Vous êtes sur la page 1sur 4

Panimula

Cell phone, text, GM, miss call. Sa panahon ngayon, malamang, mga sanggol
na lamang na wala pang paningin ang hindi nakaaa-alam ng mga salitang
nabanggit. Talaga ngang masasabing bahagi na ng buhay ng maraming Pilipino ang
kanilang mga cell phone at ang pag-pindot dito. Ngunit, bago ang lahat, paano nga
ba nagsimula ang texting dito sa Pilipinas?

Mga labing-limang taon nang nakakaraan, ayon kay Pormentilla, mayayaman


lamang ang nabibiyayaan ng cell phone at ng pribelehiyo na makapagtext.
Bagama’t hindi pa gaanong kagandahan ang mga cell phones noon, mahal pa rin
ito. At maging ang presyo ng pagtetext ay hindi sulit dahil wala pang mga promo
ang mga kompanya katulad ng Globe na katulad ng one-day unlimited texting.
Nitong mga panahon pang ito, kadalasan, ang habol ng mga kabataan ay games ng
cell phones at hindi ang pakikipagtext.

Ngunit isang dekadang nakakaraan hanggang ngayon, malaki na ang


nagbago. Mahirap o mayaman, may cell phone. Ayon sa Zpryme.com, bahagi na ng
pang-araw-araw na buhay ng karamihan sa mga Pilipino, lalo na ang mga kabataan.
Masasabi na ngang isang obsesyon ng mga Pilipino ang texting. Karaniwang dahilan
kung bakit nahuhumaling ang karamihan sa pagtetext ay para mapanatili ang
kanilang ugnayan sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay lalo na kung ito ay
nasa malayong lugar. Sa katunayan, ayon sa ArticlesBase.com, ang Pilipinas ang
texting capital of the world. Noong 2007, 42.7 milyong katao ang tumangkilik sa
pagtetext dahil diumano mura ito kumpara sa pagtawag.

Problem

Ngayong alam na natin ang pagunlad ng mobile texting mula pagiging


mahal, hanggang sa pagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino,
pumasok na tayo sa tunay na layunin ng papel na ito. Atin nang alamin ang epekto
ng texting sa wika, lipunan at kultura nating mga Pilipino.
Paano naaapektuhan ng texting ang wika ng mga Pilipino? Una, ano ang
wika? Ayon sa aming pag-aaral sa Fil40, ang wika ay set ng simbolo at tunog na
ginagamit upang magkaintindihan at maipahayag ang kaisipan ng isang tao. Ayon
sa mga naunang talata, ilang taon nang nakararaan, mahal pa ang presyo ng
pagtetext. Dahil dito, iniiba ang baybay ng mga salita kapag nagtetext. Pinapaikli
ito upang makatipid sa space at pinipilit na magkasya sa isang page ang nais
sabihin upang hindi abutin ng doble ang babayaran. At hanggang ngayon, kahit
mura na at marami nang promos kaugnay ng pagtetext, hindi na nawala ang pag-
uugaling pagpapa-ikli ng mga salita. Sa katunayan, lumala pa ito. Dahil dito,
umusbong ang grupong kung tawagin ay jejemon. Ang jejemon ay mga kabataang
may natatanging paraan ng pagtetext na kung saan, malaki ang nagiging
pagbabago ng mga babay ng mga salita. At sa ngayon, hindi lamang ito sa text
nangyayari. Ang mga jejemon ay ginagamit na rin ang kanilang kakaibang paraan
ng pagtetext maging sa personal harap-harapang pakikipag-usap.

Ayon kay Constantino, ang wika ang nagpapalaya sa kaisipan ng isang tao.
Malaki ang naitutulong ng wika sa pagunlad ng isang bansa. Ngunit, dahil sa
epektong ito ng pagtetext, na maging ang tamang baybay ng mga salita ay
maaaring makalimutan ng mga kabataang obsesyon ang pagtetext, malamang ay
hindi makakatulong ang wika sa edukasyon at maging sa pag-unlad ng bansa.

Ayon naman kay Halliday, isang gamit ng wika ang interaksyunal o ang
paggamit sa wika upang mapanatili ang pakikipag-kapwa tao. Dahil sa pagtetext,
ang gamit na ito ng wika ay sa mundo na nga pagtetext nagaganap. Kadalasan pa
nga, mas maganda ang pakikipag-talastasan ng mga tao kapag sa text kumpara sa
harap-harapan dahil hindi magkaharap ang taong naguusap sa text. Dahil dito, hindi
nahihiya ang isang tao na sabihin ang nais niyang sabihin. At dahil dito, nawawala
ang isang mahalagang gamit ng wika na interaksyunal na pakikipagtalastasan
gamit ang dila at hindi daliri.

Paano naman naaapektuhan ng pagtetext ang lipunan? Dahil na rin sa pag-


usbong ng mga jejemon, naapektuhan ang lipunan dito sa Pilipinas. Dahil sa kanila,
dumami ang mga kabataan sa lipunang nasasanay sa pagbabago ng baybay ng
mga salita sa pagtetext. At dahil dito, bumaba ang tingin ng iba sa kalidad ng
edukasyon sa Pilipinas.

Ayon kay Constantino, nagsisilibing behikulo ng mga mamamayan ang wika


upang makibahagi sa gawaing panlipunan. Dahil sa mabilis at malawak na
paglaganap ng teknolihiya dito sa Pilipinas, karaniwan nang ipinapahayag ng mga
tao at kabataan ang kanilang mga reaksyong panlipunan sa mga social networking
sites at maging sa pagtetext. Sa pagtetext na nagaganap ang gamit ng wika na
instrumental. Ayon kay Halliday, isang gamit ng wika ang instrumental o ang
paggamit ng wika upang manipulahin ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid. Sa
pamamagitan ng group messaging, maaaring mabilis na manipulahin ng isang tao
ang iba gamit ang pagtetext. At sa panahon ngayon, ito ang madalas na mangyari.

Paano naman naaapektuhan ng pagtetext ang kultura? May naging epekto


rin ang mga jejemon sa kultura dito sa Pilipinas. Itinuturing ang mga jejemon na
subculture. Ayon sa Wikipedia, ang subculture ay binubuo ng mga taong may ibang
kultura kumpara sa nakagawian. Maaaring ito ay counterculture kung kinakalaban
nito ang dominanteng kultura. Ang mga jejemon ay kinakalaban ang wikang Filipino
dahil sa kanilang gawaing pagbabago ng mga baybay ng mga salita. Isa pa,
nagiging daan na ng ibang kabataan ang pagtetext upang manligaw na talagang
nakasira sa kultura ng mga Pilipino na pormal at personal na panliligaw.

Makakatulong ba o makakasama sa Pilipinas ang ganitong kalagayan? Ayon


kay Arancon, hindi lahat patungkol sa pagtetext ay nakakasama sa bansa. Sa
katunayan, maaarin pa itong makatulong. Sa pamamagitan ng pagtetext, maaaring
masabi ng isang mamamayan na kabilang sa isang komunidad kung ano ang nais
niyang iparating sa nakakataas na pinuno ng kanilang bayan ng mas madali. Isang
halimbawa na lamang ay ang Boto Mo, I-patrol Mo na inilunsad ng ABS-CBN News
and Current Affairs na naglalayon na makatulong na magbantay sa halalan ang
bawat mamamayan sa pamamagitan ng pagtetext at paggamit ng social
networking sites. At isa pa, nakatulong din ang pagtetext nang manalasa ang
bagyong Ondoy. Sa pamamagitan ng pagtetext, madaling natulungan ng mga
rescuers ang mga taong nanganga-ilangan ng tulong.
Sa kabilang dako, hindi nakatutulong ang pagtetext sa lahat ng pagkakataon.
Tulad ng alam na ng marami, marami nang mga kabataan ang nagiging obsesyon
ang pagtetext. Dahil dito, pati ang kanilang pag-aaral ay naaapektuhan at maging
ang baybay ng mga salita ay kanilang pinapalitan. Sa makatuwid, hindi magtatagal
ay bababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa at, kapag nangyari ito, magiging
malaki ang epekto nito sa bansa hanggang sa hinaharap. Isa pa, Ayon kay Jace
Galloway-Shoemaker, maraming pang negatibong epekto ang pagtetext lalo na ang
sobrang paggawa nito. Ilan sa mga ito ang, hindi tama at madalas na paggastos ng
mga kabataan para sa load, ang pagtetext kahit habang nagmamaneho o pagtetext
habang naglalakad sa daan o tumatawid na minsan pang nagiging dahilan upang
mabundol o kung hindi naman ay manakawan, at ang pagtetext ng mga kabataan
upang makaiwas sa emosyonal na pakikipagtalakayan sa ibang tao katulad ng
panliligaw.

http://zpryme.com/news-room/philippines-sms-sms-filipino-mobile-texting-culture-
zpryme.html
http://www.articlesbase.com/computers-articles/the-history-of-text-messaging-
1177228.html
http://www.essortment.com/all/mobilephonetex_rcaw.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Subculture
http://www.bnetsavvy.org/wp/the-benefits-and-risks-of-texting/
By Jace Galloway-Shoemaker