Vous êtes sur la page 1sur 7

ANAK

Si Josie (Vilma Santos) ay isang OFW na nagtatrabaho sa Hong


Kong bilang isang domestic helper ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera para sa mga anak niya upang
matustusan ang kanilang pangangailangan at para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak bagama't siya'y
malayo sa kanila tiniis niya ang mga pasakit ng kanyang amo at
ng kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa
kanilang paglaki.
Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak-watak ang
buhay ng mag-anak ni Josie nang yumao ang kanyang
minamahal sa asawa na si Rudy na kasama sa kaniyang mga
anak sa kanilang buhay ng wala si Josie, si Rudy ay isang
mapagmahal na ama ngunit hindi siya isang mabuting taga
suporta sa kanilang pamilya kung pera ang pag-uusapan dahil
masakitin ito.Dito nagsimulang magsuklam si Carla sa kaniyang
ina.Nagpadala siya ng sulat sa inang nasa Hong Kong upang
malaman ang nangyari at nang siya'y umuwi dahil kailangan siya
ng kanyang mga anak sa pangungulila sa ama. Gayunpaman,
hindi nabasa ni Josie ang sulat dahil siya ay ikinulong siya ng
kanyang amo sa loob ng kanilang bahay ng isang buwan. Nabasa
ni Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi pa rin
niya pinayagan ng kanyang amo kahit na magmakaawa pa siya.
Pagkaraan ng isang taon , umuwi rin si Josie. Nagawa niyan ito
dahil tigil na ang kanyang trabaho sa Hong Kong. Nagnanais
siyang magtayo ng isang negosyo na kasosyo ang kanyang
dalawang kaibigan na sina Mercy at Lyn .Namuhunan sila ng
taksi para ipasada sa kalsada.Masaya ang pagbalik pagkaraan
ng anim na taong pangungulila. Gayunpaman, naharap niya
matabang pasalubong ng anak. Si Daday,ang bunso, ay hindi
siya kilala. Si Michael ay walang kimi at mahiyain at si Carla, ang
panganay na hindi man lang ginagalang ang ina at iniitsepwera
lamang niya ito.
Naramdaman ni Josie na siya ay parang ibang tao sa kanyang
sariling pamilya Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga
anak sa pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni
Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie ang
mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo, paghihithit
ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang
pinakamatalino sa kanyang mga anak. Nabangga pa ang taksing
pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil
nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod
na problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.
Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si
Carla sa bahay at lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang
mawala ang iskolarship ni Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo
ni Josie dahil ang dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito,
napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa
kanya. Lumayas din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni
Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para
sa kanyang pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa
Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si
Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa
hanggang sa binuhos niya ang lahat lahat ng kanyang
nararamdaman sa mga anak. Sa oras na ito, namulat ang mga
mata ni Carla sa katotohanang siya ang sumira sa buhay niya at
wala na siyang mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil
sa pagpapalalo niya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki ng
walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde ngunit sa kanilang alitang iyon.
Naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama't malayo siya sa kanilang tabi.
INA-ANAK

Vous aimerez peut-être aussi