Vous êtes sur la page 1sur 2

“Ano ang buhay?

Kayo nga’y isang singaw na sa sandaling panahon ay lumitaw


at pagdaka’y napawi.” Santiago 4:14

“ Sapagka’t ang lahat ng laman ay damo, at ang lahat ng kaniyan karangalan ay


gaya ng bulaklak ng damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay
nalalanta.” 1 Pedro 1:4

Ang buhay ay tunay na walang katiyakan, hindi ba? Maraming naghahangad ng


mataas na pinag-aralan, mabuting Gawain, maningning na kinabukasan at
naghahangad din na makamit ang pinakamarangyang bagay na maibibigay ng
sanglibutan; ngunit sa isang iglap ay ang buhay nakitil at nasumpungan niya na siya
at nasa kawalang hanggan.

“Sapagkat ano ang pakikinabangin ng tao kung makamtan niya ang buong
sanlibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay?” Mateo 16:26

Gayon pa ma’y kahit na ang buhay sa lupang ito ay walang katiyakan, nais ng Dios na
ipamahagi sa iyo ang buhayt] na may katiyakan at walang hanggan. Winika Niya sa
atin ang Kaniyang Salita na ang buhay ay tulad ng singaw sapagkat tayo nga’y
nangagkasala laban sa Kaniya at ana ating ugnayan sa Dios ay nabuwag.

“Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng


Dios.” Mga Taga-Roma 3:23

Hindi lamang ang pakikipag-ugnay natin sa Dios ang nabuwag kundi dapat pa nating
pagbayaran ana ating mga kasalanan at ang kabayaran ay kamatayan na walang
hanggang kaparusahan sa impiyerno. Ang kamatayan ay totoo sapagkat ang
kasalanan ay totoo

“Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob ng


walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na Panginoon
natin.” Mga Taga-Roma 6:23

“…at sa lahat ng sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas


ng apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.” Apocalipsis 21:8

Iyong pansinin sa nauunang sitas na nagsasabi datapuwa’t ang kaloob na walang


bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan sa sinomang lalapit at tatanggapin Siya
sa kaniyang puso, At ito ay maisasagawa lamang sa pamamagitan ng
pananampalataya. Pananampalataya na tanging si Hesus lamang ang
makapagliligtas ng inyong kaluluwa sa pagdurusa sa impiyerno, at Siya lamang and
makapagpapatawad ng iyong mga kasalanan. Hindi ka maliligtas sa pamamagitan ng
iyong mabubuting gawa, ng iyong relihiyon o ng iyong sarili man sapagkat si Hesus
lamang ang tagapagligtas.
“Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at
ito’y hindi inyong sarili, ito’y kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng mga gawa,
upang ang sinoman ay huwag magmapuri.” Mga Taga Efeso 2:8-9

“Sinabi sa kaniya ni Hesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman
ay hindi makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6

Dapat nating alalahanin ang pag-ibig ng Dios sa atin, na nagsugo sa Kaniyang


bugtong na Anak upang mamatay sa krus sa ikaliligtas natin sa ating mga kasalanan.
Kung ikaw lamang ay magtitiwala sa Kaniya, ipahahayag ang iyong mga nagawang
kasalanan at inihingi sa Kanya sa kapatawaran, Siya ay nakahandang patawarin ka
at pagkalooban ka ng buhay na walang hanggan.

“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal Siya na
tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng
kalikuan.” 1 Juan 1:9

“Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong malaman na kayo’y
mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong
nanampalataya sa Pangalan ng Anak ng Dios.” 1 Juan 5:13

Sa iyo kaibigan, tatanggapin mo ba si Kristo sa iyong puso? Maisasagawa mo ito


ngayon. Kung nais mong tanggapin Siya kaibigan sa iyong puso ay wikain mo ito.
“Panginoong Hesus alam ko na ako ay isang makasalanan at nakatakdang
mabulid sa impiyerno. Aking pinagsisisihan ang aking mga kasalanan at
tinatanggap kita na sarili kong Tagapagligtas at Panginoon sa pamamagitan ng
pananampalataya. Maraming salamat Panginoon sa pagpapatawad mo sa akin
at sa pagkakalinis mo sa aking mga kasalanan at sa pagkakaloob mo sa aking
ng buhay na walang hanggan. Sa pangalan ni Hesus na aking Tagapagligtas,
Amen.

KATIYAKAN NG KALIGTASAN
1. Ang buhay na walang hanggan ay pangkasalukuyang pag-asa at katiyakan.
Juan 6:47
2. Si Hesus ay nangako na walang dahilan upang ikaw ay kanyang tanggihan o
itakwil. Juan 6:37
3. Si Hesus ay nangako na kailanman hindi ka mawawala. Juan 6:39
4. Si Hesus ay nangako na hindi ka kailanman mapapahamak o pupunta sa
impiyerno. Juan 10:28
5. Mula ng ikaw ay naligtas, ikaw ay nasa kamay ng Dios: walang makakapigtas
sa iyo sa kamay ng Panginoon. Juan 10:29
6. Maari mong malaman o matiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan. 1
Juan 5:13

Vous aimerez peut-être aussi