Vous êtes sur la page 1sur 7

JESUS IS LORD COLLEGES FOUNDATION, INC.

101 Bunlo, Bocaue, Bulacan

SILABUS NG KURSO
sa
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON
T.P. 2018-2019

Pamagat ng Kurso: Ang Filipino sa Kurikululm ng Batayang Edukasyon


Yunit: 3
Kowd ng Kurso: FI 113/FI 417
Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay nakatuon sa paglinang ng kaalaman patungkol sa kurikulum. Kaakibat ng kursong ito ang pag-aaral ng mga elemento at component na bumubuo
sa kurikulum. Kabilang din sa pag-aaralan ang kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas. Isinasaalang-alang din dito ang pagbuo ng sariling wastong kurikulum.
Bibigyang diin ang mga domeyn ng kurikulum sa Filipino.
Layunin ng Kurso:
Sa kursong ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
Pangkaisipan:
1. Naipaliliwanag at natatalakay ang katuturan ng kurikulum
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang domeyn ng kurikulum
3. Nailalahad ang komprehensibong proseso sa pagbuo ng kurikulum
Pandamdamin:
1. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kurilum sa iba’t ibang panahon
2. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng kurikulum sa Filipino sa ibang asignatura
3. Nailalahad ang layunin ng K 12 kurikulum sa asignaturang Filipino
Pangsikomotor
1. Nasusuri ang mga kurikulum sa iba’t ibang panahon
2. Nakagagawa ng sariling halimbawang kurikulum sa Filipino
Balangkas ng Kurso:

LINGGO NILALAMAN/PAKSA
1 Oryentasyon sa Kurso
Bakit may Wika
Mga Katangian ng Wika
Ang Komunikasyong Pantao

2 Katuturan ng Kurikulum
Kasaysayan ng Edukasyon sa Pilipinas
3 Ang Pilosopiya at Kurikulum
4-5 Mga Hakbang sa Pagpapaunlad ng kurikulum
Pagpili sa mga Layunin at Inaasahan
Pagpili ng Nilalaman at Karanasang Pampagkatuto
6 Preliminaryong Pagsusulit
7-10 Ang Kurikulum sa Pilipinas
A. Secondary Education Development Program
B. Basic Education Curriculum
C. Revised Basic Education Curriculum
D. Refined Secondary Education Curriculum
E. Understanding by Design at Outcomes-Based Education
F. Mga Modelo ng Pagtuturo
11 Panggitnang Pagsusulit
12-13 Ang Kurikulum na K 12 (Kindergarten hanggang Baitang 10)
14 Ang Kurikulum na K 12 (Baitang 11-12)
15-17 Panghuling Pagsusulit (Pagbuo ng Gabay na Kurikulum sa Filipino)
NILALAMAN NG KURSO
Linggo Nilalaman/Paksa Inaasahang Bunga/Resulta Mga Gawain Pagtuturo- Paraan ng Pagtataya Inaasahang Awtput
ng Pagkatuto Pagkatuto
1 Oryentasyon sa Kurso  Nagagamit ang mga
A. Nilalaman nalalaman at
B. Rekwayrment ng natutuhan sa
kurso oryentasyon sa
C. Paraan ng pagsasakatuparan ng
pagmamarka kurso
D. Alituntunin sa loob ng
klase

2 Katuturan ng Kurikulum  Naipaliliwanag ang  Pangkatang Gawain:  Repleksyon:  Repleksyon/


Kasaysayan ng kahulugan ng Maikling pagsasadula Gaano kahalaga Reaksyon
Edukasyon sa Pilipinas kurikulum ayon sa (Kasaysayan ng ang kurikulum?  Maikling
iba’t ibang mga edukasyon sa Pilipinas) Gaano kahalaga pagsusulit
dalubhasa  Malaya at interaktibong ang edukasyon?
 Natatalakay ang talakayan Ano ang
kasaysayan ng posibleng maging
edukasyon sa Pilipinas kalalagayan ng
mga mamamayan
sa Pilipinas kung
walang
edukasyon?

3 Ang Pilosopiya at  Nailalahad ang mga  Activity Report: bago  Activity Report na  Activity Report
Kurikulum pilosopikal na dulog magsimula ang ilalahad sa klase  Maikling
na may kaugnayan sa talakayan, bubunot ang matapos ang 10 pagsusulit
kurikulum mga mag-aaral ng papel minuto
na naglalaman ng
pilosopiya na napunta sa
kanya. Bibigyan ng
sampung minuto upang
ilahad sa klase ang
nasabing pilosopiya
 Malaya at interaktibong
talakayan
4-5 Mga Hakbang sa  Natatalakay at naiisa-  Paggamit ng Ladder map  Ano ang mga  Repleksyon
Pagpapaunlad ng isa ang mga hakbang sa talakayan dapat isaalang-
kurikulum sa pagpapaunlad ng  Malaya at interaktibong alang sa paggawa
kurikulum talakayan ng hakbang sa
Pagpili sa mga Layunin at  Nailalahad ang pagpapaunlad ng
Inaasahan wastong pagpili ng kurikulum? Sa
layunin, inaasahan, pagpili sa mga
Pagpili ng Nilalaman at nilalaman at layunin? Sa mga
Karanasang karanasang nilalaman at
Pampagkatuto pampagkatuto karanasang
pampagkatuto?

6 PANGUNAHING PAGSUSULIT
Ang Kurikulum sa  Nasusuri at  Round Table Discussion:  Paggawa ng  UbD Lesson
7 Pilipinas nakapagsasaliksik sa Kahalagahan/Ambag ng sariling Plan
G. Secondary mga naging mga dating kurikulum sa halimbawang  Pagpapakita ng
Education kurikulum sa kasaysayan ng UbD lesson plan mga modelo ng
8 Development Pilipinas kurikulum sa Pilipinas  Aktuwal na pagtuturo
Program  Napaghahambing-  Malaya/Interaktibong pagsasagawa ng
H. Basic Education hambing ang mga talakayan mga modelo ng
Curriculum katangian ng iba’t pagtuturo
I. Revised Basic ibang kurikulum
Education
Curriculum
9 J. Refined Secondary
Education
Curriculum
10 K. Understanding by
Design at
Outcomes-Based
Education
L. Mga Modelo ng
Pagtuturo
11 PANGGITNANG PAGSUSULIT
12-13 Ang Kurikulum na K 12  Natatalakay ang  Malaya at interaktibong 
Pagsulat ng  Pagsulat ng
(Kindergarten hanggang kurikulum sa Filipino talakayan paglalagom paglalagom
Baitang 10) mula kindergarten hinggil sa mga  Pasulat ng
hanggang baitang 10 paksang tinalakay repleksyon
 Nailalahad ang pag-  Pagsulat ng
unlad ng kaalaman at repleksyon
kakayahan sa bawat hinggil sa
baitang kahalagahan ng
unang 10 taon ng
mga mag-aaral sa
K 12 kurikulum
14 Ang Kurikulum na K 12  Natatalakay ang  Malaya at interaktibong  Paglalahad ng  Repleksyon
(Baitang 11-12) kurikulum sa Filipino talakayan epektong dulot ng
sa Senior High K 12 sa ss.:
School -mga mag-aaral
 Nailalahad ang na nagtapos ng K
kahalagahan ng 12 kurikulum
pagkakaroon ng -sambayang
bagong kurikulum sa Pilipino
Pilipinas -bansang
Pilipinas
15-17 PANGHULING PAGSUSULIT (Paglikha ng Gabay na Kurikulum sa Filipino)

Mga Sanggunian ng Kurso:


Curriculum Development (The Philippine Experience). 2001. Bago, Manila: De La Salle University Press, Inc.
Mga Kagamitang Pampagtuturo:
Powerpoint Presentation
Mga Kagamitang Biswal
Video Clips (dokumentaryo/motibasyonal)
Pamantayan sa Pagmamarka:
Makabuluhang Partisipasyon sa klase 30%
Mga Terminong Pagsusulit 30%
Pagsasanay/maikling pagsusulit 15%
Proyekto 20%
Atendans 5%
KABUUAN 100%
PERCENTAGE RATING GRADE DESCRIPTION GRADE DESCRIPTION
98-100 1.00 Excellent INC Incomplete
95-97 1,25 Superior AW Authorized Withdrawal/Dropped
92-94 1.50 Very Good UW Unauthorized Withdrawal
89-91 1.75 Good NCA No Credit Due to Absences
86-88 2.00 Meritorious
83-85 2.25 Very Satisfactory
80-82 2.50 Satisfactory
77-79 2.75 Fairly Satisfactory
75-76 3.00 Passed
74-below 5.00 Failed/UW/NCA

Mga Tuntunin sa Loob ng Silid-Aralan:


1. Ang markang “INC.” ang awtomatikong makukuha ng sinumang mag-aaral na hindi makapagpapasa ng mga kahingian ng kurso sa itinakdang araw at
oras ngunit maaaring mapalitan ng pasadong marka ang “INC.” sa sandaling makumpleto ng mga mag-aaral ang itinakdang kahingian na hindi
lalampas ng isang taon na naaayon sa itinakdang tuntunin ng Registrar’s Office ng paaralan;
2. Walang espesyal na pagsusulit (maikli o mahabang pagsusulit) sa mga mag-aaaral na hindi nakakuha nang naturang pagsusulit sa oras at araw na
itinakda maliban na lamang sa mga espesyal na kadahilanang mapapatunayan ng mga katibayan;
3. Ang may nais na makipag-usap sa guro para sa konsultasyon ng mga gawain at proyekto ay magtungo lamang sa silid konsultasyon ng pamantasan sa
oras na ito ay bakante;
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase maliban na lamang kung may pahintulot ng guro;
5. Obligasyon ng mga mag-aaral na alamin ang mga paksang tinalakay sa panahong siya ay liban, gayundin ang paghanap sa mga babasahing may
kaugnayan sa paksang ito; at
6. Ang iba pang mga tuntunin ay maaaring pag-usapan sa loob ng klase.

Inihanda ni:

Bb. Desserie Mae E. Garan

Binigyang-pansin ni:

Wenifreda R. Templonuevo, Ph.D.


Dekana

Vous aimerez peut-être aussi