Vous êtes sur la page 1sur 1

BANGHAY ARALIN SA PAMAMAHAYAG

Petsa: __Lunes, Hunyo 11, 2018__ Walang pasok dahil sa bagyong Domeng.
Petsa: __Martes, Hunyo 12, 2018__ Walang pasok, Araw ng Kalayaan.
Petsa: __Miyerkules, Hunyo 13, 2017__

I. Layunin:
A. Nabibigyang katuturan ang Pamamahayag.
B. Naipaliliwanag ang mga layunin ng pamamahayag.
C. Natutukoy ang midyum ng komunikasyon sa pamamahayag.

II. Paksang-Aralin:
Kalikasan ng Pamamahayag (kahulugan, layunin, midyum ng komunikasyon
Sanggunian: Ang Mapanuring Umalohokan pp. 2-9

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
magbigay ng 4 na salita na kaagad ninyong maiuugnay kapag narinig
ninyo ang salitang Pamamahayag.

Pamamahayag

2. Pagtalakay
a. Ano ang pamamahayag?
b. Paano naipapahayag ang mga impormasyon na kinakailangan ng mga tao?
c. Bakit mahalaga ang pamamahayag?
C. Paglalahat
Ang Pamamahayag ay isang paraan ng pagbibigay ng impormasyong
kailangan ng mga tao.Ito ay maaaring pasulat, pasalita o pampaningin.
Ang pamamahayag ay may layuning:
1. magpabatid
2. magturo
3. mamuna
4. manghikayat
5. manlibang
D. Pangkatang Gawain
Pangkat I - Gumupit mula sa mga lumang pahayagan ng mga artikulo na nagpapakita ng mga
layunin ng pamamahayag.
Pangkat II - Magtala ng mga halimbawa ng sa bawat midyum ng pamamahayag
IV. Pagtataya
Sagutin:
1. Ano ang pamamahayag?
2. Ano-ano ang mga layunin ng pamamahayag?
3. Bakit mahalaga ang pamamahayag?

Vous aimerez peut-être aussi