Vous êtes sur la page 1sur 35

Espanyol – ang opisyal na

wika at ito rin ang


wikang panturo
Nang sakupin ng mga Amerikano
ang Pilipinas, sa simula ay dalawang
wika ang ginamit ng mga bagong mananakop
sa mga kautusan at proklamasyon,
Ingles at Espanyol.
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang
Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami na ang natutong magbasa at
Magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang
naging tanging wikang panturo batay
sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman
noong Marso 4, 1899.
Noong 1935 halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa
wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)
Ngunit sa simula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na
ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa
mga opisyal na kasulatan. Sa
Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-
Bato noong 1897, itinadhanang Tagalog
ang opisyal na wika.
Noong Marso 24, 1934, pinagtibay
Ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng
Estados Unidos ang Batas Tydings-
McDuffie na nagtatadhanang
pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
Artikulo XIV Seksyon 3 ng
Konstitusyon ng 1935
Sa Saligang-Batas ng Pilipinas,
nagtadhana ng tungkol sa wikang
pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa
na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.” (Pebrero 8, 1935)
Katutubong wika/ pangunahing
wika sa Pilipinas:

Cebuano Pangasinan
Hiligaynon Kapampangan
Samar Leyte Tagalog
Bikol
Ilokano
Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ng Pangulong
Manuel Louis M. Quezon sa kanyang
mensahe sa Asemblea Nasyonal ang
paglikha ng isang Surian ng Wikang
Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral
ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat
na batay sa isang wikang umiiral.
Nobyembre 13, 1936
Pinagtibay ng
Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa, at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP:
1. Pag-aaral ng mga pangunahing
wika na ginagamit ng may kalahating
milyong Pilipino man lamang;
2. Paggawa ng paghahambing at pag-
aaral ng talasalitaan ng mga
pangunahing dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at
ortograpiyang Pilipino;
Tungkulin ng SWP:
4. Pagpili ng katutubong wika
na siyang magiging batayan ng wikang
pambansa na dapat umaayon sa (a) ang
pinakamaunlad at mayaman sa panitikan,
at (b) ang wikang tinatanggap at
ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
Enero 12, 1937
Hinirang ng Pangulong Manuel L.
Quezon ang mga kagawad na bubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa
tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt
Blg. 184, sa pagkakasusog ng Batas
Komonwelt Blg. 333
Ang mga nahirang na kagawad ay
ang mga sumusunod:

Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo


Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) - Kagawad
Filemon Sotto – (Visayang Cebu) - Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad
Mga Kagawad
Lope k. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad ( Visayang Cebu)
Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral,
at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt
Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa ay
nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y
ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang
halos na lubos na nakatutugon sa mga
hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas
na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
pambansa.
Disyembre 30, 1937
Inilabas ng Pangulong Quezon
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
na nagsasabing ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay batay sa Tagalog.

Tagalog ang ginawang saligan ng Wikang


Pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maraming wikain sa bansa. Sa madaling salita’y
hindi magiging mahirap ang Tagalog sa mga di-
Tagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng
Pilipino sa ganitong ayos:
59.6% sa Kapampangan
48.2% sa Cebuano
46.6% sa Hiligaynon
49.5% sa Bikol
31.3% sa Ilokano

9 to 10 libong salitang magkakatulad at


magkakahawig sa bigkas, baybay at kahulugan
sa pangunahing wika natin
Noong Abril 1, 1940
Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263. Ipinag-uutos nito ang:
1. pagpapalimbag ng A Tagalog-English
Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na
pinamagatang Ang Balarila ng Wikang
Pambansa; at
2. pagtuturo ng Wikang Pambansa simula
Hunyo 19, 1940 sa mga Paaralang Publiko at
Pribado sa buong kapuluan.
“Gintong Panahon ng Tagalog”
Nang lumunsad sa
dalampasigan ng
Pilipinas ang mga Hapon noong
1942, nabuo ang isang grupong
tinatawag na “purista”. Sila ang mga
nagnanais na gawing Tagalog na
mismo ang wikang pambansa at hindi
na batayan lamang. Malaking tulong
ang nagawa ng pananakop ng mga
Hapon sa kilusang nabanggit.
Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes,
ang Pangasiwaang Hapon ang
nag-utos na baguhin ang probisyon
sa konstitusyon at gawing Tagalog ang
Pambansang Wika.
Sa layunin ng mga Hapon na
burahin sa mga Pilipino ang anomang
kaisipang pang-Amerikano at mawala
ang impluwensya ng mga ito, Tagalog
ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang
naging opisyal na mga wika.
Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang
Panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming
manunulat sa wikang ingles ang gumamit ng
Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento,
nobela, at iba pa.
Sa Panahon
ng
Pagsasarili
Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg.
570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940.

Nang matapos ang digmaan, ilang taon ding hindi


Napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang
Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa
si Ramon Magsaysay.

Marso 26, 1954, Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay


ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang
Abril 4 taon-taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang
Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang
Araw ni Balagtas (Abril 2).
Setyembre 23, 1955
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
ang Proklama Blg. 186 nagsususog sa Proklama
Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan
nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13
hanggang 19. (bilang paggunita sa kaarawan ni
Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilala bilang
“Ama ng Wikang Pambansa”.

Agosto 13, 1959


Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa,
ang salitang Pilipino ay siyang gagamitin.
Oktubre 24, 1967
Naglagda ang Pangulong Marcos ng
isang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
na nagtatadhanang ang lahat ng gusali,
edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay
pangangalanan na sa Pilipino.

Marso 27, 1968


Inilabas ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas
ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nag-aatas na ang
lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay
ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles.
Iniutos din ng sirkular na ang pormularyo ng
panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at
Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang
Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang
Antas/kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng
Pilipino sa lahat ng kurso, maliban sa kursong
pang-edukasyon na dapat Kumuha ng
labindalawang (12) yunit.
Sa Kasalukuyang
Panahon…
Pebrero 2, 1987

Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas.


Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad ang mga
sumusunod:

Seksiyon 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.

Seksyon 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles.
1987

Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing


ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat
ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.
1996

Pinalabas ng Commision on Higher


Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at
Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3
(Retorika).
Hulyo, 1997

Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel


V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay
magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa
ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
Tagalog – katutubong
Wikang pinagbatayan ng
pambansang wika ng Pilipinas
(1935)
Pilipino – unang tawag sa
pambansang wika ng Pilipinas
Filipino – kasalukuyang tawag sa
pambansang wika ng Pilipinas,
lingua franca ng mga Pilipino, at
isa sa mga opisyal na wika sa
Pilipinas kasama ng Ingles (1987)