Vous êtes sur la page 1sur 28
Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT CHED MEMORANDUM KAUTUSAN Big. _22 Serye ng 2017 PAKSA: MGA PATAKARAN, PAMANTAYAN, AT PANUNTUNAN PARA SA BATSILYER NG SINING SA FILIPINO Alinsunod sa mga angkop na probisyon ng Batas Republika Big. 7722, na kilala sa taguring “Batas sa Lalong Matas na Edukasyon ng 1994," na nagsasakatuparan ng sistemang gumagarantiya ng kalidad batay sa inaasahan at itinataguyod sa bisa ng CHED Memorandum Kautusan Blg. 46 serye 2012, at sa bisa ng kapasiyahan ng Komisyon en banc Big. 231-2017, na may petsang Marso 28, 2017, ang sumusunod na patakaran, pamantayan, at panuntunan (PPP) ay pinagiitibay at inihahayag ng Komisyon. ARTIKULO | INTRODUKSIYON Seksiyon 1, Rasyonal, Batay sa Patnubay sa Implementasyon ng CMK Big. 46 serye 2012, ang PPP na ito ay nagsasakatuparan ng “pagbabago tungo sa pagkatuto ayon sa pamantayang pangkakayahan ato minithing kalalabasan ng pagkatuto.” Tinitiyak ito ang mga Pangunahing kasanayang inaasahan sa Batsilyer ng Sining sa Filipino anuman ang uri ng MEI na pinagtapusan ng mga mag-aaral. Bilang pagkilala s2 minimithing kalalabasan ng pagkatuto at sa uri ng mga MEI, ang PPP na ito ay nagbibigay ng “sapat na kaluwagan sa MEI na isaayos ang kanilang kurikulum alinsunod sa pagtataya kung paanong higit na mabisang matatamo ang mga minimithing kalalabasan ng pagkatuto sa kanilang partikular na konteksto at misyon ng institusyon..." ARTIKULO I AWTORIDAD NA MAGPATUPAD NG PROGRAMA Seksiyon 2. Pagkilala ng Gobyerno. Lahat ng pribadong lalong mataes na ‘edukasyong institusyon na nagbabelak na maghain ng Batsilyer ng Sining sa Filipino ay dapat munang humingi ng kaukulang awtoridad mula sa Komisyon, alinsunod sa naturang PPP. Lahat ng ME! na mayroon nang programang Batsilyer ng Sining sa Filipino ay inaatasang magtuon sa pagbabago tungo sa pagkatuto ayon sa Pamantayang pangkakayahan al/o minithing produkto ng pagkatuto sa nasabing mga PPP, at dapat humingi ng pahintulot para sa gayong Pagbabago, Ang mga Estadong Unibersidad at Kolehiyo (EUK) at lokal na kolehiyo at unibersidad ay dapat na mahigpit na sumunod sa mga probisyon ng naturang patakaran at pamantayan. Higher Education Development Center Bulding, C.P. Garcia Ave., UP Campus, Diliman, Quezon Gily Philippines Web Site: www.ched.gov.nh Tel. Nos. 441-1177, 385-4391, 441-1 169, 441-1149, 441-1170, 441-1216, 392-5296, 441-1220 4441-1228, 988-0002, 441-0750, 441-1254, 441-1235, 441-1255, 411-8910, 441-1171, 352-1871 ARTIKULO I PANGKALAHATANG PROBISYON Batay sa Seksiyon 13 ng Batas Republika 7722, ang mataas na edukasyong institusyon ay may kalayaang akademiko sa mga inihahain nitong kurikulum subalit kinakailangang tumutupad ito sa minimum na kehingian para sa mga espesipikong programang akademiko, mga kahingian ng batayang edukasyon at ng mga espesipikong kursong propesyonal Seksiyon 3. Seksiyon 4. Ang sumusunod na mga artikulo ay nagsasaad ng mga minimum na pamantayan at iba pang kinakailangan at mga tagubilin. Ang minimum, a mga pamantayan ay nangangahulugang minimum na set na ninanais na kalalabasan ng programa na nakasaad sa Artikulo IV, Seksiyon 7, Nagdisenyo ang CHED ng isang kurikulum upang matamo ang minimithing programa. Ang kurikulum na ito ay makikita sa Artikulo 5 Seksiyon 8 bilang halimbawang kurikulum. Ang bilang ng mga yunit fig kurikulum na ito ay itinakda bilang ‘minimum na kallangang yunit” sa ilalim ng Seksiyon 13 ng RA 7722. Sa pagdisenyo ng kurikulum, gumamit ang CHED ng isang mapang pangkurikulum na makikita sa Artikulo V, Seksiyon 9 bilang halimbawa. Sa_paggamit ng lapit na nakasentro sa mag-aarallbatay sa minimithing produkto, tinukoy din ng CHED ang mga angkop na pamamaraan ng pagsasakatuparan ng kurikulum na nasa Artikulo V, Seksiyon 10. Ang mga halimbawang silabus na nasa Artikulo V, Seksiyon 11 ay nagpapakita ng pamamaraang ito, Batay sa kurikulum at mga paraan ng pagsasakatuparan nito, tinukoy ng CHED ang mga kailangang resorses para sa aklatan, laboratoryo, at iba pang pasilidad at mga kahingiang pantao para sa pamamahala at pagtuturo. ‘Ang mga MEI ay pinahihintulutang magdisenyo ng mga kurikulum na naaangkop sa kanilang mga sariling konteksto at misyon sa pasubaling maipamamalas nila ito upang matamo ang kinakailangang minimum na set ng minimithing produkto kahit pa man gumamit ng ibang pamamaraan. Gayundin may kalayaan sila sa pagpapatupad ng kanilang kurikulum batay sa ispesipikasyon sa pagtatalaga ng tao at ‘mga pisikal na kailangan hangga't naipapakita nila na ang pagtatamo ng mga minimithing produkto ng programa at layuning pang- edukasyon ng programa ay tinitiyak ng _iminumungkahing alternatibong pamamaraan. Magagamit_ng MEI ang CHED Implementation5 Handbook for Outcomes-Based Education (OBE) and the Institutional Sustainability Assessment (/SA) bilang gabay sa pagtupad ng mga Seksiyon 17 hanggang 22 ng Artikulo Vil Page 2 of 28 Seksiyon 5. Des! 54. 52. 53 ARTIKULO IV MGA DETALYE NG PROGRAMA. jpsiyon ng Programa Pangalan ng Digri ‘Ang programang ito ay tatawaging Batsilyer ng Sining sa Filipino, Kalikasan ng Disiplina ng Pag-aaral ‘Sumasabay ang Filipino sa mga pagbabagong nagagaganap sa daigdig at natural lamang na mapag-aralan ito nang lampas sa dating hanggahang itinakda sa pagtuturo nito. Ang pag-aaral ng Filipino ay maiuugnay sa iba pang disiplina, nang sa gayon ay magamit ang Filipino hindi lamang sa mga nakagawiang saklaw nito. Tinutugon ng programang AB Filipino ang itinatadhana ng Konstitusyong 1987 ukol sa wika, at inihahanda ang mga estudyante para sa mga trabaho at serbisyo na pawang kailangan ‘ng mga Pilipino sa hinaharap. ‘Ang mga kurso sa programang ito ay ilinang sa kahusayan ng mga _mag-aaral sa komunikasyon, malawak na kaalaman sa teorya at praktika ng wika, malikhaing pag-isip, at mapanuring Pananaliksik. Mainahanda ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na trabaho: mananaliksik, mamamahayag, guro, —kritko, ‘manunulat, tagasalin, editor, tagapamahala, entrepreneur, at iba pa ‘Mga Layunin ng Programa Kabilang ngunit hindi limitado sa mga layunin ng programa ang sumusunod: 5.3.1. Malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wikang Filipino na magagamit nila sa iba't ibang konteksto at mga Pangunahing dominyo; 5.3.2. Mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa interdisiplinaryong pananaw sa pag-aaral ng Filipino; 5.3.3, Malinang ang malikhain at kritikal na pag-lisip ng mga mag- aaral na magagamit sa kanilang propesyon at pakikipag-ugnayan sa komunidad, lokal man, nasyonal o internasyonal at; 5.3.4, Makapagsagawa ng mapanuring pananaliksik na makapagpapaunlad sa disiplinang Filipino; 5.3.5 Makapagbukés ng oportunidad para sa praktikal na aplikasyon ng mga kasanayan at kaalamang natamo. Page 3 of 28

Vous aimerez peut-être aussi