Vous êtes sur la page 1sur 6

Diskurso – tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.

Isa rin itong


pormal at sistematikong eksaminasyon ng isang paksa, pasalita man o pasulat. Sa simpleng
salita, ito ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa. Ang diskurso ay
sinonimus o kasingkahulugan ng komunikasyon.

Pasalita at pasulat na diskurso – Sa unang malas, tila iisipin na magkaiba lamang sila sa anyo
o pamamaraan ng pagsasagawa. Maaaring tama ito dahil kapwa mahalaga sa dalawang anyo
ng diskurso ang kakayahang pangwika at kakayahang komunikatibo. Ngunit mapag-iiba ang
dalawa sa kanilang mga kahingian.

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahang tekstwal o abilidad na sumulat


o magsalita nang may organisasyon o kohisyon at ang abilidad na magamit ang wika para sa
manipulasyon, imahinasyon o sa paglilinaw ng ideya at maging sa pagtuturo.
Nangangahulugan ito na ang isang tao ay marunong kung kailan niya dapat sabihin ang isang
bagay o ideya sa isang partikular na tao sa isang angkop na panahon, lugar at pamamaraan.

Ang kakayahang pangwika ay tumutukoy sa kaalaman sa sistema ng wika. Ibig sabihin ay


mahusay sa gramatika ang isang ispiker o manunulat at may kakayahan siyang manipulahin
ang wika upang makamit ang layunin ng diskurso.

Sa pasalitang diskurso, mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit


minsan ay naaapektohan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal
habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.
Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong kausap upang
makamit ang layunin.

Sa pasulat na diskurso, mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang


pangwika upang matiyak na malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang
mensahe dahil maaaring maging iba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa pagsulat,
mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng sulatin o format, uri ng
papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika dahil ito ay nakasulat at mayroong
eidensya ng teksto kaya’t maaaring ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo.

Konteksto ng diskurso – nagbabago ang anyo at pamamaraan ng diskurso maging ang daloy
nito depende sa konteksto ng diskurso. Ang konteksto ay tumutukoy sa oras, espasyo at
maging ang taong kasangkot sa diskurso. Dahil dito, ang konteksto ng diskurso ay nararapat
na pagtuonan din ng pansin dahil maaaring makaapekto ito di lamang sa daloy ng
komunikasyon kundi maging ng kalalabasan nito.

Konteksto ng diskurso:
a. interpersonal – usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa’t isa
b. panggrupo – ang mga kasapi ay may ugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng
isang klase
c. pang-organisasyon – ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad
ng isang kumpanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado
d. pangmasa – sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya
e. interkultural – ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kultural na pangkat
f. pangkasarian – ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng
usapang lalake

Salik na nakakaapekto sa daloy ng diskurso:


1. paksa – ano ang pinag-uusapan; hindi lahat ng paksa ay angkop sa lahat ng konteksto
dahil may paksang pampersonal, pambansa, pangkultura o di kaya ay pambbabae o
panlalake
2. layunin – bawat diskurso ay nagaganap dahil mayroong ninanais ang mga taong sangkot,
dahil dito, iniaangkop nila ang daloy ng diskurso sa pamamaraang magiging daan sa
katuparan ng layunin, maaaring mapabago ang pananaw ng isang tao, makaimpluwensya,
makabenta o iba pa
3. pagsasawika ng ideya – ang isang kaisipan ay maaaring maipahayag sa samu’t saring
pamamaraan dahil na rin sa ang wika ay malikhain at ang taong may kakayahang
pangwika ay maisasagawa ito; kung papaano ipapahayag ang kaisipan ay makakaapekto
sa pagtanggap ng kinakausap.
4. tagatanggap – ang tagahatid at tagatanggap ay 2 magkaibang nilalang na may iba’t ibang
takbo ng pag-iisip; nangangahulugan na kahit na sa pakiramdam ng tagahatid na malinaw
ang mensahe niya, maaaring iba naman ang persepsyon ng tagatanggap kaya mahalagang
isaalang-alang niya ang tagatanggap.

KOMUNIKASYON

- akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan.


- Isang intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo upang
makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal
tungo sa iba.
- Simbolikong gawi ng 2 o higit pang bilang ng partisipant na may katangiang afektiv,
transaksyunal at pagiging isang proseso. Ito ay simboliko (symbolic) dahil napakahalaga
nito sa tao. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa, maraming nangyayari –
napapaunlad ang antas ng ating pamumuhay, naipapasa ang mga mahahalagang kaalaman
sa kapwa at napapanatili ang kaayusan. Ngunit sa kabilang banda, ang komunikasyon ay
maaring maging daan din ng miskomunikasyon. Kailangang may 2 o higit pang bilang
ng kalahok o partisipant. Hindi tao ang tinutukoy kundi kalahok a kasangkot dahil ang
isang tao ay maaaring makipag-usap sa kanyang sarili sa mga panahong tao ay nag-iisip o
di kaya ay gumagawa ng mga desisyon. Ang komunikasyon ay afektiv dahil sa tuwing
tayo ay nakikipag-ugnayan, di maiiwasang maapektohan ang kausap natin sa mga
sinasabi natin. My transaksyon ding nagaganap dahil sa tuwing tayo ay nakikipag-usap,
mayroong palitan na nagaganap. Ang komunikasyon ay isang proseso dahil mayroon
itong simula at wakas o patutunguhan at dapat na nasa tamang ayos o pagkakagawa ang
bawat hakbang upang maging matagumpay.

Uri ng Komunikasyon:
1. Komunikasyong Intrapersonal – ito ay komunikasyong pansarili; dito nakapasok ang pag-
iisip, pag-alala at pagdama; nakapaloob din dito ang mga prosesong nagaganap sa
internal nating katauhan. Nangyayari ito sa mga pagkakataon tulad ng pagkagising natin
at nag-iisip tayo kung ano ang gagawin natin sa araw na iyon. Nagaganap din ito kung
tayo ay nagdedesisyon.
2. Komunikasyong Interpersonal – Ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawang tao, sa pagitan
ng isang tao at maliit na pangkat; ito ang pinakakaraniwang uri ng komunikasyong
nagaganap sa pagitan ng mga tao. Ito ang simulain ng pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng
mga tao. Ito ay nagaganap sa pagitan ng 2 o higit pang bilang nga tao ngunit hindi
gaanong malaki ang bilang. Masasabi pa ring may personal na ugnayan ang mga taong
sangkot kung kaya’t hindi limitado o restricted ang kanilang pakikipag-ugnayan.
3. Komunikasyong Pampubliko – Ito ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at malaking
pangkat tulad ng SONA ng pangulo. Ito ay nararapat na umayon sa mga kahingiang
sosyal kaugnay ng mga malakihang pakikipag-ugnayan. Halimbawa sa SONA, ang mga
taong sangkot ay nakapormal na kasuotan. Ang mga masa na nakikinig ay umaasang
magsasalita ang pangulo sa wikang pambansa kung kaya’t sa wikang Filipino isinulat ng
pangulo ang kanyang talumpati.

Katangian ng Komunikasyon:

1. Isang proseso – mayroon tayong maayos na daloy na sinusunod sa tuwing tao ay


nakikipag-ugnayan halimbawa kung may tatawagan tayo sa telepono, nagsisimula tayo sa
pagbati, kasunod ay ang kamustahan bago pa magsimula ang usapan kaugnay ng dhailan
ng iyong pagtawag at sa pagwawakas, magpapaalam na magsasaad na muling mag-uusap
o do kaya ay magkikita.
2. Dinamiko – hindi pareho sa lahat ng pagkakataon ang nagaganap sa proseso ng
komunikasyon. May mga bagay na nakakaapaekto sa daloy nito tulad ng mg taong
sangkot, lugar na siyang gaganapan ng usapan, oras at dahilan ng komunikasyon.
3. Komplikado – Ito ay masalimuot dahil hindi natin masusukat kung sa papaanong paraan
maaaring tumugon ang ating kausap dahil ang tumatanggap ang siyang magbibigay ng
kahulugan sa mensaheng ating ipinadala. Maaaring pinag-isipan natin nang maigi an
gating sasabihin ngunit nang ito ay iproseso at bigyang kahulugan n gating kausap, iba
ang kanyang interpretasyon. Wala tayong magagawa kundi ang subukang magpaliwanag
hanggang sa magkaunawaan kayo.
4. Mensahe, hindi kahulugan ang naipapadala o natatanggap – Bilang tagahatid, mayroon
tayong kaisipan na nais maiparating sa ating kausap. Pipiliin natin ang salitang sa ating
pananaw ay angkop upang maihatid ang mensahe. Ngunit dapat tandaan na ang receiver
ang siyang magde-decode ng mensahe at hindi natin hawak an kanyang pag-iisip kung
paano niya lalapatan ng kahulugan ito. Ang magagawa na lamang natin ay ipagdasal na
ang mabubuong kahulugan ay ang siyang nais natin.
5. Hindi maiiwasan ang komunikasyon – Sa paggising pa lamang natin sa umaga ay
nakikipag-ugnayan na tayo sa ating sarili at sa kapwa natin. Bawat pagkilos natin ay
kinapapalooban ng komunikasyon. Kung mawawala ang komunikasyon ay tiyak na hindi
uusad ang kabihasnan at maraming mahahalagang kaalama ang masasayang.

** May iba’t ibang modelong nabuo kaugnay ng proseso ng komunikasyon ngunit kung isa-
isang susuriin ang bawat isa, makikita na pareho ang pinahahalagahan ng mga teorya
kaugnay ng buong proseso ng komunikasyon: na ito ay nagaganap sa pagitan ng 2 o higit
pang partisipant, may nagaganap na palitan, may ipinadadala at may natatanggap at sa
pagpapadala at pagtanggap may nagaganap na pag-unawa at pagbibigay ng fidbak.

Sangkap ng Komunikasyon:
1. Tagapagpadala/sender – Siya ang nagpapadala ng mensahe. Siya ang Encoder. Maaari
ring sabihin na dahil sa kanya, magsisimula ang proseso ng komunikasyon.
2. Tagatanggap/receiver – Siya ang tumatanggap ng mensahe at siyang nabibigay ng
kahulugan sa natanggap na mensahe. Siya ang Decoder. Siya ang may control kung
papaano niya bibigyan ng kahulugan ang natanggap na mensahe. Sa pagbigay niya ng
tugon o fidbak, siya ay nagiging tagapagpadala.
3. Mensahe – Ito ang kaisipan na nais iparating ng tagahatid. Ito ang dahilan kung bakit
magtatangkang makipag-ugnayan ang isang tao sa kanyang kapwa.
4. Tsanel o daluyan – Ito ang siyang instrumento upang maiparating ang mensahe, maaaring
ang wika mismo o di kaya ay mga kagamitan tulad ng dyaryo, telepono, telebisyon atbp.
5. Fidbak – Ito ay tumutukoy sa tugon ng mga kasapi sa komunikasyon na siyang dahilan
ng pagpapatuloy ng daloy ng komunikasyon. Kung mapuputol ang fidbk o hihinto,
matatapos na rin ang proseso ng komunikasyon.
6. Pandama – Ito ay tumutukoy sa ating pandama (senses) na siyang responsable sa
pagbibigay ng interpretasyon sa mensaheng natanggap. Halimbawa narining natin,
nakita, nalasahan, nahawakan o naamoy o di kaya ay naramdaman.
7. Koda – Ang koda ay tumutukoy sa ginamit na simbolo upang gawing kongkreto ang
kaisipan ng isang tao, maaaring wika, simbolo, kulay o bagay.
8. Potensyal na sagabal – Dahil sa mga salik na ito, maaaring magkaroon ng suliranin sa
buong daloy ng komunikasyon
a. Semantic – pagpapakahulugan; iba ang pagkakaunawa ng ispiker o tagatanggap sa
kahulugan ng mga salita
b. Pisikal – maingay ang kapaligiran tulad ng mga pampublikong lugar o di kaya ay
medyo may kalayuan ang kausap
c. Pisyolohikal – mahina ang pandinig o maaaring mahina ang paningin kung
nakasulat ang mensahe
d. Sikolohikal – wala sa tamang emosyunal na disposisyon halimbawa masama ang
gising o di kaya ay may problemang dinadala na maaaring makaapekto sa
disposisyon ng isang tao.

Komunikasyon berbal – anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang


simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay; dito nakapaloob ang pagsulat, pagbasa,
pagsasalita at pakikinig. Maaari ring sabihin na lahat ng komunikasyon ay berbal dahil
karaniwang wika ang ginagamit sa pakikipag-usap. At kahit na gumamit man ng mga simbolo o
kulay o bagay o kilos ang isang tao, ito ay may katumbas na kahulugan na nilalapatan ng salita

Pinagmulan ng kahulugan ng salita:


a. Referent – tawag sa bagay o ideya na kinakatawan ng salita; halimbawa PUNO –
yung halaman na matayog, may matigas na katawan, mayabong na sanga at dahon
b. Common reference – parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkot sa
komunikasyon; PUNO – yung halaman
c. Konteksyong berbal – kahulugan ng salita na makukuha batay sa ugnayan ng salita sa
iba pang salita sa loob ng pahayag; Siya ang puno’t dulo ng lahat ng kaguluhan. (ang
ibig sabihin ng puno ay hindi ang halaman kundi siya ang pinagmulan o head)
d. Manner of utterance – paraan ng pagbigkas (paralanguage); halimbawa: Puno (stress
sa 2nd syllable) na ang timba. Puno meaning full)

Komunikasyong di-berbal – inilalantad o ipinahihiwatig ang kalagayang emosyunal ng isang tao;


ito ay tumutulong sa pagbibigay linaw sa kahulugan ng isang mensahe.

Sangkap ng komunikasyong di-berbal:


a. Oras/chronemics – sa literal na antas, tumutukoy ito sa oras at alam nating iba-iba ang
pagpapahalaga ng iba’t ibang kultura sa oras. Halimbawa, mahalaga ang oras sa
mgaAmerikano samantalang sa mga Pinoy, ok lang kung mahuhuli sa usapan. Ang
mga Pinoy ay may kabagalan din kumilos.
b. Espasyo/proxemics – ito ay tumutukoy sa pagbibigay halaga sa espasyo sa pagitan ng
taong kausap kasali na rin ang kaayusan o arrangement. Halimbawa, mayroon tayong
tinatawag na private space na hindi maaring lumapit ang isang tao kung siya ay hindi
gaanong malapit sa atin. Sa kaayusan naman, halimbawa sa hapag-kainan, mayroong
matatawag na permanent seat ang bawat kasapi ng pamilya at ang tatay ay laging nasa
ulunan o head ng mesa.
c. Katawan/kinesics – ang pagkilos ng ating katawan ay mayroong mensaheng
ipinararating. Ang pagkumpas ng kamay, facial expression maging ang ating
pananamit ay mayroong sinasabi.
d. Mata/opthalmics – Sabi nila, ang mata ay bintana sa kaluluwa ng isang tao.
Malalaman kung nagsisinungaling ang isang tao kung siya ay hindi makatingin nang
tuwid. Ang mata ay maraming naipararating na mensahe.
e. Pandama/haptics – Ito ay tumutukoy sa paghawak. Sa mga kapwa lalake, the less
physical contact, the better dahil kung masyadong magkadikit ang dalawang lalake,
paghihinalaan na bakla ang isa sa kanila samantalang s amga babae ay ok lang na
magkahawak ng kamay o magkaakbay. Ngunit kung ang mga lalake naman ay
naglalaro ng basketball, ok lang ang magkadikit ang katawan. Iba rin ang
implikasyon ng salitang hipo, hawakan, haplusin.
f. Simbolo/iconics – Ito ay tumutukoy sa mga bagay na may kinakatawan na mensahe.
Maaaring sa isang kultura ay mayroong pagpapahalaga sa isang simbolo na iba
naman sa ibang kultura o kaya ay sa mga relihiyon at iba pa.
g. Kulay – Ang kulay ay kumakatawan ng iba’t ibang mensahe depende sa paksa.
Maaaring matukoy ang kalagayang emosyunal sa pamamagitan ng mga kulay ng suot,
may sinasabi naman ang kulay ng bulaklak gayundin may mga angkop na kulay para
sa mga sitwayson at okasyon.
h. Paralanguage – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagkakabigkas ng isang pahayag na
maaaring magpaiba ng kahulugan. Maaaring positibo ang salita pero sa paraan ng
pagkakasabi tulad ng tono, intonasyon, haba, bilis, diin, pansamantalang pagtigil,
naiiba ang mensahe. Tulad ng pagiging ironic ng sentence na Maganda ang suot mo.
Pero ang tono naman ay tila nangungutya.
Mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon:

S – etting; saan magaganap ang usapan.


P – articipants; sinu-sino ang mga taong sangkot
E – nds; Ano ang nais na makamtan sa katapusan ng usapan?
A – ct sequence; ano ang daloy ng komunikasyon?
K – eys; ang tono ng pananalita na angkop sa kahingian ng usapan
I – nstrumentalities; ano ang gagamiting wika o sistema ng komunikasyon? Simbolo, bagay o
wika?
N – orms; ano ang mga batas panlipunan na kailangang isaalang-alang sa alloy ng
komunikasyon?
G – enre; ang proseso ng komunikasyon ba ay simpleng kamustahan, kwentuhan, pagtatanong,
pagpapaliwanag at iba pa…

(Binuo ni Dell Hymes ang acronym)

Vous aimerez peut-être aussi