Vous êtes sur la page 1sur 20

PAGGAMIT NG PANGKATANG PAGBASA SA PAGKAKAROON NG KASANAYAN

SA PAGBASANG MAY PAG-UNAWA SA ASIGNATURANG FILIPINO

Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga Kinakailangan

Para sa Aksyon Research

Inihanda ni:

MA. MERLITA G. MAROLLANO

Master Teacher I

Taong 2018
ABSTRAK

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malinang ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon

ng pag-unawa o komprehensyon sa tekstong babasahin gamit ang pamamaraang Pangkatang

Pagbasa. Ang mga respondent ay binubuo ng 60 mag-aaral ng Senior High School sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Meycauayan, taong 2017-2018.

Sinubok ang kabisaan ng pamamaraang Pangkatang pagbasa sa pamamagitan ng

pagbibigay ng Pretest-Posttest sa mga respondent.

Ang mananaliksik ay gumamit ng true experimental design o pamamaraan. Ang mga datos

ay tinuos at binigyang-kahulugan gamit ang t-test.

Ang hipotisis na walang makabuluhang pagkakaiba ang paggamit ng pangkatang pagbasa

sa pagkakaroon ng kasanayan sa pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral ay napatunayang

makabuluhan ang paggamit ng pamamaraang Pangkatang Pagbasa sa pagtatamo ng kasanayan sa

komprehensyon o pag-unawa,

Ang mga natuklasan ay nagbunsod sa mananaliksik na isulong ang paggamit ng

Pangkatang pagbasa upang mahikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng interes sa pagbabasa

at malinang ang kahusayan at kasanayan sa pag-unawa o komprehensyon sa anumang akdang

babasahin. Bilang guro dapat mahikayat ang mag-aaral na magkaroon ng interes at kawilihan sa

pagbabasa.

Susing salita: komprehensyon, pag-unawa, pangkatang pagbasa


I. KONTEKSTO AT RASYONALE

Magmula noon hanggang ngayon, patuloy pa rin sa paghahanap ng mga kasagutan sa mga

tanong kung paano higit na malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa nang may

pag-unawa. Ang paghahanap ay maaaring may kinalaman sa mga teknik o istratehiyang ginagamit

sa pagkatuto ng wikang pinag-aaralan.

Sa pagkatuto ng wikang pinag-aaralan, mahalaga ang papel na ginagampanan ng

istratehiya at pamamaraan ng guro para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dahil sa mahusay na

istratehiya at pagsasanay, naaakay ang mga mag-aaral sa wastong paraan ng pag-aaral tulad ng

pagbabasa. Sinasabing ang pagbasa ay nangangailangan ng malusog na pangangatawan, isipan, at

malayang damdamin upang maunawaan ang kanyang binabasa. Sapagkat ang pagbasa ay isang

proseso na nangangailangan ng mataas na kaisipan, konsentrasyon at pokus. Subalit, karamihan sa

mga mag-aaral sa ngayon ay nawawalan na ng interes sa pagbabasa, marahil ay gawa ng

pagyabong ng teknolohiya gaya ng internet at social media. Isa sa mga nagiging epekto ng kawalan

ng interes sa pagbabasa ay ang mahinang pag-unawa sa kanyang binabasa

Kung titingnan, marahil sa panahon ngayon, marami ng mag-aaral ang hindi maiwan ang

internet, at ang lahat ng kaalaman at impormasyon ay ginagawa itong basehan kaya nawawalan

ng interes sa pagbabasa (Palani, 2012). Patunay ito na naaapektuhan ang kanilang pagganap sa

klase na nagreresulta ng pagbaba ng kanilang komprehensyon o pag-unawa sa binabasa o inaaral

na aralin.

Ayon sa isang pag-aaral, ang pagbabasa ay parte ng pagtuklas sa pag-aaral ng isang

indibidwal. Habang ang mga mag-aaral ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa

pagbasa, may ilan namang mag-aaral na isinasawalang-bahala ang pagbabasa bilang bahagi ng
pag-aaral (Bashir at Matoo, 2012). Dagdag pa rito, ang pagbabasa ay nalilinang sa murang edad

pa lamang at mas nadadagdagan ang kasanayan nito habang tumatanda ang isang indibidwal,

(Green, 2001). Kailangan ng masusing paglalaan pa ng oras upang mapaunlad pa ang kasanayan

sa pagbabasa na siyang makatutulong sa kanilang malinaw at kapaki-pakinabang na pagbasa.

May ilang pag-aaral sa kalakhang Amerika na nagsasabi na malaki ang porsyento ng mga

estudyanteng hindi bihasa sa pagbasa at mahina pakinabang na pag-unawa o komprehensyon.ang

pag-unawa sa binabasa. Sinasabing ang mga bagay na ito ay sanhi ng kakulangan ng pagtutok at

paghahanda sa mga kabataan sa kanilang pag-aaral at pagbasa. Hindi napagtutuunan ng pansin

ang mga mag-aaral ng kanilang mga guro kaya hindi sila nagkakaroon ng interes sa pagbabasa.

Hindi nabibigyan ang mga estudyante ng magagandang pananaw ukol sa pagbabasa kaya hindi ito

kabilang sa mga pinagkakaabalahan nila sa buhay (Paul, 2009).

Sa ganitong punto, nangangailangan nang mabisang estratehiya at pamamaraan ang guro

upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa nang may pag-unawa. Isa sa

mahusay na pamamaraan upang mahikayat silang magbasa ay ang paggamit nang pangkatang

pagbasa. Dito, maaaring maengganyo ang mag-aaral na magbasa at makisangkot sa anomang

gawain na may kinalaman sa aralin.

Mas nakukuha ng mambabasa ang layuning ipahayag ang teksto kung lubos niya itong

paglalaanan ng interes, kasanayan at panahon ang pagbabasa. Ngunit dahil nga sa modernong

panahon, malimit na isinasantabi ang pagbabasa dahil ika nga ng mga kabataan ngayon, “may

google naman na…” (Guevarra, 2010). Subalit gawin nating kawili-wili ang pagbabasa. Tiyak na

mas mapapaunlad pa nito ang kasanayan natin sa iba pang mga bagay.
II. ISTRATEHIYA

Nararapat na maging mithiin ng isang guro ay mahikayat ang kanyang mag-aaral na

maging interesado sa pagtalakay ng mga araling inilaan niya sa mga ito. Kailangan ang kasanayan

at kahusayan sa pagkuha ng pag-unawa sa anomang akdang babasahin. Makatutulong nang malaki

kung ang guro ay gagawa ng isang pagpaplano kung saan mahihikayat niya na magkaroon ng

interes sa pagbabasa ang kanyang mag-aaral.

Dito, makatutulong ang kolaboratibong pagbasa na kung saan ay isasagawa ang

pamamaraang pangkatang pagbasa. Sa simulating ito, itinuturing na ang bawat mag-aaral ay may

taglay na sariling pangangailangan at interes. Sapagkat sa buhay ng isang mag-aaral, kaagapay sa

pag-unlad na pangkaisipan ang mahahalagang sangkap, ang mabisang istratehiya ng pagtuturo at

ang angkop na kagamitang pangkurukulum batay sa interes, kakayahan at kapaligiran ng mga mag-

aaral. Mas makabubuti ang paggamit ng pangkatang pagbasa dahil nagkakaroon sila ng

pagkakataon na tuklasin sa kanilang sarili ang mga kasagutan ng pangkatan. Mahalagang

mapaunlad ng mga mag-aaral ang kasanayan sa pagbasang may pag-unawa ng anomang teksto

upang siya ay magkaroon ng kahusayang pangkomunikatibo.


III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Dahil sa pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang ugali at interes ng mga mag-aaral.

Dahil dito, kinakailangan na ang isang guro ay mag-isip ng mabuting pamamaraan at istratehiya

upang maitaas ang antas ng karunungan ng kanyang mag-aaral. Ito ang umakay sa mananaliksik

na ilahad ang iba’t ibang suliranin na may kinalaman sa kahinaan sa pag-unawa sa anomang

akdang babasahin.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabatid kung may kabuluhan ang paggamit ng

pangkatang pagbasa ng mga mag-aaral bilang mabisang pamamaraan sa pagtatamo ng pagbasa

nang may pag-unawa.

Sa pag-aaral na ito, sasagutin ang mga sumusunod na tiyak na katanungan:

1. Ano ang antas ng komprehensyon sa pagbasa bago at pagkatapos gamitin ang

pamamaraang pangkatang pagbasa?

2. Mayroon bang makabuluhan pagkakaiba ang paggamit ng pangkatang pagbasa sa

pagkakaroon ng kasanayan sa pagbasang may pag-unawa?

PALAGAY/ HIPOTISIS

Ang hinuha ng pag-aaral na ito ay:

Ho – Walang makabuluhang pagkakaiba sa paggamit ng pangkatang pagbasa sa pagkakaroon ng

kasanayan pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang ibubunga ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro sa Filipino, sa mga mag-aaral,

sa mga magulang ,sa pamunuan ng paaralan, at sa mga taong nagbibigay pahalaga sa edukasyon

Patuloy ang pagbabago ng ating kapaligiran, kaalinsabay nito ang pagpapanibago sa

pamamaraan tungo sa katuparan ng mga mithiin ng Kagawaran ng Edukasyon sa larangan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaya, umaasa ang mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa ikauunlad ng pamamaraan at istratehiya sa pagtuturo ng guro. Inaasahang

makakamtan ang mithiin ng bawat isa para sa ikabubuti ng mag-aaral.

Sa mga guro — ang matutuklasang kahinaan ng mga mag-aaral ay magsisilbing batayan

sa paggmit ng kagamitang angkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sa mga mag-aaral — higit na makikinabang sa resulta ng pag-aaral na ito dahil ito ay

makatutulong upang magkaroon ng interes, at magdududlot ng kamulatan sa kahalagahan ng

paglinang ng kasanayan sa pagbasa.

Sa mga namumuno — ang pag-aaral na ito ay makatutulong para malaman ang kahinaan

ng mga guro at makapag-isip nang tamang lunas upang mabawasan ang mga kahinaan ng mga

mag-aaral sa larangan ng pagbasa,

Sa mga magulang — ito ay magsisilbing hamon upang higit na gabayan ang kanilang mga

anak tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa higit na sa pagbuo ng tiwala at pagtingin sa sarili.


SAKLAW AT DILIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa paggamit ng pangkatang pagbasa sa

pagkakaroon ng pagbasang may pag-unawa sa asignaturang Filipino ng mga mag-aaral sa

ikalabing-isang baitang ng Senior High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Meycauayan, Taong Panuruan 2017-2018.

Sa pag-aaral na ito, inilarawan ng mananaliksik ang kaibahan ng paggamit ng pangkatang

pagbasa sa Isahang pagbasa upang mabatid kung alin sa dalawa ang mas epektibong paraan sa

pagtatamo ng pag-unawa.

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mula sa tatlumpong (30) kalahok mula sa

pangkat COOKERY ng TVL (Technical, Vocational and Livelihood) bilang control group at GAS

(General Academic Strand) na sumailalim sa experimental na pag-aaral.


IV. METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay nagsagawa ng isang eksperimental na pamamaraan, kung saan upang

masukat ang kakayahan sa pag-unawa sa akdang babasahin ng mga mag-aaral ay nagsagawa ito

ng dalawang pamamaraan. Una, nagsagawa ng pagsusuri sa pangkatang pagbasa at naghanda ng

ilang katanungan upang masukat ang kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Gayundin

naman sinubok ang kakayahan ng iba pang mag-aaral gamit ang di-pangkatan sa kaparehas na

kaparaanan.

Karagdagan pa, ang paggamit ng ng disenyong PRE-TEST – POST-TEST na kung saan

ang mga may inobserbahan bago at pagkatapos ng paggamit ng Pangkatang Pagbasa. Ang Pre-

test ay isinagawa sa paraang pagbibigay ng ilang tanong hinggil sa teksto o babasahin at ang

PostTest naman ay isinagawa sa paraang pagkatapos ng Pangkatang pagbasa.

Isinagawa ng mananaliksik ang ganitong pamamaraan upang makita ang magiging

epekto nito sa pagkakaroon ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-aaral. Ang isahang pagbasa

ay isinagawa ng isang araw samantalang ang pangkatang pagbasa ay isinagawa sa magkasunod na

araw ng parehong kwarter. Bago at pagkatapos ng dalawang pamamaraan ay isinagawa ang

PRETEST at POSTTEST sa mga manunugon.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng eksperimental na pamamaraan upang matukoy

ang epekto ng interbensyong ginamit sa mga respondent. Ang ganitong uri ng pananaliksik ay

ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tumutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan

at nangangailangan ng grupong lalapatan ng interbensyon.


MGA KALAHOK AT PINAGKUNAN NG DATOS AT IMPORMASYON

Uri ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng disenyong true experimental pre-test at post-test design.

Naisagawa rin ang kwantiteytib na paraan o quantitative research. Ang mananaliksik ay pumili ng

dalawang pangkat mula sa mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa Senior High School. Dito

isinagawa ang isahan at pangkatang pagbasa.

Mga kalahok sa pag-aaral

Makikita sa talahanayan I ang kabuuan at distribusyon ng mga kalahok ayon sa antas at

bilang.

Antas Bilang ng Manunugon


COOKERY 11 (control) 30
GAS 11 (experimental) 30
KABUUAN 60

Ang mga mag-aaral na mula sa Cookery 11 (control) ay binubuo ng tatlumpu (30) at GAS

(experimental) 11 na may bilang din na tatlumpu (30) ang manunugon sa isinagawang

eksperimento.

Balidasyon ng Instrumentong Ginamit

Ang mananaliksik ay gumawa ng rubric bilang batayan sa magiging resulta ng pre-test at

post-test na ginamit bilang instrument sa pamamagitan ng t-test, kung saan ang naging resulta ay

nagpapakita ng numerikong pagkukumpara ng mga nakalap na datos. Ang rubric na ginamit ay

dumaan sa proseso ng pagsusuri ng mga eksperto upang maging balido bago gamitin sa pag-aaral.
Mga Paraan ng Pagkuha ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa paglalarawan ng antas ng kasanayan ng mga mag-

aaral sa pagbasa nang may pag-unawa o komprehensyon.

Ginamitan ito ng disenyong pre-test – post-test na kung saan ang bawat grupo o pangkat

ng mag-aaral ay sinubok at inobserbahan bago at pagkatapos ang paggamit ng pamamaraang

pangkatang pagbasa. Nagsagawa ng Pretest at Posttest ang mananaliksik para dito.

Unang Hakbang: Pagbibigay ng Pretest

Bago magsagawa ng isahang pagbasa, ang mananaliksik ay nagbigay muna ng maikling

pagsusulit bilang pagsasagawa ng pretest. Matapos ito, ang mananaliksik ay nagsagawa ng isahang

pagbasa sa unang pangkat upang masukat ang lebel ng kasanayan sa pag-unawa ng mga mag-

aaral mula sa tekstong binasa.

Ikalawang Hakbang: Pagsasagawa ng Pamamaraang Pangkatang Pagbasa

Sa bahaging ito,isinagawa ang mga hakbangin ng mananaliksik at mga respondente sa

pagsasagawa ng Pangkatang Pagbasa.

Bumuo ng tatlumpung (30) bilang ng respondent na gagamitin sa pangkatang pagbasa. Ang

mga kalahok ay mula sa ibang pangkat. Hinati sa sampung (10) grupo ang mga mag-aaral at

binigyan ang bawat pangkat ng tekstong babasahin. Binigyan nang sapat na panahon sa pagbabasa

ang bawat grupo. Pagkatapos ng labinlimang (15) minutong pagbabasa hinayaang silang

makapagtalakayan hinggil sa akdang binasa.

Sinubok ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng binasang akda

sa pamamagitan ng ilang inihandang katanungan.


Ikatlong Hakbang: Pagbibigay ng Post-test

Pagkatapos ng labinlimang (15) minutong pagbabasa, binigyan ng mananaliksik ng

pagsusulit ang mga kalahok upang masukat ang kakayahan at kasanayan sa pag-unawa ng akdang

binasa bilang isang Posttest. Gamit ang rubric na dumaan sa proseso ng balidasyon, mas

napagtibay ng mananaliksik kung nalinang nang husto ang kasanayan ng mga mag-aaral sa

pagbasa nang may pag-unawa.

Etikal na konsiderasyon

Ang mananaliksik ay humingi ng kapahintulutan sa mga namumuno ng paaralan tulad ng

Ulo ng Departamento at punong guro upang makapagsagawa ng pananaliksik sa mga mag-aaral

ng Senior High School ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Meycauayan.


V. PARAAAN NG PAGBIBIGAY HALAGA SA MGA DATOS ISTADISTIKA

Resulta ng Pre-test

Matapos isagawa ang pre-test, ang mga iskor ng bawat grupo ay sinubok para sa

normalidad ng datos. Ang resulta ng p-value na 1.213 para sa experimental group at 1.119 para sa

control group ay malinaw na naipakita sa pamamagitan ng Kolmogorov-smirnov test SPSS 17.

Kung kaya, ang halimbawang populasyon sa isinagawang pag-aaral ay mayroong normal na

distribusyon. Nangangahulugan na ang mga tagatugon ng pag-aaral ay maihahambing sa basehang

datos.

Kabuuang
Grupo HS LS MEAN MODE SD
Iskor

Experimental
(Pangkatang 186 6 1 3.72 4 1.55
Pagbasa)

Control
(Isahang 184 7 1 3.68 4 1.62
Pagbasa)

Talahanayan 2: Pagsusuri ng datos sa iskor na nakuha sa isinagawang pre-test

Ipinapakita sa talahanayan 2 ang sinuring datos mula sa iskor na nakuha sa isinagawang

pre-test mula sa eksperimental na grupo at kontroladong grupo. Mula sa eksperimental na grupo,

ang pangkalahatang resulta ay may mean score na 3.72 at may standard deviation na 1.55. Ang

nakuhang pinakamataas na iskor ay 6 at ang pinakamababang iskor naman ay 1. At ang iskor na

madalas na naging resulta ay 4.


Ang kontroladong grupo mula sa pangkalahatang resulta ay may mean score na 3.68 at

may standard deviation na 1.62. Ang nakuhang pinakamataas na iskor ay 7 at ang pinakamababang

iskor naman ay 1. At ang iskor na madalas na naging resulta ay 4.

Resulta ng Post-test

Matapos isagawa ang post-test, ang mga iskor ng bawat grupo ay sinubok para sa

normalidad ng datos. Ang resulta ng p-value na 1.229 para sa experimental group at 1.228 para sa

control group ay malinaw na naipakita sa pamamagitan ng Kolmogorov-smirnov test SPSS 17.

Kung kaya, ang halimbawang populasyon sa isinagawang pag-aaral ay mayroong normal na

distribusyon. Nangangahulugan na ang mga tagatugon ng pag-aaral ay maihahambing sa basehang

datos.

Kabuuang
Grupo HS LS MEAN MODE SD
Iskor

Experimental
(Pangkatang 344 10 1 6.88 7 1.81
Pagbasa)

Control
(Isahang 293 9 7 5.86 5 1.34
Pagbasa)

Talahanayan 3: Pagsusuri ng datos sa iskor na nakuha sa isinagawang post-test ng

eksperimental at kontroladong grupo

Ipinapakita sa talahanayan 2 ang sinuring datos mula sa iskor na nakuha sa isinagawang

pre-test mula sa eksperimental na grupo at kontroladong grupo. Nailahad sa talahanayan na ang


eksperimental na grupo na ginamitan ng pangatang pagbasa ay nakakuha mean iskor na 6.88 at

may standard deviation of 1.81. Ang pinakamataas na iskor na nakuha ay 10 at may

pinakamababang iskor na 1, samantalang ang madalas na nakuhang iskor ay 7.

Sa kabilang banda, ang kontroladong grupo na tinuruan sa pamamagitan ng isahang

pagbasa ay nakakuha ng mean na 5.86 at may standard deviation na 1.81. Ang pinakamataas na

iskor na nakuha ay 9 at may pinakamababang iskor na 7, samantalang ang madalas na nakuhang

iskor ay 5.

Kung kaya, ang iskor ng eksperimental na grupo ay mas mataas kumpara sa mean score ng

kontroladong grupo.

3. Makabuluhang Pagkakaiba sa Resulta ng Eksperimental at Kontroladong Grupo

Ipinakita ng Kolmogorov-smirnov test SPSS 17 na ang iskor ng bawat grupo ay nasa

normal na distribusyon, ang t-test para sa dalawang grupo ay ginamit upang ipakita kung mayroon

man o walang makabuluhang pagkakaiba sa mga iskor ng eksperimental at kontroladong grupo.

Grupo Kabuuang Iskor MEAN Resulta

EXPERIMENTAL P (T<=t)
(Pangkatang 344 6.88 .002
Pagbasa) CV =
CONTROL 1.984
293 5.86 α 0.05
(Isahang Pagbasa)
Talahanayan 4. Resulta ng T-Test ng Dalawang Grupo
Ipinapakita sa talahanayan 4 ang resulta ng dalawang grupong sumailalim sa pag-aaral.

Ang P(T <= t) two-tailed (0.001) ay nagbibigay ng posibilidad na ang tiyak na katumba ng t-

statistic (3.19) ay makikita na mas malaki kumpara sa critical t-value (1.984). Kung kaya, ang p-

value ay mababa sa alpha, 0.05 level of significance two-tailed, hindi tinatanggap ang naging

hinuha ng pag-aaral na walang makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng mean score ng

eksperimental at kontroladong grupo. Kung kaya, ang paggamit ng pangkatang pagbasa ay mas

epektibo kumpara sa isahang pagbasa.


VI. ACTION RESEARCH WORK PLAN AND TIMELINE

Sa pag-aaral ng mananaliksik, ginamit niya ang Gantt Chart upang makakuha ng

impormasyon:

Setyem- Octub- Nobyem- Disyem-


Mga layunin
bre bre bre bre

1.Pagbuo ng pamagat ng Pananaliksik

2.Pagkalap ng mga literature at kaugnay


na pag-aaral

3.Pagsulat ng burador at Pagwawasto

4.pagsasagawa ng pinal na Balangkas ng


Pananaliksik

5.Pagkalap ng mga Datos

6.Pagbibigay ng Interpretasyon ng mga


Datos

7.Pagsasaayos ng Pananaliksik

8. Pagpapakita,
pagsusuri/pagpapakahulugan ng mga
datos

9. Pagtatalakay sa konklusyon,
pagsusuri/pagpapakahulugan ng resulta

10. Presentasyon ng
research/pananaliksik
VII. PINANSYAL NA ULAT

PARTICULARS AMOUNT
Supplies and materials for conducting research 1,000
Local transportation 500
Reproduction of research 2,000
Reproduction of final copy of research 2,000
Results Dissemination 1,000
Grand Total 6,500
VIII. TALASANGGUNIAN

Palani. (2012). The effect of students’ Reading Styles on their Reading Comprehension

Performances

Bashir & Mattoo. (2012). The Effects of Reading Interest, Reading Purpose and Reading Maturity

on Reading Comprehension of High School Students

Grean. (2010). The Effects of Reading Interest, Reading Purpose and Reading Maturity on

Reading Comprehension of High School Students

Paul. (2009). Students’ Reading Interest and Impact on Reading Comprehension Abilities

Mula sa mga artikulo at journals:

Guevarra (2010), Motivating and Engaging Students in Reading (University of Maryland)

Comprehension: A Cognitive Process (ph. 107-120)


Reading Habits Among Students (University of Nibraska)

Guevarra (2010), Schema Theory: Implications for Teaching (Journal of College of Teaching and

Learning, July 2008, pg. 41-45)

https://dakilapinoy.wordpress.com “Pangkatang Gawain bilang Alternatibong Edukasyon”

Vous aimerez peut-être aussi