Vous êtes sur la page 1sur 2

Kasabay ng paghagkis ng mga letra,

ng bawat diwang mapanlikha,


ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap,
ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan,
muli niyang ipamamalas ang kanyang kariktan.

Kariktang minahal natin… alindog na maraming umaglahi


ngunit nakabangon sa pagkalugami.
Patutunayan niyang siya’y kasangkapang lubos na makapangyarihan;
kapangyarihang gumahis, magwasak, bumuo, bumalangkas, o magpalaya
ng mga nagpupumiglas na ideya
sa bartolina ng porma’t istruktura.

Siya, na bumubuhay sa ating sistema,


sa bawat himulmol at himaymay ng ating katawan,diwa,at damdamin,
walang iba kundi ang ating Inang Wika!

Ang Kagawaran ng Filipino ay marubdob na nagpapasalamat sa lahat ng mga nakibahagi


upang magtagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Tunay, na ang anumang gawain kapag pinuhunan ng pagtutulungan ay magbubunga ng lubos


na tagumpay!

Maraming salamat at magkatuwang po nating ikintal sa isipan ng mga mag-aaral ang dalisay na
pagmamahal sa wikang bukambibig ng ating mga bayani….ng ating liping magiting!

ANG WIKANG FILIPINO

Vous aimerez peut-être aussi