Vous êtes sur la page 1sur 1

Ngiti ang laging ibinubungad na aking ina na nakikibaka sa ibang

bansa at sasabihin ang katagang madalas niyang bigkasin sa aming


magkakapatid “Wag kayong panghihinaan ng loob mga anak lalaban tayo”.
Hirap man sa buhay ay patuloy kaming nangangarap. Pero paano kaya ang
buhay kung nandito ang aking itay? Kaylangan pa kaya ni ina na pumunta
ng ibang bansa at magkahiwahiwalay kami at itigil ang aking pagaaral dahil
hirap sa buhay? Maraming tanong ang umiikot sa aking isipan, pero salamat
kay itay na ginagabayan kami mula sa itaas ay patuloy kaming lumalaban sa
pagsubok ng buhay.

Habang isinusulat ang liham na ito ay nakatanaw ang aking mga mata
sa mga bituing nagnining-ning sa kalangitan at tinatanong ang aking sarili.
Magni-ningning kaya ang aking mga pangarap katulad ng mga bituin o
lalamunin ng kadiliman. Patuloy na bumabagabag ang mga tanong na ito sa
aking isipan. Pagbigyan kaya ng Panginoon ang aking dalangin? Ako nga po
pala si Mary Rose Dazo labing-walong taong gulang pangalwa sa
magkakapatid at sa darating na pasukan ay isa na sana akong mag-aaral ng
kolehiyo. Ngunit sa isang pangyayari ay kinakaylangan kong maghinto ng
pag-aaral. Hirap sa buhay kaya hindi makakayanan ni Ina yang makapag
paaral ng sabay sa kolehiyo ang anak lalo pa at kinakaylangan tutukan ang
aking nakatatandang kapatid dahil malapit na siyang magtapos sa kanyang
kurso at lumalaki na ang gastusin. Ngunit ang pagsuko ay sadyang wala sa
aking bukabularyo, kaya ng minsang marinig ko ang isang magandang balita
mula sa radyo ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik sa sumubok sa isang
paaralan na may libreng matrikula at magandang uri ng pagtuturo Central
Luzon State University. Kaya po ngayon ay sumulat ako sa inyo upang ipahatid
ang aking pagsusumamong pagbibigay pag-asa sa aking mga pangrap.

Vous aimerez peut-être aussi