Vous êtes sur la page 1sur 8

Dokumentasyon

sa
Filipino

(ANIMASYON)

 
 
 
 
 
(credits) 
ANIMASYON 
 
Ang animasyon ay isang mabilisang paglabas ng mga sunod-sunod na larawan ng
gawang 2-D o 3-D o posisyong modelo para makagawa ng ilusyon ng paggalaw. Ang epekto ay
isang ilusyong optikal ng mosyon dahil sa penomenon ng persistensiya ng bisyon, at maaaring
makagawa at maipakita sa maraming paraan. Ang larawang mosyon ang pinakakilalang
metodo ng pagpapakita ng animasyon o programang bidyo, kahit na meong ibang metodo.
Ang animasyon ay popular sa paglikha ng mga sine at palabas sa telebisyon. Ang mga
advertiser rin ay gumagamit rin ng kapamaraanan ng animasyon upang ipakilala ang kanilang
produkto sa telebisyon. At idagdag pa rito ang mga palabas na impormatibo dahil gumagamit rin
sila ng animasyon kung nahihirapan silang gumawa ng ilustrasyon ng kanilang ideya o ideyang
hindi maaaring magawa sa totoong buhay.

Ang animasyon ay maaaring magawa kahit hindi gumagamit ng kahit na anong


teknolohiya. Isang simpleng halimbawa ng animasyong ito ay ang flip-book. Isang grupo ng
larawan na may pagkakasunod-sunod na nakapatong sa bawat isa. Kung mabilis ang pagpitik
ng mga papel, ang larawan na sa papel ay nagmumukhang gumagalaw. Ang unang hakbang sa
paggawa ng isang animasyon ay ang buo ng kuwento para sa palabas. Pagkatapos mabuo ang
istroya, ang isang writer at artista ay magsisimulang bumuo ng storyboard, na nagsisilbing ikript.
Ang storyboard ay ay nagsisilbing isang malaking komik strip. Ito ay naglalaman ng paunang
mga guhit upang makita lamang ang takbo ng istorya kasama ang diyalogo na nakasulat bawat
drowing. Pagkatapos ng direktor at iba pang kasama sa grupo aprubahan ang storyboard, ang
susunod naman na gagawin ay ang paglalagay ng musika at diyalogo na irerekord. Ang
komposer ay masusing sinusundan ang takbo ng storyboard upang makita kung amaayon ang
musika sa galaw ng mga karakter sa storyboard.

 
Paano Gumawa ng Animation 

Ang pag-aanimate ay hindi isang simpleng trabaho lang. Kelangan mo ng sipag at


determinasyon, mahabang pasensya at konting talento. Pero, kung gusto mo yung
pag-aanimate at nag e-enjoy ka dito, mas napapagaan yung pag gawa mo nito.
Ano ba ang dapat kailangan para makapag simulang mag-animate?

Drawing 

1. Drawing. Unang-una sa lahat dapat marunong ka mag drawing. Syempre, dapat maka
drawing ka muna ng mga characters mo bago ka maka pag animate. Kung hindi ka naman
masyadong marunong mag drawing, huwag mag-alala. Mag practice lang ng mag practice.
“Practice makes perfect” ika nga.

Pwede rin sumali ka ng mga drawing classes na ino-offer ng ibang schools or sa malls. Kaya,
kung ikaw ay isang estudyante at wala kang magawa sa summer subukan mo ito.
Makakatulong na sa pag improve ng iyong drawing, hindi ka pa ma bo-bored sa kaka hintay ng
sunod na pasukan.

Kung ikaw naman ay nagtatrabaho na at feeling mo wala ka na oras sa mga classes na eto.
Pwede ka humanap ng mga online classes or tutorials. Yung iba ay may bayad pero marami ka
rin mahanap na mga libreng tutorials sa youtube. Kelangan mo lang magsipag sa paghahanap.

Characters 
2. Characters. Hindi porket marunong ka na mag drawing ay makapag animate ka na
kaagad. Kailangan pag isipan mo muna yung mga characters na gagawin mo. Ano yung
magiging pangalan nila? Ano ang magiging itsura nila? Matangkad, payat, kulot, at iba pa. Ano
ang kanilang ugali? Madaldal, makulit, mahilig kumain, at iba pa. Pag na isip mo na kung ano
ang kabu-uan ng pagkatao nila at yung “plot” o mga gagawin nila sa storya mo, dyan ka pa lang
makapagsimulang gumawa ng sketch nila. Ako din nagkaroon ng ibat-ibang idea at sketches
bago ako nag simulang mag animate. Makikita mo yung mga luma kong sketches dito.

Voice 
3. Voice. Merong kang characters at storya (kasama na yung script) so ano na ngayon?
Pwede ka na ba mag animate? Ang sagot, hindi pa. Kelangan mo muna bigyan sila ng boses.
Ang boses ng character ay isang importanteng elemento na magbibigay sa kanila ng buhay.
Kaya kung mag re-record ka ng boses kailingan gandahan mo at bigyan ng magandang
expression. Hindi yung parang halata na nagbabasa ka lang ng script. Ang magandang
example nito ay yung mga cartoons natin na lumalabas sa local tv. Usually, ang original version
nito ay Japanese or English tapos na dubbed lang sa tagalog.
Huwag gumamit ng “text to speech” na softwares kasi mag bo-boses sila na parang robot. Kung
ayaw mo naman i-record ang boses mo, pwede ka magpatulong sa pamilya, kamag-anak o
kaibigan mo. Pag marami ka naman pera, pwede ka mag-hire ng voice actors.

Software 
4. Software. Sa step na eto, dapat meron ka ng characters, plot at voice recording. Pag
may kulang pa, kelangan mong balikan at i-review ang ibang steps sa taas. So ano yung
animation software? Eto yung tutulong sa iyo upang makagalaw at makapagsalita yung mga
characters mo at magmumukha sila buhay na buhay.
Yun lang wala ako ma-suggest na pinaka the best na animation software. Kasi sa panahon
ngayon, maraming na nagsilabasan na iba’t-ibang klase. Ikaw na lang maghanap at mag subok
depende sa style na gusto mo at sa budget mo. Meron dyan free or free-trial, para masubukan
mo muna bago mo bilhin ang software.
Ang pinaka unang-una ko na animation ay mapapanood mo dito.

Final Touches 
5. Final Touches. Binabati kita at nakarating ka sa step na eto. May video animation ka na,
pero hindi pa nagtatapos dyan. Pwede mo pa pagandahin lalo yung animation mo sa
paglalagay ng iba’t-ibang mga palamuti katulad ng sound effects or mga background music.
Pero dapat tandaan, yung mga effects ay hindi mo kinuha sa isang sikat na movie or ang music
sa isang sikat na artist. Kasi mafa-flag yung video mo at ibabagsak ng youtube. Sayang naman
yung pinaghirapan mong animation. Ang mas maganda ay original na gawa mo or maghanap
ka ng mga websites na nagbibigay ng free na effects at music.

Sa step na eto, dito ka rin dapat nag re-review kung may kulang o mali yung kabuuang video
mo. At kung merong kulang or mali, dapat mong ulitin step 4 (o iba pang steps).
Note 
Tandaan, hindi madali gumawa ng animation. Ang simpleng joke video ko ay nagagawa
ko ng isa hanggang dalawang araw. Yung mahirap naman katulad ng Kamay na Bakal ay
umaabot minsan hanggang limang araw, lalo na pag may bagong mga characters. Kaya dapat
talaga masipag ka at mahaba yung pasensya mo dito. Well ganun talaga, “Kapag may sipag
may Nilaga”.

Vous aimerez peut-être aussi