Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang alamat ng Gagamba

Si Arakne ay napakahusay humabi ng tela.


Ang sabi ng iba ay tinuruan siya ng diyosang si
Minerva ng husay sa paghahabi. Ang wika ni
Arakne ay walang nagturo sa kanya sa
paghahabi. Sabi pa niya ay higit siyang mahusay
humabi kaysa sa diyosa. Isang kakilala ang
nagpaalala kay Arakne na huwag siyang
masyadong mayabang. Sinabi ni Arakne na
nagsasabi lang siya ng totoo. Ang gusto nga niya
ay hamunin ang diyosa na magpagandahan sila sa
paghahabi. Nakarating sa diyosang si Minerva
ang hamon ni Arakne. Isang araw ay nag-anyong
matanda si Minerva at pinuntahan si Arakne.
Pinanood niya ang paghahabi ni Arakne. Pinuri
rin niya ang mahusay na paghahabi ng dalaga.
Nagyabang si Arakne dahil sa narinig. Anang
dalaga ay walang panama sa husay nya maging
ang disang si Minerva. Hindi ka dapat magsalita
ng gayon. Si Minerva ang diyosa at walang
mmakakadaig sa kanya. Nagtawa si Arakne.
“kung narito lang siya ngayon ay kaya ko siyang
talunin.” Nagtanggal ng balatkayo ang diyosa.
“Masusunod ang iyong kahilingan,” wika ni
Minerva. “Simulan na natin ang paghahabi.”
Higit na maganda ang nahabi ng diyosa. Hiyang
hiya si Arakne. “Mula ngayon ay lagi mong
maaalala ang iyong kayabangan,” wika ni
Minerva. Naging insekto na may walong paa si
Arakne. Mula noon ay humabi na siya nang
humabi ng mga lambat. Siya ang unang gagamba.
The Legend of the Spider

Arakne is good at weaving cloth. Some


says goddess Minerva taught her the art of
weaving cloth. But Arakne denies this. She
said nobody taught her how to weave. She
added that she is better than any goddess in
weaving cloth. A friend once remind her to be
humble. Arakne answered that she was just
telling the truth. She even wanted to
challenge the goddess to a competition.
Goddess Minerva learned about Arakne’s
challenge. One day, Minerva disguised herself
as an old woman and met Arakne. She
watched Arakne weaves. She also praised the
young woman of her great talent in weaving.
Arakne boasted even more with what she
heard. She said even goddess Minerva is no
match with her great talent. “You should not
say that. Minerva is a goddess and no
ordinary mortal could beat her.” Arakne
laughed loudly. “If she is only here I could
prove to her that I am better.” The irked
goddess took out her disguise. “Your wish
shall be granted,” Minerva said. “Let’s start
the competition.” The goddess proved to be
better. Arakne felt so ashamed. “From now
on, you will always remember your
arrogance,” Minerva said. Arakne became an
eight-legged insect. She kept on weaving webs
since then. She became known as the first
spider.

Vous aimerez peut-être aussi