Vous êtes sur la page 1sur 1

Ang Griyego (Griyego: Ελληνικά, bigkas /e·li·ni·ká/, “Eleniko”) ay

bumubuo ng kanyang sariling sangay sa pamilya ng mga wikang Indo-


European. Nagtataglay ito ng 3500 taon ng nakatalang kasaysayan, ang
pinakamahaba sa anumang wikang Indoeuropeo. Isinasalita ito ng 15
milyong tao.

Ang wikang Griego o Ellinika ng bansang Grecia ay isa sa


pinakamatandang wika sa Europa na higit pa ang gulang sa Indo-
Europeong pangkat ng mga wika. Ang pagkakaroon nito ng mga bagong
salita mula sa iba pang bansang Europeo ay lalo pang nagpayaman sa
wikang ito at sa kasalukuyan ang wikang ito ay may ilang sangay ng wika
katulad ng Ruso, Galida o Aleman at mga wika na nakapalibot sa bansang
Rusya malapit sa Asya.Ang wikang Griego ay may dalawang pangkat at ito
ay ang KATHAREVUSA o dinalisay na Griego at ang ikalawa ay ang KOINE
o tinaguriang pangkalahatang gamit na Griego. Sa kasalukuyan, ang
KOINE na Griego ang siyang kinilalang pambansang Wika nang nasabing
bansa at nilahukan na lang ng ilang mahalagang salita mula sa
KATHAREVUSA dahil umano na di lubus ang pakahulugan ng salitang
Griego kapag pinaghiwalay ang dalawang anyo ng Wikang ito. Ang wikang
Griego o Ellinika ay gamit sa pakikipagtalastasan sa buong Grecia, sa
kapuluan ng Creta at gayon din sa pulo ng Kypros.

Vous aimerez peut-être aussi