Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
Pangkalahatang Panuto:
Bawal ang pagpapalit ng sagot. Maging TAPAT sa lahat ng kasagutan. Kung hindi mo alam, ‘wag
nang pilitin.
SMILE. ‘Di ka naman bibitayin. Pwede ka nga lang hindi pumasa.
Finish the exam in 1 hour. Alam mo dapat kung kalian na dapat sumuko. Pag tapos na, tapos na.
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na katanungan. Pag mali ang sagot, mali na ito. ‘Wag mo nang
ipaglaban pa ang mali dahil sa huli’y masasaktan ka lang. Sagutin mo nang maayos, ‘wag mong paglaruan ang test paper dahil
wala naman siyang ginawang mali sa’yo.
1. __________ ang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbolo.
a. Wika b. Diskurso c. Sintaksis d. Kompitens
2. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang _____________.
a. Simbolo b. Kultura c. Tunog d. Sambitla
3. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _____________.
a. Pinipili b. Isinasaayos c. Dinamiko d. Kagila-gilalas
4. Ang salitang Ingles na language ay galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay ___________.
a. Dila b. Bibig c. Tunog d. Salita
5. Ang sinasalitang tunog ay nalilikha ng sa pamamagitan ng _____________.
a. Baga b. Bibig c. Aparato sa Pagsasalita d. Babagtingang-tinig
6. Nagkakaiba-iba ang wika ng mga bansa at mga pangkat dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang ____________.
a. Edukasyon b. Kasaysayan c. Kultura d. Bokabularyo
7. ___________ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Jargon d. Idyolek
8. ___________ naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Jargon d. Idyolek
9. ___________ ang dayalek na particular sa isang ispiker.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Jargon d. Idyolek
10. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay ___________.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino d. Ingles
11. Pangunahing nilalaman ng polisiyang pangwikang edukasyong ____________ ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang
wikang panturo.
a. Lingguwal b. Monolingguwal c. Bilingguwal d. Multilingguwal
12. Ang wikang ____________ ay ang wikang itinatadhana ng batas bilang wikang ginagamit/gagamitin sa mga opisyal na
komunikasyon ng gobyerno.
a. Pambansa b. Panturo c. Opisyal d. Wala sa Pagpipilian
13. Ang ___________ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika.
a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multilingguwalismo d. Wala sa Pagpipilian
14. Ang ____________ ay tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.
a. Unang Wika b. Ikalawang Wika c. Wikang Pambansa d. Dayalek
15. Ito ay ang pagkakaroon ng iisang standard ng paggamit ng isang partikular na wika.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Homogenous d. Heterogenous
II. Panuto: Tukuyin ang antas ng wikang ginagamit sa mga sumusunod na pahayag. Bigyan ng pansin ang mga salitang may
salungguhit. Mamili sa mga sumusunod:
a. Pambansa d. Kolokyal
b. Pampanitikan/Panretorika e. Balbal
c. Lalawiganin
Isulat ang titik ng iyong sagot sa kaukulang patlang. Isa lamang ang sagot sa bawat aytem.
III. Panuto: Tukuyin kung aling Kahalagahan ng Wika ang ipinakikita sa mga kasunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
a. Instrumento ng Komunikasyon
b. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman
c. Nagbubuklod ng Bansa
d. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
_______35. Pag-aanunsyo ng mga tanggapan ng gobyerno ng mga kautusan at sirkular sa kani-kaniyang website
IV. Panuto: Tukuyin ang mga tungkulin o gamit ng wika sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.
a. Interaksyonal e.Imahinatibo
b. Instrumental f. Heuristik
c. Regulatori g. Impormatib
d. Personal
_______42. Binabalaan ang mga nakatira sa mga mababang lugar ng biglang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan.
_______48. Ryan, sasagutin kita ‘pag pumuti ang uwak at ‘pag pumuti ang tagak!
V. Panuto: Gamit ang kasunod na Venn Diagram, paghambingin at ikontrast ang sitwasyong pangwika noon at sa
kasalukuyan. (30 puntos)