Vous êtes sur la page 1sur 1

“Akala’y isa nang elepanteng ganid

ang alin mang langaw na maliit,


at kung ang paningin nila ang manaig
magiging higante ang unanong paslit.

Kung ako’y lumapit na nananagano


ay ano bang sama ang mapapala ko?
Kahit nga niya murahin pa ako
ay sa hindi naman hangal na totoo.

“Iyang mga iba’y bibigyang matuwid


sa kanilang gawa ang aking paglapit,
sa pananakali’y di magsisigasig
sa nagniningningang ilaw na marikit.”

Nang ito’y masabi, halos sasang-iglap


yao na’t naglaro sa nagliliwanag,
sa ilaw na yao’y nagpaliwas-liwas
ang baliw at munting paruparong anak.

Nang unang sandali’y walang naramdaman


kundi munting init na wari’y pambuhay
ito’y siya pa ngang nagpapabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Natutuwa pa nga’t habang naglalaro


ay lapit nang lapit na di naghihinto,
sa isang pagliwas ay biglang nasulo
tuluy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.

At siya’y hindi muling nakalipad


hanggang sa namatay ang kahabag-habag
Ang ganyang parusa’y siyang nararapat,
sa hindi marunong sumunod na anak.