Vous êtes sur la page 1sur 1

Hunyo 28, 2018

Gng. Joyce Montefalco


St. Lukes Medical Center
Arellano Street,
Global City, Taguig

Ginang:

Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer at nakita ko po sa website ng Jobstreet.com na


nangangailangan kayo ng isang doktur partikular na mayroong espesyalisasiyon sa panggagamot
sa puso sa inyong exklusibong ospital. Naniniwala po akong taglay ko ang mga katangiang
hinahanap ninyo at handa po akong linangin ang mga kinakailangan kakayahan para sa nasabing
trabaho kaya’t gusto ko po sanang mag-aplay sa inyong ospital. Naniniwala po akong ito ay
makatutulong upang mahasa pa ang aking kakayahan at mas lalo pa akong humusay sa larangang
ito sa pamamagitan ng mga karanasan sa pagdadalubhasa sa larangang ito. Hindi lamang po ako
ang makikinabang sa trabahong ito sapagkat naniniwala po akong magiging magandang imahe
rin po ako sa inyong ospital sapagkat ako po ay nagtapos sa isa sa mga kilalang paaralan sa
bansa.

Ako po ay isang dalaga, dalawampu’t limang taong gulang, nagtapos ng kolehiyo sa


University of the Philippines-Manila noong Marso, 2024 at isa po akong doktur sa puso. Ako po
ay masipag, matiyaga, at maasahan ninyo na ipamamalas ko ang aking kakayahan sa
paggagamot sa mga nangangailangan. Mayroon din po akong malusog na pangangatawan,
maabilidad po ako at matalino.Katunaya’y nagtapos po ako sa kolehiyo bilang Magna Cumlaude
at nakadalo na po sa ilang seminar upang masiguradong magagawa ko po ang aking misyon
bilang ganap na manggagamot sa puso.

Kalakip ng liham na ito ang aking resume. Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan
para sa isang panayam, sa oras at petsang nanaisin ninyo. Umaasa po ako sa inyong tugon at
maraming salamat po sa inyong oras.

Lubos na gumagalang,
Aryanna M. Camacho.

Vous aimerez peut-être aussi