg lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doo. Nakita niya ang
hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian.
Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan
doon. Kinabukasan, dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan
at sinabi,

"Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking
pagbabalik."

MENSAHE:

Sino nga ba abg tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa? Ito ang katanungan sinagot ng
Panginoong Hesus sa pamamagitan ng parabulang ito . At maliwanag ang kasagutan. Ang tunay na
nagmamahal sa kanyang kapwa ay yaong gumagawa ng kabutihan ditto. Gumagawa ng kabutihan
ngunit hindi umaasa ng anumang kapalit. Ipinakita rin sa parabulang ito na hindi basehan ng
pagiging maka-Diyos ang relihiyon at anyo. Nasa gawa ang tunay na pananampalataya, at ang
pinakamabisang paraan upang maipahiwatig ito ay sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa iyomg
kapwa.

Vous aimerez peut-être aussi