Vous êtes sur la page 1sur 45

ANG HANGGANAN AT LAWAK

NG PILIPINAS
ARALIN 5 – ANG TERITORYO NG PILIPINAS
Ang Teritoryo ng Pilipinas

Lokasyon
Ang Lokasyon ay nagsasaad ng permanenteng
lokasyon ng isang lugar sa ibabaw ng mundo.
Nabibigay ito sa pamamagitan ng termino o
paggamit ng latitud (latitude) at longitud
(longitude)
Matatagpuan ang tiyak
na lokasyon ng pilipinas
sa pagitan ng 4 digri 23'
at 21 digri 25' Hilagang
latitud at sa pagitan ng
116 digri at
127digri Silangan
longhitud.
Matatagpuan ang tiyak na lokasyon
ng pilipinas sa pagitan ng 4 digri 23'
at 21 digri 25' Hilagang latitud at sa
pagitan ng 116 digri at
127digri Silangan longhitud.
Lokasyong Insular at Lokasyong
Bisinal
Sa hilaga ang Bashi
Channel sa timog Celebes
Sea, sa Kanluran ay West
Philippine Sea o South
China Sea at ang Silangan
ay Pacific Ocean o
Karagatang Pasipiko
Ano ang kaibahan ng
lokasyong insular sa
lokasyong bisinal?

(gamitin ang venn


diagram)
Para sa inyo ano ang
kahalagahan ng
LOKASYON ?
Kahalagahan ng
Lokasyon
Makikita ang istratigik na lokasyon ng
Pilipinas para sa internasunal na ruta ng mga
sasakyang panghimpapawid at pandagat
patungo sa iba’t ibang bansa

Ang ganitong lokasyon ang nagbibigay sa Pilipinas ng


kahalagahan sa larangan ng kalakalan
Ang Sukat ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay may kabuuang sukat na


300,000 kilometro kwadrado. Umaabot
naman ito ng 300,000,000 ektarya
Ang bahaging dagat naman nito ay may
sukat na 438,957 milya kwadrado
Ang 13 pinakamalaking pulo sa Pilipinas

Luzon-105,708 Leyte-7,249
Mindanao-95,587 Cebu-4,390
Samar-13,271 Bohol-3,975
Negros-12.699 Masbate-3,250
Palawan-11,655 Catanduanes-1,461
Panay-11,520 Basilan-1,248
Mindoro-9,826
Ang Luzon at Mindanao ay kabilang sa
25 na pinakamalaking pulo sa buong
mundo.

Luzon – nasa pang 14


Mindanao – nasa pang 15 ranggo
Ang Pilipinas ay may sukat na 300,000 kilometro kuwadrado (sq.km.)

Mas Malaki kaysa Great Britain (244,045 sq.km.)

Halos kasinlaki ng Italy (301,225 sq.km.)

Ang Mindanao (95,587 sq.km.) ay halos kasinlaki ng Portugal

Ang laki ng Samar (13,271 sq.km.) at Leyte (7,214 sq.km.) ay halos kasinlaki ng Israel
(20,325 sq.km.)

ang kalakhang Maynila (636 sq.km.) ay mas Malaki kaysa Singapore (580 sq.km)
Kahalagahan ng sukat

Ang sukat ng isang lugar ay mahalagang salik sa pagtaya


ng pangkabuhayan at pulitikal na potensyal ng bansa
Kalimitan sa mga maliliit na bansa ay limitado ang
kanilang yamang-lupa
Ang pangangailangan para sa sapt na espasyo ay
kailangan sa pagsuporta ng malaking populasyon at
pagbigay ng pagkakataon para sa ekpansyon at kaunlaran
Ang ating bansa ay halos hugis tatsulok
Kung babaliktarin naman ay katulad ng
letrang Y
Pahaba at hiwalay-hiwalay ang mga pulo sa
ating bansa
Mahaba ang baybayin ng Pilipinas ito ay may
kabuuang sukat na 17,450 kilometro
Ilan sa mga maliliit na bansa

Monaco-0.7 square miles


Nauru-8.5 square miles
Palau-191 square miles
Malta-122 square miles
Maldives-115 square miles
Grenada-133 square miles
Activity

1. Kumuha ng mapa ng Timog-


Silangang Asya. Itala ang mga
bansang karatig ng Pilipinas na
matatagpuan sa apat na pangunahing
direksiyon.
Mga karatig Bansa ng Pilipinas

Hilaga Timog Kanluran Silangan


Activity

2. Saang bansa sa Timog Silangang Asya ang


nais mong puntahan? Bakit?

3. Ilarawan ang kinalalagyan ng Pilipinas sa


pamamagitan ng lokasyong insular.
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Disyembre 10, 1898 - Ang


hangganan at limitasyon ng
kapuluan ng Pilipinas ay nasusulat
sa kasunduan sa Paris sa pagitan ng
Estados Unidos at Espanya
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Nobyembre 7, 1900 – kasunduan


sa pagitan ng Estados Unidos at
Espanya
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Hulyo 2, 1930 – kasunduan sa


pagitan ng Estados Unidos at
Britanya
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Artikulo II ng Kasunduan ng Paris


1898 – ibinigay ng Espanya sa
Estados Unidos ang kapuluan ng
Pilipinas.
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Binayaran ng Estados Unidos ang


Espanya ng dalawampung milyong
dolyar (20,000,000)
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Di napasama sa Kasunduan sa


Paris ang ilang porsyon ng
kapuluan ng Sulu.
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Nobyembre 7, 1900 – idinagdag ang


mga kapuluan ng Cagayan, Sulu, at
Sibutu pati na ang maliit na pulo na
nakalatag sa baybayin ng Borneo.
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Nagbayad na muli ang United States


ng halagang isang daang libong
dolyar (100,000) sa Espanya.
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Hulyo 2, 1930 – nadagdagan na


naman sa ikatlong pagkaktaon ang
kapuluan ng Pilipinas.
(Turtle Island at Magsee Islands)
Saklaw ng Pambansang Teritoryo
ayon sa Kasaysayan

Nakasaad sa kasunduan ang


hangganan sa pagitan ng Pilipinas at
Hilagang Borneo.
Ayon sa Archipelagic
Doctrine o Doktrinang
Pangkapuluan
Doktrinang Pangkapuluan

UNCLOS – United Nations Convention on the Law of


the Sea

1958-1960 isinulong ng mga delegado na lahat ng mga


tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga
pulo ng kapuluan maging anuman ang lapad at lawak ng
nga ito ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Doktrinang Pangkapuluan

Upang mapantili ang Archipelago Theory,


isinabatas ito ng kogreso ng Pilipinas noong
Setyembre 17, 1961 sa pamamgitan ng Republic
Act no. 3046.

Naamyindahan ito noong Setyembre 18, 1968 sa


pamamagitan ng R.A. no. 5446.
Mahalaga ang pagsasabatas ng lawak at
nasasakop na teritoryo ng Pilipinas upang
maiwasan ang suliranin sa kaayusan,
kaligtasan, at kapayapaan ng bansa.

maiiwasan din ang pagsasamantala ng mga


dayuhan sa mga yamang nakapaloob dito.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Atas ng Pangulo Blg. 1596 o Presidential Decree


No. 1596 (Ferdinand Marcos)

-nakapaloob dito ang pag-aangkin sa mga pulo ng


kalayaan, ang mga pulong ito ay may layong 270
kilometro mula sa baybayin ng Palawan.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Ang mga pulo ng kalayaan na


kinabibilangan ng Parola, Kota,
Panata, Lawak, Binago, at Purok ay
bahagi ng Spratly Islands.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Itinakda naman sa Atas ng Pangulo bilang 1599 ang


natatanging Sonang Pangkabuhayan o Exclusive
Economic Zone.
-anumang yaman ng 200 milya mula sa baybayin
ay tanging ang Pilipinas lamang ang may karapatan
sa mga ito.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Republic Act 9522 – Marso 11, 2009


(Gloria Macapagal Arroyo)
-ang batas na ito ay nagtakda sa pag-angkin ng
karagdagang 93 milyang ektaryang mayamang
katagatan na mapapabilang sa Maritime Jurisdiction
ng bansa.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Nakatakda rin sa batas na ito ang baseline o


hangganan ng teritoryong nasasakop ng Pilipinas
kabilang ang Extended Continental Shelf o maliliit
na mga pulo na nakausbong at nakalubog sa
katubigan na sakop ng milyang layo mula sa
baybayin ayon sa itinakda ng UNCLOS.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Ang Spratly Island at ang Kalayaan Island


Group at Scarborough Shoal ay mga pulo
na hindi kabilang sa pangunahing
kapuluan ng Pilipinas ngunit ang mga
ito’y bahagi ng Pilipinas bialang “Regime
of Islands”.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Maihahalintulad ang mga ito sa Hawaii na


pag-aari ng Estados Unidos kahit malayo
at hindi kabilang sa mainland ng USA.
Ayon sa Atas ng Pangulo

Ang Spratly Island ay mayaman sa langis


kaya’t inaangkin din ng China, Malaysia,
Brunei, Vietnam, at Taiwan.
Ayon sa Saligang Batas

Artikulo I, Seksyon I, ng Konstitusyon ng


Pilipinas 1987 ang sakop ng pambansang
teritoryo.
Kahalagahan ng Teritoryo

Mahalaga ang teritoryo ng isang bansa sa mga


mamamayan na naninitahan dito.

Ang lahat ng pangangailangan ng mga tao ay


sa teritoryong sakop makukuha.
Mga Suliranin:

• Pag-aaway ng mga kalapit bansa na nais


manakop ng mga teritoryo
• Iligal na pagpasok sa bansa ng mga dayuhang
sasakyang pandagat na magiging banta sa ating
kaligtasan at kaayusan.
• Pagpasok ng mga dayuhan sa bnasa ng hindi
naaayon sa batas.
QUIZ
1-3. mag bigay ng halimbawa ng
mga maliliit na bansa
4. Gaano kahaba ang baybayin ng
Pilipinas
5.Ano ang nasa hilaga ng Pilipinas

Vous aimerez peut-être aussi