Vous êtes sur la page 1sur 13

PAANO IPINALIWANAG NG MGA DELEGADO SA KOMISYONGKONSTITUSYONAL

NG 1986 ANG WIKANG FILIPINO NANGKANILANG TALAKAYIN AT PAGTIBAYIN

ANG TADHANANGPANGWIKA NG KASALUKUYANG KONSTITUSYON?

Nakalahad sa katiktikan ng Pulong ng Komisyong Konstitusyonal(CONCOM) noong

Setyembre 10, 1986 ang mga pahayag atpaliwanag ng iba’t

ibang delegado sa Komisyong Konstitusyonal nakabilang ang mga sumusunod:

Komisyoner Wilfredo Villacorta:

“Ito po ang isang umiiral nawikang pambansa, at ang nukleo nito ay Pilipino

sapagkat ito ayisa nang malaganap na umiiral na wika, na Pilipino na P. Sinasabirin natin

na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak atpinaunlad na tinatawag na Filipino at

ang formalisasyon nito aykailangang isagawa sa sistemang pang-edukasyon at iba pa,

subalithindi nangangahulugan na dahil hindi pa ito formalisado ay hindiito umiiral. Ito ay

isang Lingua Franca.”

Komisyoner Ponciano Bennagen

Kailangan nating pagkaroon ngisang midyum ng komunikasyong magbibigkis sa atin at

iyon ay angFilipino, na binigyang kahulugan ng isang pangkat ng mga pantas sawika at

mga organisasyong pangwika bilag isang lumalawak na versyonng Pilipino.”

Komisyoner Francisco Rodrigo:

“Itong Filipino ay hindi isang bagong kinatha o kakathaing lenggwahe. Ito ay batay sa

Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya nga’t ang Pilipino ay batay sa

Tagalog, at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”


Bago ito tinawag na Filipino, anu-ano ang mga katawagan o pariralang ginamit sa

pagtukoy sa wikang pambansa?

Ang unang pariralang ginamit sa pagtukoy sa wikang pambansa ay “pambansang

wika ng Pilipinas na batay sa Tagalog” sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

na nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937, alinsunod sa

rekomendasyon ng unang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa batay sa mga resulta

ng mga pag-aaral na itinakda ng Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936. Pagkaraan ng 20

taon ng paggamit at pagtuturo ng wikang pambansa, nilagdaan ni Kalihim Jose E.

Romero ng Edukasyon at Kultura ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 7 noong

Agosto 13, 1959 na nag-aatas sa paggamit ng katawagan “Pilipino” sa pagtukoy sa

wikang pambansa upang maikintal sa wikang pambansa ang di mapapawing katangian

ng ating pagkabansa. “At ang Konstitusyon ng 1937 ay nagtatadhana na dapat

magsagawa ng mga hakbang ang Batasang Pambansa tungo sa paglinang at pormal na

pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging `Filipino’. At

hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Pilipino ang magiging mga

wikang opsiyal.”
Paano nagsimula ang paglinang ng wikang pambansa?

Nagsimula ito noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang

pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang

Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng

isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14,

Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-

aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng

pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa

ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng

pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang

pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang

pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na

nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang

Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga

paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng

Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand

Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay


magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng

pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino

ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas."

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon

C. Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo

14 Seksiyon 6 na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,

ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba

pang mga wika."

Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa

ngayon ay nagbabago ang anyo. Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga

letra na f, j, q, v, at z. Dahil dito, ang dapat na maging baybay ng pangalan ng ating bansa

ay Filipinas at ng pambansang wika ay Filipino, gaya ng ipinanukala ng Pambansang

Alagad ng Sining para sa Literatura Virgilio Almario sa kaniyang librong Filipino ng mga

Filipino: Mga Problema sa Ispeling, Retorika, at Pagpapayaman ng Wikang Pambansa.


Anu-ano ang mga bagay na binabanggit ng mga prayle at banyagang iskolar

tungkol sa wikang Tagalog?

Isang prayle ang sumulat ng Balarila noong panahon ng Kastila na noon pa'y

nagkakaunawaan na ang mga taga Pilipinas sa Pamamagitan ng Tagalog.

Sa pananaliksik naman ni Profesor Apolinar Parale, madali raw matutong magsalita at

makaunawa ng Tagalog.

"Ang Tagalog ay sinasalita at nauunawaan din iyon ng ibang naninirahan sa ibang isla."

- Misyonaryong Kastila noong 1618

"Natutuhan kong magsalita ng Tagalog ng walang gaanong hirap..."- Prayle Domingo

Navarette

Nasabi ni David J. Doherty na ang Tagalog ay may kapasidad na "maging behikulo ng

pagpapatuloy ng kulturang katutubo."

"Ang wikang Tagalog ang siyang wikang nababagay sa yaman at flexibility para sa pag-

unlad ng panitikan."- Frank Blake

"Ang heograpiya ay may malaking ginagampanan tungo sa pagpapatibay ng Tagalog,

pagkat iyon ang wika ng Maynila, na siyang sentro ng edukasyon, kalakal at politika"

- Henry Barlett, naging pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas

Paano nagsimula ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga Paaralan?

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng

paglilimbag ng isang parirala at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.

Hunyo 19, 1940- nagsimulang ituro ang wikang pambansa sa paaralang publiko at

pribado.

Paano naging wikang opisyal ang Wikang Pambansa?


Sa bisa n Batas Komonwelt Blg. 570, noong Hulyo 7,1940, ang wikang pambansa ay

ipinahayag bilang Wikang opisyal simula Hulyo 4, 1946.

Marso 26, 1954- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama Blg.12 na

nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29

hanggang Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

Setyembre 23, 1955- Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186

alinsunod sa Proklama Blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan nito'y ilipat ang Linggo ng

Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.

Anu-ano ang mga legal na batayan para sa kasalukuyang pambansang awit o "Lupang

Hinirang" sa Filipino?

Mayo 26, 1956- inilagda ng Kalihim Gregorio Hernandez, Jr.ng Kagawaran ng Edukasyon

at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.5 na nag aatas ng pag awit ng binagong

"Lupang Hinirang".

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose

Romero ng Kagawaran ng Edukasyon Ang kautusang Blg. 7.

Disyembre 30, 1937- Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng

Pangulong Quezon , ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.


PAANO NAGSIMULA ANG PAGTUTURO NG WIKANGPAMBANSA SA MGA

PAARALAN?

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1,1940)

nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon na nagpapahintulot sapag-iimprenta ng

Diksyunaryo at ng Balarila ng wikang pambansa

Hunyo 19, 1940

ang pambansang wika ay tinuro sa pribado at pampublikongpaaralan

Kautusang Pangkagawaran Blg. 1 s. 1940

sa pamamagitan ni Jorge Bocobo ang wikang pambansa ay itinurosa mga paaralang

sekundarya at normal.

PAANO NAGING WIKANG OFISYAL ANG WIKANGPAMBANSA?

Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)

ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang ofisyal na wika simula

Hulyo 4, 1946

Konstitusyon ng 1973

“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles atFilipino ang magiging ofisyal

na wika.”

Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng1987)

“Para sa mga layunin ng komunikasyona at pagtuturo, ang mgaofisyal na wika ng

Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibangitinatadhana ang batas, Ingles.”


ANO ANG NAGING DESISYON NG HUKUMAN SA KASO TUNGKOL SAWIKANG

PAMBANSA NOONG 1963 LABAN SA MGA OFISYAL NGPAMAHALAAN NA

GUMAGAMIT AT NAGPAPALAGANAP NG FILIPINO?

Pinawalang-saysay ng Hukumang Unang Dulugan ng Maynila angkaso na sinang-

ayunan ng Hukuman ng mga paghahabol at ng Kataas-taasang Hukuman.

MGA LEGAL NA BATAYAN PARA SA KASALUKUYANG PAMBANSANG AWIT O

LUPANG HINIRANG SA FILIPINO.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 5

pag-awit ng Lupang hinirang

Memorandum Blg. 5

nagtatagubilin na magsagawa ng hakbang upangmalaganap ang pag-awit sa Filipino ng

pambansang awit.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60

nag-aatas na ang pambansang awitay dapat awitin sa wikang Filipino.

POPULASYON NG PILIPINAS NA NAKAUUNAWA,

NAKAKABASA, NAKAPAGSASALITA, AT NAKASUSULAT SAWIKANG FILIPINO

92% - nakauunawa sa wikang Filipno

88% - nakakabasa

83% - nakakapagsalita

82% - nakakasulat

86% - kabuuang sambayanan na nakapagsasalita sa wikang Filipino


ILAN PANG MAHAHALAGANG BATAS TUNGKOL SA WIKA

Proklama Blg. 12 (1954, Marso)

-nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng WikangPambansa simula sa Marso 29

hanngang Abril 4 taun-taonsang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.

Proklama Blg. 186 (1955, Set.23)

-nasusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan nito’y inilipat ang panahon

ng pagdiriwang ng Linggo ngWikang Pambansa taun-taon simula ika-13 hanngang ika-

19ng Agosto.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967, Okt.24)

-nagtatadhana na nag lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ngpamahalaan ay

pangalanan sa Pilipino.

Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968, Marso 27)

- nagbibigay-diinsa pagpapairal ng Kautusang Tgapagpaganap Blg. 96

-iniaatas din na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan atmga sangay ng

pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino,kalakip ang kaukulang teksto sa

Ingles.

-iniaatas din na ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mgapinuno at empleyado

ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.

Memorandum Sirkular Blg. 199 (1968, Agosto 5)

-nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan nadumalo sa mga seminar

sa pilipino na idaraos ng Surian ng WikangPambansa sa lahat ng purok pangwika.


Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1968, Agosto 6)

-nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng

pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t

maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ngofisyal na

komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Memorandum Sirkular Blg. 277 (1969, Agosto 7)

-bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mgapinuno at

empleyado ng pamahalaan na dumalo sa lahat ng pook aymasaklaw ng kilusang

pangkapulungan sa pagpapalaganap ng WikangPambansa.

Memorandum Sirkular Blg. 384 (1970, Agosto 17)

-nagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala ngkomunikasyon sa Pilipino

sa lahat ng departamento, kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan,

kabilang angkorporasyong ari at kontrolado ng pamahalaan.

Memorandum Sirkular Blg. 443 (1971, Marso 4)

-hinihiling sa lahat ng tanggapang pamahalaan ng magdaraos ngpalatuntunan sa alaala

ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan niFrancisco Baltazar sa Abril 2, 1971.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971, Marso 16)

-magpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag angkapangyarihan at

tungkulin.

Memorandum Sirkular Blg. 488 (1971, Hulyo 29)

-humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ngpalatuntunan sa

pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto13-19.


Kautusang Panlahat Blg. 17 (1971, Dis. 1)

-ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino atIngles sa Official

Gazette at mga pahayagang may malawak nasirkulasyon bago idaos ang plebisito para

sa ratifikasyon ng SaligangBatas noong Enero 15, 1973.

Atas ng Pangulo Blg. 73 (1972, Dis)

-nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang-Batas ayisalin sa mga

wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000)mamamayan alinsunod sa probisyon

ng Saligang-Batas. (Art. XV,Sec. 3 [1]).

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974, Hunyo 9)

-nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarangedukasyong bilinggwal

sa mga paaralan na magsisimula sa taong1974-1975.

1974, Okt. 22

-nagpalabas ng pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa namakapagdaos ng mga

palingkurang pagsasanay, seminar, gawaingkapulungan at iba pang kauring Gawain

tungkol sa bilinggwalismo para

sa mga pinuno’t tauhan ng lahat ng tanggapang pamahalaan, sa lahat ngguro, professor,

pinuno’t tagapangasiwa ng mga paaralan.

Kautusan Blg. 22 (1978, Hulyo 21)

-nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi na ng kurikulum napangkolehiyo. Simula sa

unang semester ng taong 1979-1980, ituturoang anim na yunit ng Pilipino sa kolehiyo:

Pilipino I (3 yunit) Sining ngPakikipagtalastasan (Communication Arts) at Pilipino II (3

yunit)Panitikang Pilipino; Pahapyaw na Kasaysayan at mga Piling Katha(Surveys and

Readings Of Literature in Pilipino).


TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NGREPUBLIKA NG PILIPINAS,

1987

ARTIKULO XIV

Artikulo XIV, seksyon 6 (1987)

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino.Samantalang nililinang, ito ay

dapatpayabungin at pagyamanin pa salig saumiiral na wika sa Pilipinas at iba pang

mgawika.

seksyon 6 -midyum ng opisyal nakomunikasyon

seksyon 7 -Wikang Opisyal ng Pilipinas

-Filipino; wikang pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at pantulong

sapagtuturo.

Kautusang Blg. 52

–Pinalabas ni Kalihim Lourdes Quisumbing ang pag-uutos nagamitin ang wikang Filipino

bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 (1990)

–Iniutos ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin ang wikang Filipinosa pagbigkas ng

panunumpa ng katapatan sa Saligang batas at sa bayan natin.

Hulyo 15, 1997 - Proklamasyon Blg. 1041, nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng

Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 na nilagdaan nina Pangulong Fidel V.

Ramos at Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torres.

Praymer sa Revisyon ng Ortografiyang Filipino(2001) – Inilabas ng Komisyon ng Filipino

ang Revisyon sa mga tuntunin ng Ortografiyang Filipino tungo sa istandardisasyon at

intelektwalisasyon ng wikang pambansa.

Vous aimerez peut-être aussi