Vous êtes sur la page 1sur 5

PANGKALAHATANG PAGTITIPON / PAMPINID NA PALATUNTUNAN

ZONE 5, GREENPARK COVERED COURT


Biyernes, ika-31 ng Agosto, 2018

Dane at Aldrin : (Sabay) Isang Mapagpalang Umaga sa Inyong Lahat!


DANE : Bago ang lahat, marapat lamang na ang programang ito’y simulan natin ng isang
panalangin na pangungunahan ni Bb. Angelica Casugbo na agad namang susundan ng
pag-awit ng Lupang Hinirang ni Kimberly Reyes mula sa Baitang 11-Pangkat PETER.

ALDRIN– Kasunod din nito ang pag-awit ng himno ng ABE ni Princess Jade Jimenez
mula sa Baitang 11- Pangkat Deloitte.

Sabay: Inaanyayahan po ang lahat na magsitayo.

_________ PANALANGIN _________to HIMNO


DANE - Maaari ng umupo nang tahimik ang lahat.

DANE : Ang pagkakasilang ng wika ay nagbibigay buhay sa sibilisasyon; sa pagkatuto , ang


naghihiwalay ng tao sa hayop. Tayo ay may kanya-kanyang hibla ng buhay na kapag hinabi sa isa
ay mabubuo ang isang malaking katotohanan. Magkakaiba man tayo, may iisang bagay na nag-
uugnay sa atin- ang ating wika.

ALDRIN: Sang-ayon ako sa iyong tinuran DANE. Kahit noon pa man ay may wika na tayong
maipagmamalaki. Ito ay ang wikang Filipino na patuloy na pinauunlad dahil sa pananaliksik. Sa
lahat ng pagkakataon kung walang wikang nasaliksik, ang landas na tatahakin ay puro BALUKTOT
o TALIWAS.
Kaya nga ngayong Buwan ng Wika, Tayo ay may temang…

Sabay : Filipino: Wika ng SALIKSIK


Ako si ______________
at ako naman si ________________
Sabay: Kami ang inyong Tagapagdaloy ng Palatuntunan para sa Araw ng PINAL NA
PATIMPALAK AT PARANGAL sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong kasalukuyan
DANE : at upang lalo tayong maliwanagan sa umagang palatuntunan
Malugod kong inaanyayahan ang director ng ating paaralan walang iba kundi si … Gng.

Aileen Casero para sa pambungad na pananalita .


SABAY : isang masigabong palakpakan.

_________ Pambungad na Pananalita________

ALDRIN : Maraming salamat Gng. Casero sa iyong tinuran.


Simula pa lamang ay nagkaroon na tayo ng kaalaman para sa layunin ng pagtitipong ito.
DANE - Sa pagkakataong ito’y ating tawagin at pakinggan ang tagapangulo ng Programa at
Gawain ng Buwan ng Wika 2018, upang ilahad ang mga gawain ng programang ito,
walang iba kundi si Ginoong Danilo Agpaoa.
Sabay : Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan si G. Agpaoa
_________ Paglulunsad__________
DANE: Maraming Salamat po G. Agpaoa.Sadyang napakahalagang ipagdiwang natin ang Buwan
ng Wika sa pamamagitan ng mga patimpalak tulad ng Sabayang pagbigkas, Pag-awit ng
OPM , at maging ang TAGALOG SPOKEN POETRY.
ALDRIN: Totoo yan DANE, gayundin sa simpleng paraan ng ating pakikiisa sa pagdiriwang ay
sadyang napakahalaga upang maipakita natin na tayo’y may pagmamahal sa ating
sariling wika.
DANE : Wagas ang iyong tinuran Ginoo.
ALDRIN : Salamat Binibini.
- At sa puntong ito, bago tayo magpatuloy ay panoorin muna natin ang isang natatanging
presentasyon ng EXTREME MOVERS . Isang matunog na palakpakan.

___________ Natatanging Bilang _______________


DANE : Sobrang namangha ako sa pinakita nilang talento. Sigurado akong napukaw ang
atensyon nating lahat sa ipinakita nilang galing sa pagsayaw.
ALDRIN: Patunay lamang ito na ang mga mag-aaral ng ABE Cainta ay TALENTADO
DANE : Talagang kahanga-hanga!
Ngayon naman ay malugod po naming tinatawagan ang ating pinakamamahal na Tagapag-ugnay
sa SHS walang iba kundi si Gng. Kristina Palma upang magbigay ng isang
mahalagang mensahe.
___________ Mensahe____________

DANE : Maraming Salamat po Gng. Kristina Palma

ALDRIN: Salamat Binibini. Ito na ang pinakahihintay ng lahat – ang unang bahagi ng pinal na
patimpalak

Sabay: Ang PATIMPALAK MASINING NA KASUOTAN , timpalak pag-awit at spoken poetry


DANE at Aldrin : Ang Ginoo at Mutya ng Wika ng Bawat
Pangkat . Simulan natin sa Baitang 11.
Pangkat – PETER Pangkat Luxent
Pangkat – Pacioli Pangkat Linux
Pangkat Richmond Pangkat Macintosh
Pangkat Babbage Pangkat Taylor
______________________RAMPA_____________________

Baitang 12
Pangkat Andersen Pangkat Venetian
Pangkat Hilton/ Belmont Pangkat Jobs
Pangkat Shakespeare Pangkat Torvalds
Pangkat Newton Pangkat Deloitte

______________________RAMPA_____________________
ALDRIN : Talagang kabigha-bighani ang kagandahan ng mga kababaihan ng ABE
DANE : Ganun din naman ang mga makikisig na kalalakihan ng ating mutyang paaralan
At ngayong natunghayan nyo na ang kanilang natatanging kasuotan, mamaya, bago matapos ang
programa ay pararangalan ang magiging GINOO at MUTYA ng WIKA 2018 ng ABE.
ALDRIN
- At sa puntong ito, bago tayo magpatuloy ay panoorin muna natin muli ang EXTREME
MOVERS . Isang matunog na palakpakan.
DANE : Tumungo na tayo sa TIMPALAK pag-awit. Tinatawagan si ______________
Para sa pagbasa ng mga pamantayan at pagpapakilala sa mga hurado

__________________ pamantayan at pagpapakilala sa mga hurado__________________

ALDRIN.- Simulan na natin ang tagisan ng pag-awit ng OPM .


_______________________TIMPALAK PAG-AWIT________________________

DANE : Sobrang namangha ako sa kanilang husay sa pag-awit ng OPM.


ALDRIN : Sumasang-ayon ako diyan DANE. Kaya ko rin yan! (sample)
--adlib--- si Dane
DANE: Tunghayan na natin ang sunod na TIMPALak.. ang Pagtula.. hindi lamang ito basta
pagtula..sapagkat ito ay mula sa hugot ng kanilang madamdaming karanasan ---Ang SPOKEN
POETRY
ALDRIN : Huwag na natin patagalin pa, narito na ang unang kalahok
_____________________ TIMPALAK SPOKEN POETRY___________________

Dane : Natapos na ang unang bahagi ng patimpalak. Mamayang ala-una ay sisimulan naman
natin ang ikalawang bahagi at ang parangal sa mga nagwagi. Kayo pinuputol muna pansamantala
ang programa upang bigyang daan ang masarap na kainan.. ang boodle fight

ALDRIN: Paalala lamang para sa boodle fight ….ang kalinisan ay kailangang panatilihin
pagkatapos ng boodle fight. (adlib)

_____________________BOODLE FIGHT ____________________

DANE: adlib—sa pagkain kanina sa boodle fight….


Dahil nabusog tayong lahat… simulan na natin ang ikalawang bahagi ng patimpalak.
Sabay : Ang timpalak madulang sabayang pagbigkas at timpalak pagsayaw
ALDRIN : Para basahin ang pamantayan sa patimpalak at pagpapakilala sa mga hurado
tinatawagan si ________________
Isang masigabong palakpakan
DANE : simulan na natin ang timpalak MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS
________________________MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS___________

ALDRIN : Mukhang nahihirapan na ang mga hurado dahil sa husay ng ating mga kalahok.
Mas lalo natin silang papahirapan dahil susundan na ito ng TAGISAN NG PAGSAYAW mula sa
saliw ng musikang katutubo at himig PILIPINO.

DANE : Tunghayan na natin ang unang kalahok

______________________________PAGSAYAW_____________________

ALDRIN : Sa wakas, dahil tapos na ang lahat ng patimpalak.. marapat lamang na bigyan na natin
ng parangal ang mga nagsipagwagi . pero bago tayo magpatuloy ay panoorin muna natin
JAGUARS PEP SQUAD para sa natatanging bilang . Isang matunog na palakpakan.
DANE : Handa na ang ating mga hurado, natapos na rin ang kanilang paghihirap dahil may
resulta na kung sino ang mga nagwagi sa bawat patimpalak.
ALDRIN: Tinatawagan si Gng Gladys Castaneda para sa pagbasa ng SERTIPIKO ng Pakikilahok
___________________PaGBASA ng SERTIPIKO_____________

ALDRIN: Tinatawagan din sa entablado sina Gng. Aileen Casero, Dean Mary
Rose Cruz at …
Gng. Kristina Palma at Ginoong Agpaoa para sa
paggawad ng parangal

___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________


ANG PAGPAPARANGAL SA MGA NAGWAGI NG TIMPALAK
GINOO AT MUTYA NG WIKA 2018
PAG-AWIT
SPOKEN POETRY
MADULANG SABAYANG PAGBIGKAS
PAGSAYAW

DANE : Ronald, labis akong nagalak na makitang pinararangalan ang ating kapwa mag-aaral.
ALDRIN: Maging ako man, kaya muli, palakpakan natin sila!
Ang lahat ng mag-aaral na pinarangalan ay mangyaring pumunta sa gilid ng entablado.

___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________

DANE : Tunay ngang napakahuhusay ng bawat kapwa ko mag-aaral!

ALDRIN: Marapat lamang bago matapos ang programang ito ay marinig natin ang PANGWAKAS NA
PANANALITA ni … Gng. Mary Rose Cruz, Dekano, ABE, Cainta na susundan ng
mensaheng pasasalamat ni Ginoong Danilo P. Agpaoa, Tagapangulo ng Buwan ng Wika 2018.
Isang masigabong palakpakan!

DANE : Lubos akong nagagalak sa matagumpay na paglulunsad ng buwan ng wika ng taong


kasalukuyan
ALDRIN: Gayundin ako DANE. Hanggang sa muli. ako si _______________ at
DANE : ako naman si _________ ,,na nagsasabing….

Sabay--: Mabuhay ! Isang Maalab na pagmamahal sa wikang Filipino , Ang WIKA NG SALIKSIK

Vous aimerez peut-être aussi