Vous êtes sur la page 1sur 3

Araling Panlipunan Practice Test

I – Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.

1. Kailangan ng tao ang pagkain upang ang kanilang mga katawan ay maging
malakas at malusog.
2. Pagkain tulad ng junk food ang dapat kainan dahil mas masustansya ito.

3. Ang pag-inom ng gatas ay nagpapalakas din ng katawan.


4. Mahalaga sa tao na ang kasuotan ay naaayon sa panahon.
5. Kapag mainit ang panahon dapat ang kasuotan ay kumportable sa
katawan.
6. Magsuot ng sando at short tuwing malamig ang panahon.
7. Hindi kailangan marangya ang tirahan, dapat lang na ito ay maayos at ligtas
para sa naninirahan.
8. Iniaangkop ng tao ang kanilang tirahan sa panahon.
9. Akmang tirahan ang bahay na bato sa mga lugar na madalas daanan ng
bagyo.
10. Mga bahay kubo ang nararapat ng tirahan sa lungsod.
11. Ang pagtulog sa tamang oras at pagkakaroon ng malinis na kapaligiran
ang kailangan upang mapangalagaan ang kalusugan.
12. Hindi nakakatulong sa pamayanan ang pag-aaral ng mga bata.
13. Ang pagkakaroon ng hanapbuhay ng bawat kasapi sa pamilya ay sagisag
ng pagtutulungan para matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
14. Kailangan ng isang tao ng libangan upang maalis ang pagod mula sa
buong araw na pagtratrabaho o pag-aaral.
15. Magiging panatag ang kalooban ng mga tao sa pamayanan kung ito ay
maayos, malinis at ligtas sa kapahamakan.

II – Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Sapatero Guro Mangingisda


Doktor at Nars Magsasaka Mananahi
Karpintero Pulis at Barangay Tanod Tsuper
Pandero Kaminero at Basurero Manggagawa sa Pabrika
Tubero Modista Sastre

1. Katulong natin sa pagkakaroon ng tubig sa ating bahay at mga gusali


sapagkat siya ang nag-aayos ng mga sirang tubo ng tubig.
2. Sila ang tumutulong upang mapanatiling malinis at maayos ang
pamayanan.
Araling Panlipunan Practice Test

3. Sila ang gumagawa ng iba’t ibang uri ng tinapay.

4. Nagtutustos sa atin ng mga produktong pagkain at damit.

5. Sila ang naghahatid sa atin sa mga lugar na gusto nating puntahan.

6. Sila ang tumutulong sa paggawa ng mga bahay at malalaking gusali.

7. Sila ang gumagamot at nag-aalaga sa atin kapag tayo ay my sakit.

8. Sila ang nagpapanatili ng katahimikan at kaasyusan ng pamayanan.

9. Sila ang nagtuturo sa atin ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta at


kagandahang asal.

10. Sila ang gumagawa ng ating mga kasuotan.

11. Ang tawag sa mga mananahi na gumagawa ng damit ng babae.

12. Ang tawag sa mga mananahi na gumagawa ng damit ng lalaki.

13. Sila ang gumagawa ng mga pangangailangan natin sa pansapin sa


paa.
14. Sila ang tumutugon sa pangangailangan natinsa pagkain tulad ng
palay, gulay at prutas.
15. Sila rin ang tumutugon sa ating pangangailangan sa pagkain na pang-
ulam.

III – Bilugan ang tamang sagot

1. Ito ang tumutukoy sa gawain ng tao na tumutugon sa mga pangangailangan niya sa araw-araw.
a. pamayanan b. hanapbuhay c. lokasyon
2. Ito ay isang hanapbuhay na nagpapatubo ng mga pananim at pag-aalaga ng mga hayop.
a. pagsasaka b.pangingisda c.hanapbuhay
Ang pagsasaka ay nababagay sa mga pamayanang matatagpuan sa kapatagan, lambak at
3.
________________.
a. dagat b. bundok c. talampas
4. Ito ang karaniwang itinatanim sa malaking bahagi ng kapatagan.
a. mais b. bigas c. palay
5. Ito ay bahagi ng pagsasaka na ginagawa sa lupa bago tamnan.
a. pagtabas ng damo b. pag-aararo c. pagdidilig ng lupa
6. Ang katulong ng magsasaka sa pag-aararo.
a. kabayo b. aso c. kalabaw
Araling Panlipunan Practice Test

7. Saan mainam magtanin ng repolyo, petsay, letsugas, strawberry at broccoli?


a. Benguet b. Nueva Ecija c. Pangasinan
8. Ang tabako ay mainam na itanim sa _____________ kung saan katamtaman ang init.
a. Tarlac b. Baguio c. Ilocos
9. Ito ay tumutukoy sa paghuli at pag-aalaga ng isda at iba pang yamang-tubig.
a. pangingisda b. pagtotroso c. pagsasaka
10. Ito ay tumutukoy sa pagpuputol ng matanda nang punong-kahoy.
a. pagtotroso b. pagmimina c. pangingisda
11. Ito ay tumutukoy sa paghuhukay ng mga mineral mula sa ilalim ng lupa.
a. pagmimina b. pagtotroso c. pagsasaka
12. Ito ay tumutukoy sa paglikha ng mga gawaing-kamay mula sa mga hilaw na sangkap.
a. gawaing industriyal b. pagtotrosa c. pagsasaka
Ito ay isang mahusay na hanapbuhay na makadaragdag sa kita ng pamilya sa pamamagitan ng
13.
pagtayo ng isang maliit na tindahan.
a. pagmamanupaktura b. tingiang pagtitinda c. pagluluto ng pagkain
Ito ay isang hanapbuhay na kung saan mapagkikitaan ang pagluluto ng pagkain o pagpapatayo
14.
ng karinderia.
a. pagtitinda b. pagluluto ng pagkain c. pagmamanupaktora
15. Tumutukoy sa pagpoproseso ng hilaw na sangkap upang maging bagong produkto.
a. gawaing industriyal b. pagtitinda c.pagmamanupaktora

Vous aimerez peut-être aussi