Vous êtes sur la page 1sur 1

I.

Akala ng iba
madamot ako
Akala ng iba
Nagtatago ako
Pero di nila alam
Nahihirapan lang ako
Sa kaiisip ng problema
Kung ano nga ba ang tama

Chorus
Mabuti pang umiwas sa
mga maling akala
mabuti pang umiwas sa
mga maling hinala
Pagsasakripisyo
Dugo't pawis ang alay ko
Ngunit balewala
Dahil sa mga akala

II.
Hinala ng iba
wala akong puso
Hinala ng iba
Mukha akong pera
Ngunit di nila alam
Nasasaktan din ako
Sa mga sinasabi
sa akin ng iba

Bridge
Iniisip kung ano lamang
Ang para sa lahat
Iniisip kung saan ako
huhugot ng lakas
Buong buhay ko
pagtulong ang inisip ko
ngunit buhay ko
ay biglang naglaho

Vous aimerez peut-être aussi