Vous êtes sur la page 1sur 3

Aparri School of Arts and Trades

Maura, Aparri, Cagayan


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Malikhaing Pagsulat / Creative Writing
S.Y. 2017 – 2018

Pangalan: Petsa: Marka:


Track: Strand: 50

Pangkalahatang Panuto :
 Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag.
 Panatilihing maayos at malinis ang iyong sagutang papel. Huwag itong itupi, lukutin o
sulatan ng mga hindi kinakailangang marka. Iwasan ang pagbura.
 Gumamit lamang ng itim o asul na tinta ng panulat.

A. Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
Para sa numero 1-15, basahin ang mga pangungusap at suriin kung anong uri ng tayutay ang giamit
dito.
A. Pagtutulad D. Apostrope G. Personipikasyon
B. Pagwawangis E. Eksklamasyon H. Repitasyon
C. Pagmamalabis F. Oksimoron
______ 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nanenerbiyos ng mang-aawit.
______ 2. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan.
______ 3. O tukso! Layuan mo ako!
______ 4. Ahas siya sa grupong ito.
______ 5. Saan? Saan makikita ang bayani ng bayan?
______ 6. Batang matanda ang tingin nila sa akin.
______ 7. Bumaha ng dugo sa lalawigan nang lumabas ang katotohanan.
______ 8. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo ang aking kapighatian.
______ 9. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo.
______ 10. Ang kanyang kagandahan ay parang bituing nagniningning.
______ 11. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
______ 12. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
______ 13. Magsaya kayo’t ililibing ako na di makikita ng lahat sa mundo.
______ 14. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
______ 15. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
Para sa numero 16-24, suriin kung anong uri ng pag-uulit ang ginamit sa mga sumusunod na tula.
A. Aliterasyon C. Anadiplosis E. Empanodos
B. Anapora D. Epipora
______ 16. Hayaang humagulgol ang aso sa tumana.
Hayaang sa duluha’y may lampong na pusa.
Hayaang sa punso’y may katyaw na tumutuka.
~ Bahay-Bahayan
Rogelio G. Mangahas
______ 17. Huwag tulutang ibagsak ng kaaway
ang pamahalaan ng bayan,
ang matatag na sandigan ng bayan,
ang malakas na luklukan ng bayan.
______ 18. Pawid man ang pugad ng pagsinta’t pangarap
kung pagtutuwangan ng pag-iirugan
sa pawisang-palad,
pangako’y kakamti’t
Panginoo’y papayag.
______ 19. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit.
______ 20. Ang kaluwagan mo sa ‘king kagipitan,
Kagipitang minsan ay pinagpulasan ...
~ Bitiwan Mo Ako
Jose M. Buhain
______ 21. Ang Diyos ang simula ng wakas at ang wakas ng simula.
______ 22. Pag-ibig ...
ikaw ang ligaya’t lungkot ng puso,
pag-asa at kabiguan ng puso,
buhay at kamatayan ng puso.
______ 23. Gumising ka giliw sa gitna ng gabi
gupili’y gusuti’t garampot tang gintong
gunita’y gunamin.
______ 24. Panahon na upang ang diwa’y lumipad.
Panahon na upang ang puso’y tumigas.
Panahon na upang ang naipong lakas
ay pahulagpusin at sa’yo ibagsak.
~ Paraanin Mo Ako!
Jose M. Buhain
B. Isulat ang letrang A kapag ang pahayag ay TAMA at B kung ito’y MALI.
Para sa numero 25-35, basahin ang tula sa ibaba.
“Sinira ng pagwawala ko
Ang pagtitiwala mo,
Pati ng barkada
Kaya sising-alipin ako.
Ang laki ng naging kapalit
Sa binalewala kong pakikisama mo
Nasugapa lalo ang buhay ko.”
______25. Ang tula sa itaas ay halimbawa ng tulang may malayang taludturan.
______26. Ang salitang sising-alipin na nakasalungguhit sa itaas ay nangangahulugang walang
pagsisisi.
______27. Ang kasalungat na kahulugan ng salitang nasugapa ay nasira.
______28. 9-7-6-9-9-12-10 – Ito ang sukat ng mga taludtod sa tula.
______29. Ang tula ay nahahati sa mga taludtod samantalang ang sanaysay ay nahahati sa mga
talata.
______30. Ang tugma ay pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng
taludtod.
______31. Isang elemento ng tula ang sukat kung saan ito’y tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat
saknong ng isang tula.
______32. Ang mga tula ay hindi na kinakailangang magkintal ng larawang-diwa sa mga
makababasa nito dahil ito ay katangiang tinataglay ng maikling kuwento.
______33. Kailangan maging matatas at malinaw ang pagbibitiw ng salita kung ikaw ay nagtutula.
______34. Sa pagbibikas ng tula ay hindi na kailangan ang pagkumpas.
______35. Sa pagtutula, kailangan parating mayroong tugmaan sa bawat hulihan ng taludtod.

C. Isulat sa patlang ang letra ng bahaging nagpapamali sa pangungusap. Kung walang mali sa
pangungusap, isulat ang letrang E.
Halimbawa:
D 1. Ang aking guro sa Filipino ay si Bb. Marco Darauay.
A B C D
______36. Ang Larawang-Diwa ay paggamit ng mga salita na may ibang kahulugan sa mapanuring
A B C
isipan ng mga mambabasa.
D
______37. Ang Apostrope ay uri ng patalinghagang salita na gumagamit ng mga eksaherasyon.
A B C D
______38. Ang Sukat ay isang mahalagang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig
A B C
sa bawat taludtod.
D
______39. Ang paggamit ng Talinghaga ay sadyang paglayo sa paggamit ng pangkaraniwang salita
A B C
upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.
D
______40. Ang Malayang Taludturan ay uri ng tula ayon sa kayarian na may hindi pare-parehong
A B C
sukat sa bawat saknong.
D

D. Sumulat ng isang saknong na tula gamit ang dalawang uri ng kumbensyunal na tula sa ibaba.
Pamantayan: Bilang ng pantig sa taludtod (2), Malikhaing Pagkakabuo (3)

HAIKU TANKA

Inihanda ni: Iwinasto ni:


Kristell S. Alipio Edward D. Garcia, Ph. D

Buti pa ang lovelife sineseryoso mo,


Eh, ang pag-aaral kaya?

Vous aimerez peut-être aussi