Vous êtes sur la page 1sur 3

Aralin 9 Pag-aani at Pagsasapamilihan ng mga Produto

Pag-aani at pagbibili ng Produkto

Sa pag-aani ng mga gulay,mahalagang isaisip ang kasabihang “Iwasan ang


pag-aaksaya.” Maiiwasan ito kung magiging maagap sa pagganap ng tungkuling ang
mga taong mag-aani.

1. Pagpangkat-pangkatin ang mga produkto sa pare-parehong katangian tulad ng


hugis, laki, at kagulangan.
2. Ang mga bungang inani ay dapat na maipagbili sa lalong madaling panahon
upang mapanatili ang kasariwaan nito.
3. Mag-ani sa bandang hapon o madaling-araw upang hindi malanta ang mga gulay.
4. Iwansang masira ang mga halaman. Huwag isasama ang sobra sa pakakahinog.
5. Iwasang malamog ang mga bungang-gulay upang tumagal ang pakinabang.
Ihiwalay ang mga inaning bulok, may galos o pasa, at sirang bunga sa mga puno.
6. Ang mga bungang-ugat ay dapat linisin muna ng tubig o basang basahan.
7. Pagbukurin ang mga bungang-kahoy na hinog at hilaw.
8. Ang malalambot at madaling mapisang bunga ay ilagay sa gawing ibabaw at ang
matitigas naman, sa gawung ilalim.
9. Tiyaking nahahanginan at ligtas sa mga insekto ang mga gulay at bungang-uat.
10. Talian ang mahahabang halaman-gulay tulad ng sitaw.

Plano ng Pagsasapamilihan ng mga Anin Gulay

A. Pagpapakete
Ang maayos na paglalagay sa lalagyan ng inanin gulay ay kailangan
bantayan. Nakaaakit sa mga mata n mga mamimili kung maganda o kakaiba ang
mga sisidlan ng mga ibebentang gulay.

B. Pagtatakda ng Presyo
Pag-aralan ang kasalukuyang kalakaran o halaga ng mga ipinagbibiling
produkto. Tiyakin hindi nalalayo an presyo sa napapanahong halaga ng mga
gulay.
C. Pagsasaayos ng Paninda
Pagbukurin ang mga bungangkahoy na hinog at hilaw. Gayundin sa ma
inaning gulay. Iwasang malamog ang mga bungang gulay upang tumagal ang
pakinabang at ihiwalay ang mga inaning may bulok at ira sa mga buto.

D. Paraan ng Pagtitinda
Ang kita mula sa mga inaning gulay ay napakalaking tulong para sa gastusin
ng mag-anak.

May iba’t ibang paraan ng pagtitinda:

1. Pakyawan na Pagtitinda
Maramihan ang pagbibii nang pakyawan.

2. Tingian na Pagtitinda
Sa pamamaraang tingian, pakaunti-unti ang pagtitinda sa mga
mamimili.

E. Pang-akit sa Mamimili
Ang issang matagumpay sa kanyang hanapbuhay lalo na sa pagtitinda ng
mga produktong gulay ay kailangan may taglay na mabubuting gawi at
pag-uugali sagawain.

Narito ang ilang pamamaraang pang-akit sa mamimili:


1. Iayos ang mga paninda ayon sa uri nito.
2. Ang lahat ng ipinagbibiling produkto ay may mataas na kalidad.
3. Maging tapat sa mga mamimili. Gumamit ng maayos na timbangan o
weighing scale upang tugma ang timbang ng bibilhing produkto.
4. Ang pagiging magalang sa mga mamimili ay isang paraan na maakit na
bumili ng kanyang mga paninda.

Vous aimerez peut-être aussi